Walk Out 1

6 0 0
                                    



Ako pala si Elle may boyfriend ako nagngangalang Mark sa katunayan nga niyan ang hinde ko gusto kay Mark ay palagi niyang kasama ang kanyang mga tropa para bang nawalan na siya ng oras pagdating sa akin. Naiinis naiirita ako sa kanya lalo na sa kanyang tropa dahil mga bad influence talaga yung mga yun. Adik sa mga dota ang barkada/tropa niya kaya naimpluwensiyahan na rin si Mark palaging late mag rereply yan sa akin. Pero inintindi ko nalang keysa sa magkaka break kami ayaw ko kaya nun. Mahal ko kasi eh.


May barkada rin ako sila Bea, Claudette at si Sheila sila yung napupuntahan ko kapag badtrip ako kay Mark, mahal ko din tong mga to.


Bilang pag-aaniversary ni Bea at kanyang boyfriend ay nagkakaya-an kami na mag inuman malapit sa school para madali lang ako maka-uwi habang sa kalagitnaan ng aming pag iinuman may nag ring at nakita kong si Mark ang tumatawag. Pinabiyaan ko iyon dahil inis pa rin ako hanggang ngayon sa kanya. Binigyan nila ako ng shots mga 3 na ata ang nainom ko. Tiningnan ko ulit ang cellphone ko nakita konng 4 missed calls ang nandun, kinakabahan ako pero pinagsa walang bahala ko nalang iyon.


Nung nag ring ulit sinagot ko na ito para matigil.


"Elle! ano bang nangyare sa iyo bat hinde mo sinagot yung tawag ko sayo? Asan ka ngayon!?"


"Nasa Times- -"


Pinutlo niya ka agad ang linya. Gago talaga yun!


Nakata 6 na shots na ako parang nawalan na rin ako ng kontrol sa sarili ko maya-mya may biglang humila sa akin.


"Elle! Amoy alak ka pota bat ka ba umiinom? Alis na nga tayo rito!"


Hinila niya ako pero tinanggal ko yung kamay niya.


"Ayaw kong sumama sayo, dun ka na sa baby Dota mo!" sabi ko


Parang ewan bat ko nasabi yun di naman ako nagsasabi ng ganun sa kanya ah.


Nang dahil sa napahiya siya dahil tinatawanan siya ng mga kaibigan ko ay nag walk out siya.


Umupo ulit ako at sinalubong ako ng mga comments ng kaibigan ko


"Ano ba yan, hinde ka man lang initindi nung boyfriend mo, hmmp!" sabi ni Bea


"Oo nga hiwalayan mo na yun grabe parang nasasakal ako kapag ganun ang pag trato sa boyfriend ko." sabi ni Claudette


"Hay nako" yan nalang ang nasabi ni Shiela


At mga paa ko ay sumusunod kay Mark pero nung naglinga linga ako ay wala akong nakita kaya umuwi nalang ako sa amin.


Tapos nagalit ako kay Mark dahil siya pa ang may ganang mag walk out na kaya nga ako nakipag iinuman nila Bea dahil rin mawala yung pagka-inis ko sa kanya.


Note: Pag nag walk out ang boyfriend ganyan talaga ang sasabihin ng kaibigan ng babae.



Istoryang Pang-lalaki at babaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon