Fourth Part

151 30 8
                                    

Fourth Part

Nothing's changed

Lumipas ang sem break na para na akong mababaliw. Iniisip ko kasi 'yung mga nangyari sa 'ming dalawa ni Enzo. Dati si Roiland lang ang palagi kong prinoproblema, kung paano makakaiwas sa kanya kung paano siya makakalimutan. Ngayon dumagdag na si Enzo.

"Hoy Kristel ayan ka nanaman sa kakaRoiland mo ah, dyosko hanggang ngayon 'yun parin ang inuungot mo sakin. Ito na si Enzo oh, mas gwapo, mas mayaman mas matalino at higit sa lahat gusto ka niya hindi katulad ni Roiland mo" sermon sa 'kin ni Coco habang nasa bahay nila kami.

Hindi ko siya pinansin at sunod-sunod ko lang sinubo 'yung chips na binili namin kanina sa convenient store. 

"Naku sinabihan na kita Kristel ah! Huwag mong intayin na maghanap ng iba 'yang si Enzo. Baka magkaroon ka ng HABOL PART TWO"

Napatigil ako sa pagnguya at tinignan ko siya na para siyang isang alien sa planet apes, "Habol part two!?" nakataas kilay kong tanong sa kanya.

"Habol part two! ' Yung tipong hahabol habol ka nanaman sa isang lalaki! Kung dati si Roiland baka sa ngayon kay Enzo na!"

Hindi ko mapigilang hindi siya irapan dahil sa sinabi niya. Habol part two? Malaki ang pagkakaiba ni Enzo at ni Roiland. Si Roiland mahal ko, si Enzo hindi kaya hindi kahit kailan magkakaroon ng habol part two.

Nagsimula ang pasukan ng second semester. Wala namang nagbago maliban sa mas humirap ang subject para sa 'ming mga accountancy student at mas dumami ang mga requirements na kailangan naming ipasa. Kami ni Enzo, katulad pa rin ng dati. We're still close with each other, kadalasan napagkakamalan pa rin kaming may relasyon pero hindi nalang namin pinapansin. Pakiramdam ko nga ay walang nangyari sa amin nuong college ball.

Pagkatapo ng klase ay magisa akong tumambay sa garden. May klase pa kasi sila Nyx, si Enzo naman hindi pumasok dahil may gagawin daw siyang mahalaga sa kanila. I wonder kung ano yun, hindi naman kasi sinasabi sa 'kin ni Enzo 'yung mga pupuntahan niya at ginagawa niya.

Kumin nalang ako ng kwek-kwek habang nagbubuklat ng libro. Mas mabuti pang aliwin ko ang sarili ko hangga't wala pa akong ginagawa. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng libro ng may makita akong paa sa harap ko. Black pants and black shoes. I furrowed my brows then smiled dahil alam kong si Enzo lang naman ito. I knew it pupunta rin siya sa school.

I smiled widely saka ko binalingan ng tingin 'yung taong nasa harapan ko. Nang makita ko kung sino 'yung taong 'yun ay biglang naghumarento 'yung puso ko.

What is he doing here?

Laglag ang panga ko habang nakangiti siya sa harap ko,"Hi!" aniya na para siyang nahihiya sa akin, "I saw you alone. Baka gusto mo ng kasama wala na rin kasi akong klase" aniya pa habang kumakamot siya sa ulo niya.

Kung may ikalalaglag pa ang panga ko ay siguro ganon ang itsura ko. Hindi naman siguro ako nananaginip diba? Si Roiland itong kausap ko ngayon, 'yung ex ko na ipinagpalit ako sa babaeng nagngangalang Elaine?

"Kristel?"

Parang natauhan ako sa panaginip ko ng muli siyang magsalita.

"Ah. I'm sorry" nahihiya kong sabi sa kanya. Ngayon pa talaga ako naspace-out.

Ngumiti lang siya sa akin at kahit wal apa akong sinasabi ay umupo siya sa tabi ko, "Hindi ka parin nagbabago"

I looked at him, "Ha? Bakit?" 

"Naaalala ko kasi, kapag kinakabahan ka ganyang ganyan 'yung itsura mo halos hindi ka makapagsalita."

Pakiramdam ko ay umakyat 'yung dugo sa pisngi ko dahil sa sinabi niya. Okay, fine. Siya na ang isa sa mga taong kakilala ko na kilalang-kilala ako!

Taking One Step CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon