Kabanata 8

2.3K 93 16
                                    

Kabanata 8

Lost


Sa pagharap sa kamay na humawak sa akin, ang kanyang mga mata ay napupuno ng iba’t-ibang emosyon. Pero sigurado ako na guilty siya, dahil niloko niya ako. Guilty siya dahil nagkaroon siya ng ibang babae habang mag-asawa kami. Binawi ko ang kamay at umatras palayo sa kanya. Hindi ko kayang harapin ang lalaking minahal ko ng lubos pero niloko lang ako.

“Listen to me, Marguz. I know what you saw and I want to apologize—”

Isang malakas na sampal ang bumakat sa kanyang pisnge. Hindi mapigilan ang pagsiklab ng apoy sa puso ko. Nagtiis ako, pero hindi ko na kayang tiisin pa ito ngayon.

“Y-you cheated on me!” sigaw ko na punong-puno ng poot at galit.

Lahat ng pagtitiis ko, lahat ng pagsasawalang bahala ko, lahat ng iniisip ko, bumagsak ngayon. At hindi ko kayang pigilan pa ito dahil ngayon lang ako magkakaroon ng lakas na magalit, na ipakita sa kanya na napuno na ako, at hindi ko na kaya pang itago ito.

“Hindi ako kailanman nagreklamo sayo kahit pa wala ka ng oras sa akin, sa pagbubuntis ko. Hindi ka nakarinig ng ingay mula sa akin kasi inunawa kita, Therome. Kasi buo ang tiwala ko sayo, dahil sobra kitang mahal. Tiniis ko ang lahat, ang hindi mo pag-uwi, na kahit manlang sa check-up ko para sa anak natin…h-hindi mo nagawa!” I burst out.

Hinampas-hampas ko ang kanyang dibdib kasi sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ngayon ko lang ito ilalabas dahil kapag matapos kami, hindi na ako babalik pa at tatalikuran ang lahat ng ito.

“S-sobra akong nagtiwala sayo na kahit ang pagdududa ko, hindi ko binigyan ng tinig! Na kahit ang sarili ko, tinatanong ko kung saan ba ako nagkulang, saan ba ako nagkamali bilang asawa mo!” umiiyak kong sabi.

Nanginginig na ako sa lamig pero umiinit itong puso ko dahil sa bandang huli, tama nga ako.

“A-anong kasalanan ko sayo at bakit mo ako s-sinaktan ng ganito?” durog na durog kong sabi.

Dulot ng panghihina, napaluhod ako sa kanyang harap habang dinadama ang malamig na ulan, walang tigil na luha, pusong nadurog at nasawi.

“She was my first love. When I was in my junior high, siya ang kauna-unahang babae na minahal ko. We broke up because she wants me to finish our studies first. Yes, I’m idiot for denying that I still love her, but you’re here, and I’m your husband. I’m so sorry Marguz, for everything I caused to you.” he said strongly.

Napayuko ako habang pumapatak ang luha sa mga mata at paulit-ulit na dinadama ang pighati na nararamdaman. Tumayo ako at muli siyang hinarap.

“M-minahal mo ba talaga ako?” I asked bravely while tears escaped.

He sighed and looked at my eyes, guilty.

“Answer me, minahal mo ba talaga ako!?” sigaw ko.

He shook his head.

“You never got there, Marg.” malamig niyang sagot.

That’s my cue, the last hope I have in my heart. Kasi kung sinabi niyang minahal niya ako, I will stay even after what I found out. I will stay and will accept that he has another girl. Kasi ganoon ako kalambot sa kanya. Ganoon ako magmahal na kahit dinudurog, minamahal pa rin.

“Hindi ikaw yung babaeng hinangad kong mahalin at maging kapalit ng una kong minahal. Hindi rin ikaw yung babaeng papalit sa kanya. Kasi sa una palang, malayo kayo sa isa’t-isa. And I’m sorry for making you as my rebound. I will accept the child and I will file a divorce—”

Hindi siya natapos sa sinasabi ng muli ko siyang sampalin ng malakas. Nilalamig na ako, wala ng lakas at gusto ko nalang mawala ng parang bula.

“B-binuo kita…pero dinurog mo naman ako,” huling mabigat na salita bago bumalik sa kasalukuyan.

He filed a divorce, I signed the paper immediately. They were in the news, all over the channel while I’m here, alone thinking to stop my life now.

Napatingin ako sa terrace, wala akong ibang maisip kundi wakasan ang buhay. Tapusin ang lahat at takasan ang mga problemang hinaharap. I’m so tired living in this world. I’m so tired keeping my real feeling. I’m so tired trying to be okay but it just fails me. I’m so tired of being this kind of woman, idiot and disgrace to the family.

Naglakad ako palapit doon, hinihila ng hangin ang paa ko papunta sa dulo. Madilim, siguro kapag mahulog ako sa terrace mawawala na ang lahat ng problema ko. Kapag mawala na ako sa mundong ito, everything will be fine.

Hindi na sasakit ang ulo ni Papa sa akin. Hindi na siya magkakaroon ng pabigat na anak. Matatapos na rin ang hinanakit nitong puso. Matitigil na ang lahat ng iniisip ko at makakalaya na ako mula sa pagkakakulong sa sakit at dilim. I’m so depressed and all I think is to take my life away.

Hinawakan ko ang railing ng terrace. Tumingin ako sa langit at ngumiti ng malungkot sa mga butuin.

Panginoon, kung nakikita mo man ako ngayon, hindi ko na po kaya. Sobrang bigat na po ng puso ko. Punong-puno na po ng lungkot at ito lang po ang alam kong paraan para matapos itong pinagdadaanan ko. Hindi po ako kasing lakas ng kaibigan ko na nakayang harapin ang lahat ng pagsubok na hinarap niya. Patawarin niyo po sana ako…pero napagod na po ako sa lahat.

Sa huling pagkakataon, hinayaan kong tumulo ang luha. Sa huling pagkakataon, iiyak ako para sa buhay na ito. Hindi ko kayang itago ang tunay kong nararamdaman, pagod na talaga ako at ang pagkitil ng buhay ang tanging alam kong paraan para wakasan ang problema.

Humakbang ako sa baitang at pinikit ang mga mata. Hinawakan ko ang railing habang iniisip ang gagawin. Sana sa pagtatapos ng buhay ko, maging masaya ang lahat ng tao na nakasama ko. This is what my father wants, to end my life. This is what the man I love wanted me to do, to be lost forever. This is my heart wants, to stop the pain and escaped the life that full of miserable. This is me, the woman who lost in love.



---
© Alexxtott

Villiones Series 2: Lost In Love (HANDSOMELY COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora