Chapter 26: Good Memories

18 7 0
                                    

26: Good Memories

Nakauwi na 'ko. Magkasama kami ni Shella na naglalaro ng isang online game. Nang mapagod na ang mga mata ko, sinabi ko sa kanya kaya tumigil na me sa paglalaro pero siya tuloy-tuloy pa. Ang kapatid ko naman ay tulog na tulog na. Nahiga na 'ko at nilapag ang cellphone sa tabi ko. Nag-p'westo na 'ko para matulog. Tumingin ako sa kisame at parang may mga ala-ala akong nais balikan.

Naalala ko bigla ang mga panahon na theist pa 'ko. Masaya naman ang naging karanasan ko lalo na sa mga fellowship, sa church natutulog, at mga youth camp. Ang saya-saya ko pa kumanta at sumayaw para sa Lord noon pero natawa ako habang i-ni-imagine ang sarili na parang ewan habang nag-pe-praise at worship, lalo na sa mga youth camp. Sobrang busy ko talaga noon at nawawalan ng time sa family. Grabe kasi sila mag-guilt trip sa church. Hindi ko pa alam that time na sobra na pala ang nalalaan kong time sa church. Sobra pa 'kong na-in love kuno sa God. Muntik ko pang idamay ang family ko sa kalokohan ko. Nasira lang talaga ang lahat dahil sa pag-aano ng ibang church leaders sa 'kin.

"Anak, huwag mo kaming idamay sa kalokohan na 'yan. Religion pa rin 'yan, nagnenegosyo."

"Vienna, alam mo naman na kahit ano'ng gawin mo, hindi kami sasama."

"Puno lang ang church ng mga hypocrite na tao."

Nalulugmok pa 'ko dahil sa pagtanggi nila sa invite ko at iniisip ko pa na under persecution ako-- ibig sabihin eh, totoong taga-sunod ni Kristo pero buti na lang talaga, hindi sila nagpadala sa 'kin. Ang palad ko talaga dahil sila ang pamilya ko. Akala ko kasi, nang natagpuan ko ang religion ay napapa-secure nito ang eternal life ko, 'yon pala sisirain ang kasalukuyan kong buhay. Vulnerable kasi ako nang time na na-doctrine kaya hindi ko ni-question at talagang nakikinig lang ako sa sinasabi nila.

"Magiging Christian ka kapag may ibang nagbabasa ng Bible para sa 'yo pero kapag by understanding mo babasahin, maaaring maging daan para maging atheist ka. Iyan ang nangyari sa 'min ng Nanay mo, Vienna."

Tama pala sila dito. Binasa ko ang Bible by my understanding. Maliban sa mga contradiction inside the bible, nalaman ko pa na ang baba ng tingin ng bible sa mga babae.

Kasalanan ba ni Eve na may bawal na kainin at may ahas do'n sa garden of Eden?

Kung ako ang parent at nakapaglagay ng delikadong gamit na malapit sa anak ko at napahamak siya by that, wala akong ibang sisisihin kundi ang sarili ko at hindi ang anak ko.

Hindi ko pinapansin ang contradictions sa Bible nang believer pa 'ko. Iniisip ko lang kasi at that time na dahil Diyos Siya, He can do anything He wants, He has plans behind what happens, and everything has a reason. Inaamin ko na ang ganda ng character ni Jesus Christ, pero Christian faith doesn't make sense to me anymore. Sa old testament kasi, 'yong Diyos ng Israel ay parang batang may tantrums. Binibili ang forgiveness by blood at umabot sa puntong si Jesus Christ ang naging kabayaran.

Hindi ba kayang magpatawad na walang dugong involve?

Tinigil ko na ang pag-iisip dito dahil baka ma-stress lang ako. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko pero may narinig akong tunog ng messenger. Hindi ko pala napatay ang Wi-Fi. Baka importante kaya bumangon ako at kinuha ang phone sa tabi ko.

Melanie: Vienna, I know it's too late in the evening, pero gusto lang kitang pasalamatan. Alam ko rin na ang dami kong kasalanan sa 'yo dahil sa mga pinagsasabi ko na nadala lang ako ng emosyon and pride. I'm really sorry.

Magpasalamat... For what?

Nakakagulat lang dahil hindi ko man nakita kahit kailan na nagpakumbaba si Ate Melanie. Ang mahalaga kasi sa kanya ay ang image niya sa church. She never says sorry. Sobrang righteous ng tingin niya sa sarili.

Religious Environment: Bad Experiences (Completed)Where stories live. Discover now