Part 1

31 0 0
                                    

PART_1

Abala ang isip ni arvic habang nag mamaneho pauwi sa hacienda racho upang pansamantalang maka iwas  sa kanyang lola. At pinag iisipan niya din kung saan makakakuha nang isang babaeng hindi tatanggi sa kanyang proposal na gagamitin niya para makuha lamang ang kanyang free last will and testament mula sa kanyang lola farah.

Ayon sa kanyang abuela ay kailangan niyang mag karoon nang isang  anak upang makuha ang ikalimang parti ng yaman mula  sa pamilyang racho. At kailangan niyang maipakilala sa kanyang abuela ang babaeng mag bibigay ng anak sa kanya sa lalong madaling panahon..

Bagaman hindi siya ang nag iisang apo nang kanyang abuela ay nag hahangad siya nang pinakamalaking makukuhang parti mula kayamanan  nito dahil anak lang naman siya nang namayapa nitong panganay.. ayaw niya din kasing makuha nalang basta basta nang isa man sa kamag anak niya ang pinag hirapang kompanya nang kanyang  ama na minana pa sa kanyang lolo. Siya lang naman kasi ang tunay na nag mamalasikit dito. Ang iba niyang pinsan ay walang pakialam sa mga pinag hirapan nang dad niya.

Palabas na siya nang kamaynilaan nang biglang may babaeng tumatalilis patawid nang kalsada at huli na ang lahat para iwasan ang babae. Tumilapon ito at duguang bumagsak sa semento. Madilim narin kasi ang paligid kaya hindi niya gaanong maaninag ang tumawid na babae ganoong hindi naman tawiran ang lugar na iyon.

Sa pag aalala ay mabilis niyang nai preno ang sasakyan at agad bumaba nang kotse. Nag mamadali niya ring dinaluhong ang babaeng may mga galos sa braso, pasa sa mukha at may sigat sa ulo. Sa hitsura nang babae ngayon tila takot na takot ito.

"T-Tulungan mo ako..bulong nito sa mahinang boses na kumapit sa damit niya at mahina siyang hinila.."s-sir tulungan mo ako..muli ay usal nito.

Dagli niyang binuhat ang babae nang tuluyan itong mawalan nang malay. Itinakbo niya ito kaagad sa pinaka malapit na hospital.

Ang babaeng iyon na nasagasaan ni arvic ay walang iba kundi si samantha anderson, anak ito nang mayamang mag asawang luzvimenda at manuel anderson.

Sa kasamaang palad ay namatay si manuel na ama nito sa ataki sa puso at ang dating luzvimenda na ulirang ina ni samantha ay nalugmok sa matinding kalongkutan. At nawalan nang ganang mabuhay. Hanggang sa ang lahat nang kanilang mga ari arian ay nabenta na at ang natitira nalang ang bahay at lupa na malapit nang mailit nang bangko.

Walang nagawa si samantha kundi ang umiyak at damayan ang kanyang ina. Sixteen year old lamang noon si samantha at hindi pa alam ang dapat gawin.

Nang mamatay ang kanyang ina sa pangungulila sa ama ay napilitan siyang kopkupin nang kanyang tita josefa. Pero hindi siya nakakuha nang magandang pag trato mula reto.

Ginawa siyang katulong sa malaking bahay at pinahinto din siya sa kanyang pag aaral upang maging tagapag silbi nang mga ito.

Ang tita josefa niya ay kapatid nang kanyang ama. May dalawa itong anak na sina laarni at ram, dito niya mas naramdaman ang kalupitan kesa sa ina nang mga ito. Maliban kasi na ginagawa na siyang alila nang lahat  ay sinasaktan pa siya nang mag kapatid. Kadalasan ay sa labas siya natutulog at tinitiis ang lamig at gutom maging ang kagat nang lamok.

Hindi alam ni samantha kung bakit ganoon nalang siya tratuhin nang mga ito. Pero nag titiis siya dahil wala siyang ibang mapuntahan.

"Hindi ka namin kamag anak samantha dahil ang sabi ni mommy ampon kalang ni tito manuel at tita luzvimenda kaya tanggapin mong wala kang makukuha mula samin kundi pasakit.. sigaw ni laarni kay Samantha  habang inilalampaso ang mukha nito sa sahig isang araw.

Galit na galit noon si laarni kay samantha dahil dumalaw  ang lalaking manliligaw nitong si  adam. Nang makita si samantha ng lalaki ay nakipag kilala ito sa magandang dalaga kaya naman inisip ni laarni na nilalandi ni samantha si adam.

"Tama na laarni masakit..palahaw ni samantha habang umiiyak.

"Malandi kang babae ka.. kaya ang mabuti diyan sa mukha mo sirain nang hindi nakaka perwisyo. Gigil parin ni laarni.

Hindi nito tinantanan si samantha hanggang sa hindi ito nakikitang duguan.

Nang mag sawa ay basta nalang siya iniwan at nag babanta na papatayin sa susunod na lumapit pa ito sa lalaking si adam.

Parang punyal na tumarak sa puso nang dalaga ang katutuhannag ampon lang siya nang kinilalang magulang pero ganoon man wala ng mga ito para tanungin pa ni samantha.

At  Totoo man yun or hindi ang alam niya ay minahal siya ng mag asawa.

Lumipas pa ang dalawang taon at lubusan nang dalaga si samantha, sexy at maganda kaya naisipan na ni josefa na ibenta ito sa mga byodong mayayamang business man para naman mapakinabangan ang babae at mabayaran nito ang sakripisyo niya sa pag kopkop dito  pero ang dalaga ay umiyaw.

Nang mga sandaling iyon ay nasa loob na ng sasakyan  si samantha upang dalhin sa ni josefa sa isang mayamang negusyanting naka bili kay samantha.

Dito na naka isip ang dalaga na buksan ang pinto at tumalon. Mas guhustuhin pa niyang mamatay keysa pag samantalahan. Nag pagulong gulong ito sa simento kaya nag karoon ito nang maraming galos sa braso. Nag karoon din ito nang malaking sugat sa ulo.

Mahilo hilo man ay bumangon si samantha at nagpatuloy sa pag takbo nang makitang huminto ang kotseng sinasakyan ni josefa.

Sa takot na makuha siya muli nito. Nag lakas loob din siyang tumawid sa kalsada kahit na alam niyang hindi iyon tawiran kaya sa malas ay nahagip siya nang isang sasakyan.

Nag pagulong gulong siyang muli at bago nawalan nang malay ay nakita niyang may lalaking dumaluhong sa kanya.

Walang pag aalinlangang huminge siya nang tulong dito kahit na hindi niya kilala ang lalaking iyon. Basta ang gusto niya lang makalayo sa malupit na kamay nang kanyang tiyahin.

//CONTINUE....

PROPOSALWhere stories live. Discover now