Chapter 30

10.9K 247 77
                                    

Chapter 30: Doubt

Cyienna / Ciara

Sabado ngayon kaya nakatunganga lang ako sa kwarto ko. Nakahiga ako sa kama habang nasa harap ko ang laptop. Actually, two na ng hapon at hindi pa ako lumalabas ng kwarto.

Ni wala pa nga akong ligo. Kakatapos ko lang kumain kaninang twelve. At pagkatapos no'n bumalik na ako sa kwarto ko.

Wala nga pala dito ang kasama ko. May pinuntahan si Luther at hindi ko alam kung saan. May iniwan siyang bulaklak na gawa sa papel.

Ang cute nga, e. Naka-style bouquet pa siya tapos color pink. Tulips ang style ng paper flower. Hindi ko alam na marunong siya ng ganito. Nakatabi na 'yon sa drawer ko. Hindi ko 'yon itatapon.

Kinuha ko ang cellphone ko para picture-an. Instagram ko ang binuksan ko pero picture nina Luke ang bumungad sa feed ko. Picture 'yon ng family niya with a hashtag 'Finally, we're complete.' Kumpleto nga sila. May bata silang kasama... 'yong kapatid ni Luke.

Ngumiti ako at ni-like ang picture.

Bakit gano'n? Hindi naman dapat pero... bakit nakakaramdam ako ng inggit? Hindi dahil kumpleto sila... parang may iba sa akin.

Bakit ako nakakaramdam ng ganito? Hindi naman ganito, e.

Pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi. Walang duda... ang Mama ko ang her na tinutukoy nina Tito. Walang duda, hindi naman ako tanga para hindi malaman 'yon. Sino ba naman ang anak ni Mama? Ako lang 'di ba.

At kung si Mama ang tinutukoy nina Tito, so there's a possibility na kilala nila si Papa 'di ba? Ang daming tao na naghahalo sa isip ko!

Kumuha ako ng lapis at papel para hindi ako malito kaya ito, isusulat ko ang mga kilala ni Mama. At sisimulan ko sa mga taong nakakapamilyar sa kaniya.

Si Tito Ian at Tito Rem.

Kung kilala nila si Mama, posible talaga na kilala nila ang Papa ko! Dahil may posibilidad na may alam sila sa past ng parents ko. Though may half half na wala silang alam pero kailangan kong makasigurado.

Wala rin naman nababanggit ang parents ni Luther.

Pero kung kilala nina Tito Ian at Tito Rem si Mama, hindi malabong kilala rin ni Tito Vazer at Tita Gretchen sina Mama 'di ba? Kasi 'tulad ng sabi ni Wyatt at Carson, matagal nang magkakaibigan ang mga Daddy nila.

Paano kung isa pala sa mga 'yon ang Papa ko? I mean... tangina, ano 'yon? Posible rin na may kapatid rin ako kung sakaling isa sa kanila ang Papa ko?

At kung sakaling kilala nina Tita Gretchen at Tito Vazer si Mama, posibleng nakilala nila si Mama dahil sa Papa ko. If gano'n, posible rin na ipinakilala ng Papa ko ang Mama ko sa mga kaibigan niya which is sina Tito Rem. Kaya nasasabi ni Tito Ian na parang nakita na niya si Mama, at nakikita niya ang isang pamilyar na babae sa akin which is ang Mama ko?

Pero tangina... sino nga ang Papa ko? Hindi naman pwedeng kilalanin ko sila isa-isa dahil baka makahalata at baka makagulo pa ako ng ibang pamilya kung sakali. Isa-isahin ko kaya silang i-DNA test sa akin para matapos na 'di ba? Charot, kung gano'n lang ang kadali, e. Nagawa ko na.

Ni wala na nga akong pera.

Huminga ako nang malalim saka sumandal sa headboard ng kama.

"Bakit ba kasi ayaw mong ipaalam sa akin kung sino ang ama ko, mama? Ano bang ginawa niya sa 'yo? Sinaktan ka ba niya? Iniwan? Bakit kailangan mo na pati ako ayaw mong kitain siya?" Sandali akong pumikit. "Kailangan ko ba talagang magmakaawa sa 'yo para lang malaman ang totoo?"

Nagmulat ako ng mata bago maupo nang maayos.

Kahit clue lang, bigyan mo 'ko, please?

Binalik ko ang tingin sa cellphone ko. Nagscroll up pa ako at isang quote ang nabasa ko.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now