Step 11: Reckless

100 6 2
                                    

Date.

Hindi ito yung sa calendaryo. Ito yung tipong para sa magboyfriend or girlfriend na inlove, pwede din sa may gusto sa isa't-isa or pwede ding friendly date sa barkada.

Yan ang isang bagay na matagal ko ng naranasan pagkatapos niya. Pagkatapos naming magbreak ni Eeyan.

At isa ako doon sa mga tangang na inlove.

I checked myself in the mirror. Suot ko na yung baduy na orange couple shirt, paired it with grey sweatpants and black vans.

Di na ako naglagay ng kahit na anong make-up at naka lugay lang yung buhok ko. Mas bet ko pang suotin yung artwork shirt na binili ko nung isang araw eh. Pero para kay Red.

I don't need to impress anyone.

"Ang tagal ni Grey, one-thirty na!" Naiinip na ako at tamang-tama nung tumunog yung doorbell sa gate. Kinuha ko yung wallet at cellphone ko mula sa work desk at sinara yung kwarto ko.

Binuksan ko yung gate.

"Hi Flare." I looked at him from bottom to the top.

What the fudge? Naka tux at slacks at black shoes tong si Grey?!

"HOY KANINONG PUNTOD BA ANG PUPUNTAHAN MO GREY?" Ipinasok ko siya sa bahay habang hila-hila ang kanyang tenga. Pero infareness gwapo din pala tong bestfriend ko sa suot niya.

"Aray! A..aaraaaay! Aray Flare. Flare!" Binitawan ko na siya at tiningnan niya ako, napansin niya siguro ang karaniwang suot ko.

"Ano ba yan naka formal ka, sa carnival tayo pupunta eh!" Pinagalitan ko siya. "Oh eto, magpalit ka ng damit. Wag ka ng magreklamo," tinapon ko sa mukha niya ang couple shirt at agad siyang nandiri sa kulay at design ng damit.

"Baduy diba? Pero pinilit ako ni Red eh. So chop! chop! Magbihis kana."

"Ha? Bakit parehas tayo ng shirt?" Agad akong namula na sana hindi niya napansin. Dyusko.

"Ehh. Kasi kambal tayo. Di ba halata?" Sarcastic na sabi ko.

"Ha? Talaga?"

"Tanga. Couple shirts yan! Malamang? Sa tingin mo ngayon mag ano na tayo?" Nasabi ko ng hindi iniisip.

Napasmirk siya, "So.. M.U na tayo?"

"Yeah.." Di ko inasahang sinabi ko yan. Shit. Napakamot nalang ako sa batok ko. Ngayon ko lang ulit nakita yung ngiti ni Grey na kay lapad, parang ayaw ko mawala yung ngiting ipinapakita niya ngayon.

Agad siyang lumapit sakin.

Umatras ako.

Hanggang sa lapit siya ng lapit at ako naman atras ng atras. Ano bang nasa isip mo Grey?! Anak ng kabayo, nasa dulo na pala ako ng hagdanan. Wala na akong kawala.

"Grey. Pag lumapit kapa sakin. Mahuhulog ako dito!" Banta ko at first time in my life naka ramdam ako ng kaba sa Grey na kaharap ko ngayon.

"Malamang mahuhulog ka, ano akala mo lilipad ka?"

Aba! Sumasagot na siya sa akin ha! Antipatikong lalake to!

"And by the way Flare, mabuti ka pa mahuhulog sa hagdan. Eh sakin? Kelan ka pa mahuhulog sakin ha?" Malungkot na sabi niya.

HUGOT TEH? "What are you talking about Grey?"

Isang inch nalang pwede na akong mahulog at dumeretso sa langit.

"Hahaha. M.U tayo diba? Manhid ka at ako Umaasa? Right. I know you too much Flare, I know when your faking it and I can feel it. I feel it so damn much.. that it hurts."

Wala akong masabi.

At napaatras ako ng wala sa isip.

Nooooo! I'm falling! Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang makita ang mga apo ko. Gusto ko pang maranasan kung ano ang menopause. Gusto ko pang magluto ng bicol express! Gusto ko pang magdubsmash! Gusto ko pang makita si Pacquiao makipagrematch Kay Mayweather! Nako. Sinasabi ko na nga ba, iba yung sinalihang laro ni Mayweather. Hindi boxing eh, track and field.

Yun yung dasal ko sa isang minuto.

Nakaramdam nalang ako ng malalakas na mga braso na nakayakap sakin at binitawan ako.

"Niyakap mo ako?!" Sigaw ko.

"Mahal kasi kita eh." Sagot niya na parang wala lang sa kanya and breathed out of what he was holding kanina pa.

"Ehhh? May gusto din naman ako sayo eh.." Sabi ko ng mahina ng nakayuko.

Ramdam kong nagulat siya at inangat niya yung mukha ko when he touched my chin to look at him straight in the eye. Agad akong umiwas ng tingin.

"Liar." Sabi niya ng seryoso at walangbuhay.

It hurts. To see him hurting. Dahil sakin.

One kiss wont hurt. For Grey. For his happiness. For everything he has done to me. For this time, ako naman ang babawi.

I stepped forward.

He stepped back.

I stepped forward.

He stepped back.

CHA-CHA KAMI NG CHA-CHA KANINA PA. MYGHAD.

"Flare?" Kinakabahan siya.

Di na ako nakapagsalita. Dahil I stood on my tippy toes at hinalikan siya. It was supposed to be a peck. And the weird part?

He kissed me back.

And I didn't stop.

We didn't stop.

WHAT WILL I DO TO UNTIE MYSELF WITH THE KNOTS I RECKLESSLY TIED MYSELF INTO?!

A.N - Picture of animated Grey and Flare on the media section :) They're cute ehhh :)

Dont Mess with This Girl.Where stories live. Discover now