Chapter 11:2^Help Me

27.6K 216 21
                                    

Chapter 11:2

Nagdesisyon kaming umuwi ng Pilipinas para magbakasyon at para harapin ko kung anong nararapat. Ngunit, sa pagpunta namin dito iba ang naging flow ng mga pangyayari. Mas naging komplikado at nakakahilo.

|Ayen's POV|

"Hindi ka ba naguiguilty sa ginawa mo?" tanong ko sa asawa ko.

"Dapat lang yun. Hindi tama na pinakasalan niya ang babaeng yun dahil sa kamukha ito ni Ate Aliza" sagot niya sa akin.

Si Ate Aliza. Ang ex-girlfriend ni Kuya Xander na bestfriend ni Chase at kapatid ni Theo.

{Flashback: Last night}

"Ate, magpapahatid na lang ako sa 4x4 na sasakyan niyo papunta sa kabilang isla. Dun sa resort." paalam sa akin ng bunsong kapatid ko.

"Pero bakit? Kararating mo lang."

"Para matahimik muna ang lahat. Sige Ate alis na ako. Rhiea and Adrian be good okey?"

"Yes Tita" nakangiting tugon ng kambal.

Pagkatapos ay umalis na si Ayina.

"Come baby, tulog na kayo." sabay hila ko sa kambal.

Nang nakapasok na kami sa kwarto, tumakbo si Adrian sa bintana.

"Mommy ghost!!"

"Napatakbo ako sa bintana at nakita ko nga na may isang aninong animoy naglalakad sa dilim. Kaya agad kong sinarado ang bintana subalit, bago ko ito masara ng tuluyan nakita ko si Theo na hinabol ang tumakbong anino.

"Adrian, Rhiea stay here okey? Wag aalis ng house kasi pupuntuhan lang ni Mommy si Daddy niyo saglit. Okey?"

"But Mommy I'm scared. I saw a ghost"

"No Adrian, it's just your imagination. Okey? Stay here." agad akong lumabas ng bahay at sumunod sa direksyon ng tinakbuhan ni Theo.

Naaninag ko siya sa may baba ng bangin.

"Ate Aliza!?" nadatnan ko si Theo na sapo sapo sa braso niya ang duguang ulo ng isang babae.

Malala na talaga siguro ang epekto ng drugs kaya pati ang isang taong matagal ng patay eh nakikita at tinatawag niya.

"Oh no. Hindi ito si Ate Aliza. This is Courtney, kuya's wife" kinausap niya ang sarili niya.

"Honey" mahina kong tawag sakanya ngunit tama na para marinig niya ako.

"Ayen, help me here." agad ko siyang nilapitan.

Dinala namin ang babaeng nahulog sa bangin sa private mansion ni Theo kung saan kami nakatuloy. Ginamot namin siya at hinihintay na lamang siyang magising.

Kamukhang kamukha niya si Ate Aliza. Pero sabi ni Theo, siya si Courtney. Ang asawa ni Kuya Xander na parang kakambal ni Ate Aliza. Narinig kong tinawag ng asawa ko si Kuya Xander na nasa kabilang side ng isla kung saan idadaos ang Annual Party. Ilang saglit pa ay nakarating na si Kuya at agad itong nagwala at sinuntok ang asawa ko.

"Tama na!" sigaw ko.

"Nandun siya sa loob Kuya" sabi ni Theo. Agad din namang pinuntahan ni Kuya ang asawa niya.

"Let's talk" hinila ni Theo ang braso ko palabas ng bahay.

"What?"

"Diba you want me to change?" bigla niyang natanong.

"Yes. Ofcourse!"

"Well then, I have a request. A sort of a wish Ayen honey."

"What is it?"

"Don't dare to interfere whatever I do" full of authority niyang tugon.

"Like what?"

"Basta" tanging sagot niya.

"Theo?" agad siyang pumasok at pinuntahan ang Kuya niya. Sumunod na din ako.

"Oh Kuya saan ka pupunta?"

"Ah kukuha lang ako ng ilang gamit ni Courtney. Sige alis muna ako. Kayo na ang bahala sakanya. Thanks" umalis na din siya pagkatapos.

Ilang sandali after umalis ni Kuya, nagising si Courtney na walang maalala at mas ikinagulat ko ng tawagan niya ni Theo na Ate Aliza. Siguro ito ang request niya, kaya sumakay na lang ako sa sinasabi ni Theo.

{End of Flashback}

"Uuwi na agad siya ng New York" pahayag ni Theo. "Sana huwag na huwag mo itong banggitin kay Kuya"

Pagkatapos magising ni Courtney na walang maalala kahit pangalan nito ay agad din siyang hinatid ni Theo pasakay ng Heli pna papuntang Manila. Hindi ko alam ang pinaplano ni Theo, labas na ako dun dahil ayokong makiaalam sa away kapatid nila.

"Maaayos na din siya dun. Kaya wag ka ng mag-alala." tapos ay niyakap niya ako.

"Paano ang kuya Xander mo? Nakita mo ba ang reaction niya nung sinabi nating umalis si Courtney at iniwan siya?" tanong ko sakanya.

"He can handle it. Sa ngayon, pupunta na tayo ng resort ni Kuya pero paano ang mga bata?"

"Papunta na si Ayina dito. Siya na ang magbabantay sa kambal habang wala tayo."

"I'm here! Saan na ang kamabal?" bungad ni Ayina. Kakasabi ko lang eh.

"Tita! Let's Play!!" sigaw ng kambal.

"Oh Ayina, ikaw na muna bahala sa kanila at aalis na kami." paalam ko.

"Sige Ate. Enjoy the party while me Yaya! HAHA" umalis na kami pagkatapos.

-@Chandler'sANNUALParty-

Ang daming tao. Puro socialites at kilalang personalidad ang mga nandito.

"Goodevening everyone. I'm your host for tonight's celebration. It's past mignight so let's start the Annual Party of Chandler's by a warmed of Applause!"

*Clap *Clap *Clap

May nagbigay ng ilang welcome remarks at kung anu-ano pang echoss, kasama na dun si Theo habang ako naman ay nakaupo lang sa isang tabi.

"We have a very important guest for tonight. Let's all welcome, Mr. Chase Aiden Joo of J Firm" agad akong napalingon sa stage at nakita ang taong sabik, I mean ayokong makita. With that, I ran away.

MissZeeGee

I'm still Married (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon