Part 2

15 0 0
                                    

Part 2

💢 Proposal

"How is she..?tanong ni arvic sa doctor na umatima sa babaeng nasagasaan niya kagabi.

Subra kasi siyang nag aalala para dito. Dama niyang may humahabol sa babae kaya ito biglang tumawid at nahagip nang kanyang sasakyan.

For the first time nag alala siya sa isang babaeng di niya kilala or baka guilty siya sa kanyang ginawa.

Kaya naman Di niya maiwan ang babae hanggat hindi nasisigurong okay at ligtas ito.

"Shes fine..tanging mga galos at sugat lang  naman ang natamo niya.. pahayag ng doctor.

Nakahinga siya ng maluwag nang malamang hindi niya ito napuruhan.

"Kilan ko siya pweding ilabas doc..?tanong niyang muli.

"Anytime as long as she can. sa ngayon pwedi mo nang makausap ang pasyenti. Wika ng doctor bago siya iniwan.

Agad niyang tinungo ang Private room nang dalaga. Nilagyan niya rin ito nang dalawang guardia upang
walang ibang makapasok sa loob ng silid.

Panigurado hinahanap na ito ngayon nang kung sino mang  humahabol dito kahapon.

Bahagya siyang sumilip sa silid bago pumasok gising na ang magandang dalaga dahil Nakadilat ito at malayo ang tingin na tila lagpas sa kisame.

Tumikhim siya upang agawin ang attention ng babae.

Bumaling ito sa kanya kaya nag tagpo ang kanilang mga mata. At nababasa niya sa inosenting mga mata nito ang pangamba.

"Don't worry ligtas ka dito. Paniniguro niya upang wag na itong mabahala.

nawala naman  kaagad ang pangamba ni samantha nang marinig ang sinabi nang lalaki.

"Salamat.. tugon niya.

"Ako nga pala si arvic..pag lalahad ni arvic nang palad dito.

Imabot kaagad iyon ni samantha. Nang maramdaman ang  mainit na palad nang lalaki ay tila nag karoon siya nang kapanatagan sa tabi nito. Na tila baga hindi siya pababayaan ni arvic at hahayaang makuha nang malupit niyang tiyahain.

pagud na siya sa pang aalipin sa kanya at pananakit nang mga ito at hindi niya na nanaisin pang bumalik sa lugar na iyon.

Hihinge siya ng tulong sa lalaking ito, at gagawin lahat nang kahit na anumang kapalit.

Pinilit niyang umupo kaya maagap siyang inalalayan nang lalaki.

"Wag mo muna pilitin ang sarili mong bumangon sam. Sabi nito sa kanya sa tunong may pag aalala, simula nang mamatay ang kanyang ama  ngayon lang siya ulit  nakarinig nang taong nag aalala sa kanya. Sa isang strangherong lalaki pa. Sa hindi niya kaano ano.

"Kaya ko na, salamat. Maagap niyang tugon.

Sa tulong nito ay maayos siyang naka upo. Marahan at ingat na ingat siyang hinawakan nang lalaki sa braso upang isandal sa headboard nang kama at nilagyan nang unan na masasandalan niya.

Hindi man sinasadya sa unang pag kakataon sa tanang buhay niya ay kinabahan siya sa ayos nilang dalawa ng lalaki. Subrang lapit kasi nito sa kanya at dama niya sa pisnge ang mainit nitong hininga nang lagyan siya nang unan sa kanyang likuran.

Tila nahipnotismo pa nga siya ng mapatitig sa mukha nito at na papalunok dahil ngayon lang siya nakakita nang gwapo. At napakabango ng lalaki.

Nang matapos siyang lagyan ng unan sa likod ay umupo ito sa kanyang harapan mismo sa gilid nang kanyang kama.

"Salamat sir.. magalang niyang saad habang dama parin ang kaba. "kailangan kong mag tago sa tita josefa ko pwedi mo ba akong tulungan..? Muli ay sabi niya sa nag mamakaawang tuno..

Kumapit siya sa kamay nito at tumingin sa mga mata ng lalaki.. gusto niyang mahabag ito sa kanya.

"Tulong?tanong ni arvic pabalik sa babae. sa sinabi nito tila pumasok sa kanya ang isang idea. Kahapon problemado din siya kung paano at saan makakahanap ng babaeng mag bibigay sa kanya ng anak. At bigla itong sumulpot sa buhay niya."tutulongan kita. Wag kang mag alala. Ang bigla niyang saad.

Nangulap ang mga mata ni samantha sa kaligayahan at humigpit pa lalo ang pag kakahawak niya sa kamay ng lalaki habang walang sawang nag pasalamat.

Sa wakas ay ligtas na siya sa kalupitan nang kanyang tita josefa, 

"Sa ngayon mag palakas  ka muna.. sabi nalang ni arvic sa dalaga. Mabait naman itong tumango.

Nang muling makatulog ang babae nanatili si arvic sa tabi nito. Napangiti pa siya dahil nanatili ang mga palad nito sa kanya at ayaw siyang bitiwan na tila takot niyang iwanan.

Ipinatong niya ang isang palad sa kamay nito. Naawa siya sa babae. Nabasa niya kanina sa mga mata nito ang matinding trauma.

Aalamin niya kung bakit ganoon nalang ang takot nito sa sinasabing tita josefa.

Sa ngayon kailangan lamang niyang masigurong  ligtas si sam. Saka nalang niya hihingin ang pabor na gusto niya kapag okay at panatag na ito sa kanyang tabi.

Pag kalipas ng dalawang araw ay nakalabas na si samantha sa hospital at dinala siya nang nag ngangalang arvic sa isang hacienda. Sa isang napaka lawak na hacienda.

May malapalasyo itong bahay sa ibabaw nang burol na sa terrace matatanaw ang nag tatayugang mga puno nang niyog at iba pa tulad nang mga punong mangga,

Ngayon niya lang napagtanto na napakayaman pala nang lalaking naka bangga sa kanya. hindi pala ito ang inaasahan niyang simpleng tao lang. 

"Mag pahinga ka muna. Nang madala siya ni arvic sa isang napakagarang silid ay sabi nito sa kanya.

"Salamat sa tulong mo sir.. hayaan mo pag tatrabahuan ko ang pananatili sa lugar mo. Matapat na wika ni sam.

Pomormal muna si arvic bago lumapit sa dalaga. Ayaw niya sanang samantalahin ang pag kakataong ito pero gusto niyang linawin ngayon ang gusto niyang hingin kapalit sa pananatili nito sa buhay niya.

Inalalayan niyang maka upo ang dalaga bago niya sinimulan ang gustong sabihin.

Si samantha naman ay napatingin lang sa lalaki nang walang kurap.

"May gusto sana akong sabihin sayo sam. Panimula nang lalaki.."gusto ko mapasakin ang hacienda racho na ito at ang kompanyang naiwan ni dad.. at ikaw lang ang makakatulong sakin.

Naguluhan naman si samantha sa sinabi nang lalaki.

"Diko maintindihan sir..usal niya."hindi ba sa iyo ang lugar na ito..?tanong niya pa.

Nakita niyang umiling ang lalaki

"Sa lola ko ang lahat nang ito. At makukuha ko lamang ang mga bagay na gusto ko kung mag kakaroon ako nang isang anak. At  ikaw ang gusto kong maging ina nang anak ko.. wag kang mag alala sagot ko lahat nang pangangailangan mo, bigyan mo lang ako nang anak. Pag mamakaawa ni arvic sa dalaga habang nag dadasal na sana pumayag ito.

Nag isip naman kaagad si sam.. mabait naman ang lalaki higit sa lahat wala naman na siyang ibang mapupuntahan pa. Kung makakatulong siya sa lalaki tiyak na hindi siya nito pababayaan.

"Pumapayag ako. Pag katapos pag isipan ni samantha ang lahat ay sabi nito.

Natuwa si arvic sa tugon nang dalaga kaya nayakap niya ito sa galak.

"Salamat sam hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya. Thank you.. thank you. Usal ni arvic habang yakap si sam.

"Ahm pag nabigyan ba kita nang anak pag katapos anong mangyayari..? Paalisin mo naba ako dito..? Pag lilinaw na tanong ni sam.

"Oo sam, magiging malaya kana. Pwedi kang pumunta kung saan mo gusto. At kahit anong hingin mo ibibigay ko, pera, kotse, bahay, alahas, kahit ano sam mapapasayo. Mabilis na tugon ni arvic.

Tanging ngiti lamang ang naisagot ni sam. Malaking pabor iyon sa kanya. Makakapamuhay siya nang masaya at mabibigyan niya nang katarungan ang pang aapi sa kanya nang tiyahin. Kapag marami na siyang pera wala ng makakapanakit sa kanya,

//Continue..

PROPOSALWhere stories live. Discover now