Harana/Ligaw

27 0 0
                                    

Palagi kong naririnig mula sa kaibigan kong si Rafael na may gusto raw siyang liligawa na nag-ngangalang Liza ay nakakainis ko lamang ay bakit hinde niya liligawan kung ganun mahal niya o gusto niya.


"Pare! ligawan mo na ang daldal mo palagi kay Liza bat di mo ligawan?" tanong ko sa kanya medyo nairita kasi ako


"Pare di naman biro yung pangliligaw baka mabasted lang ako o di kaya basta may mga 'what-if's' kasi"


Ako si Jon simula nung freshmen kaibigan ko na si Raf may mga ka tropa rin kami pero si Raf ang pinaka-close ko sa lahat.


Pinapabayaan ko nalang si Raf sa kadaldal niya palagi ni Liza di naman sa hinde ko gusto yung Liza eh naiirita lang ako dahil kay Raf kung sana niligawan na niya edi naging sila na ngayon ambobo lang.


"Pare totoohanan nato liligawan ko na talaga si Liza" sabi ni Raf


"Sige tutulungan ka namin diyan" sabi namin ng ka tropa ko kay Raf


Mismo ako ay wala akong alam kung paano manligaw.


Sa isang araw readyng ready na kami sa panliligaw ni Raf kay Liza. Sa totoo lang naki ride lang naman ako sa kanila wala kasi akong maitulong dahil hinde ko talaga alam ang panliligaw o panghaharana. O-obserbahan ko nalang kung paano mangligaw itong si Raf kung gayon natamaan na talaga sa pagmamahal hahaha.


Ito na nga.


Pumunta kami sa bahay nung Liza.


Mukhang gago si Raf at kami sa tapat ng bahay nila. Buti nalang at back up lang kami kaya ang pinakagago talagang tingnan ay si Raf. Sintunado pa naman ang boses ni Raf ulol kakanta pa ang mokong.


So sa pangliligaw naming mga lalaki ay dapat pala namin kantahan ang niliigawan namin.


"Jack potangina bat kumakanta yan si Raf eh sintunado pa naman yang boses niya hahaha" tanong ko kay Raf sabay halakhak


Sa lahat kasi ng ka tropa ko ako lang ang hinde nagkakagirlfriend. MAs gustuhin ko makipag M.U keysa sa girlfriend2x na yan.


"Jon naman kasi sa panliligaw kung seryoso ka ba talaga ay gagawin mo yan kahit pa panget ang boses mo kung yan ang gusto ng taong mahal mo ay gagawin mo iyan" sabi ni Jack na biglang nagseryoso


Aba ang mokong mukhang ekspert sa bagay nakadalawang girlfriend na yan at lahat iyon seryoso.


Pagkatapos ng kanta ay biglang may inilabas si Raf na mga pulang rosas. Aba ubos ata pera nitong si Raf sa dami ba ng rosas.


Parang nanunuod akong isang pelikula na ang bida ay si Raf at si Liza naman ang kanyang leading lady. Nagagawa talaga ng ni Raf pagdating s pag-ibig halos mag 1 year na kayang pinagpapantasyahan si Liza, grabe ang topak nitong si Raf pagdating kay Liza.


At biglang lumuhod si Raf sa harapan ni Liza, nakatingin kasi si Liza sa aming performance. Gago pero nakakakilabot ang ginawa ni Raf nandun pa naman ang pamilya ni Liza hinde ba siya nahihiya at may nilabaskaming nakasulat na


"WILL YOU BE MY GIRLFRIEND? HUG ME IF YES SLAP ME IF NO!"


At sa di makapaniwala biglang sinampal ng kay lakas si Raf sa ina ni Liza npabilog ang mata ko nung nakita ko yun. Pero bigla nalang yinakp ni Liza si Raf kaya 'yes' ang sagot ni Liza


"Saktan mo lang yan ang anak ko at yun ang maabot mo sa akin" sabi ng nanay ni Liza


Ay yun naman pala niwawarningan lamang ng nanay ni Liza si Raf. At kitang kita ko sa mukha ni Raf ang saya at seryoso na hinde niya ito masasaktan si Liza.


Nakakabading an tingnan pero nagawa iyon ni Raf para lang kay Liza.


Isa lang ang masasabi ko nakakagawa ka pala ng powers pagdating sa pagmamahal.


Sa paghaharana pala ay seryoso ka dapat na hinde pala ito isang laro-laro dapat may tapang kang humarap sa babaeng pinakamamahal mo at sa kanyang pamilya magmukha kamang gago ay wala iyon sa isip mo. Pag nakuha mo na ang YES ng taong pinakamamahal mo ay hinde mo maiisip kung anong hirap na pinanggagawa mo para lang dito. Para bang worth it lahat ang ginawa mo dahil hinde ka na reject sa pagkaka-alam ko ay masayang masaya ka na niyan isa sa pinakamasayang pangyayare sa buhay mo.


Ganito ang mga lalaki!




Istoryang Pang-lalaki at babaeWhere stories live. Discover now