Sixth Part

111 30 5
                                    

Sixth Part
Heart Broken

Mabilis na lumipas ang mga araw, wala akong ginawa kundi ang mag-aral at mag-aral, nagapply din ako bilang waiter sa restaurant malapit sa school. After class duon ako dumidiretso para magtrabaho, hindi naman mabigat 'yung trabaho dahil waitress lang naman ako at five hours lang ang duty ko kada araw kaya minsan ginagabi na rin ako sa paguwi sa 'min.

Si Roiland after kong marealized na hindi ko na siya mahal kinausap ko rin siya ng personal na wala na akong feelings para sa kanya at magmove-on na siya. Natanggap niya naman 'yun dahil sinabi niyang kasalanan din niya kung bakit ganun ang nangyari sa'min. Si Enzo naman, masaya siguro siya ngayon kasi going strong parin sila ni Nyx. Hindi ko na sila masyadong nakakausap o nakakabonding dahil sobrang busy ako, ni hindi ko na nga nagagawang tumambay sa garden na palagi kong ginagawa nuon.

Huling araw na namin sa school bilang third year, sa susunod na araw kasi bakasyon na at ngayon 'yung araw na kinokompleto namin 'yung mga requirements para makapagenroll kami next school year.

Nasa harap ako ng bulletin board ngayon at tinitignan 'yung rankings ng mga dean's lister. Inayos ko ang salamin ko sa mata habang tinitignan ang pangalan na naroon, minsan ko nalang isuot ang contact lense ko, mas komportable parin naman kasi ako sa salamin.

"You ranked first, this time" napatingin ako duon sa taong nagsalita sa likod ko. He's smiling wide at me.

I smiled to back, "Natalo na rin kita sa wakas"

"Kamusta kana pala? Are you happy?" tanong niya na nakapagpakunot ng noo ko. Parang familiar kasi sa 'kin 'yung tanong niya. Parang natanong niya na sakin 'to dati, hindi ko lang alam kung saan. Nagkibit-balikat nalang ako.

"Kung ang tinatanong mo eh two months ago, I can say I'm happy pero ngayon hindi ko masabi. Siguro sasaya din ako pero hindi pa ngayon" this time siya naman 'yung kumunot 'yung noo sign na hindi niya naiintindihan 'yung mga sinasabi ko, "Dont mind what I said, by the way congrats Enzo you ranked second and happy monthsary sa inyo ni Nyx" umalis na 'ko sa harapan niya kahit na hindi pa siya nakakapagreact sa sinabi ko. Kelan nga ba 'yung huling beses na nagusap kami?

Bigla akong napatigil sa paglalakad nuong hinawakan niya 'yung braso ko.

"Kristel, two months ago? That's the time I told you what I feel for you"

"Right" matipid kong sagot sa tanong niya.

"Anong ibig mong sabihin na masaya ka two months ago? Masaya ka dahil nireject mo ko that  time o... " tinanggal ko 'yung kamay niyang nakahawak sa braso ko at hinawakan ko 'yun.

He looked confused pero tanging ngiti lang ang binigay ko sa kanya habang pinagsasalikop ang kamay namin. When our hands and fingers intertwined with each other tinignan ko siya.

"Parehas tayo ng nararamdaman that time. I like you and I am slowly loving you. I thought they are fit to each other" I said while looking at our hands "Naduwag akong aminin sa sarili ko 'yung totoo kung nararamdaman. Madami rin akong nasaktan ng mga panahon na 'yun, aminado naman ako na sa akin 'yung mali. Hindi si Roiland 'yung mali, hindi rin ikaw ang mali. Nagbulagbulagan ako dun sa akala ko tama, hindi ko 'to pinakinggan" sabi ko habang nakaturo sa kaliwang dibdib ko, "Masaya ako tuwing naiisip kita, 'yun 'yung totoo. Diba ikaw naman ang may sabi sa 'kin na I should be happy whenever that person cross in my mind and in my heart well, I'm telling you. I'm happy that I met you at hindi ko 'yun pinagsisisihan. Siguro I'm just too late. Too late for everything" malungkot kong sabi sa kanya bago bitawan  ang kamay niya.

I gave him the sweetest smile I could ever have bago guluhin ang buhok niya.

"O sige na, pupunta pa 'ko sa trabaho ko. Ikamusta mo nalang ako kay Nyx ha? Bye Enzo" hindi ko na siya pinagsalita at dire-diretso na akong umalis sa harapan niya.

Taking One Step CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon