CHAPTER 2

363 10 0
                                    

CONDO

Lumalalim na ang gabi at unti unti nading nalalasing sina allison.

Nandito sina tp, mads, jamie at carla.

Ang iingay ng mga ito mabuti at solo talaga nila ang buong floor.

"So ano na ngayon ang eksena niyo ni fafa sandro!" malanding wika ni tp.

"Paano eeksena si allison ie may alexa na si sandro!" wika ni Carla

"Really! totoo pala yung mga balita?" si tp marites talaga.

"Oo nga totoo pala yun baks?" sabat ni Allison.

"At ok lang sayo!"  sabay sabay na wika sa kanya ng apat.

"Ay galit na galit! Bakit naman hindi, wala namang kami!" susubo sana ito ng pagkain ng bigla hilain ni tp ang kamay nito.

"Hoy umamin ka nga may jowa ka na noh!" si tp

Nakita ni allison na seryosong nakatitig sa kanya ang mga kaibigan.

"Tsaka bakit dito ka tumuloy sa condo niyo ni sandro? My secret affair kayong dalawa?" si madeline.

"Bobo ka teh bat isesecret pa nila ie dati naman sila mag ex!" pasmadong bibig ni tp.

"Sandali nga tumigil kayong dalawa, allison ano ba ang totoo!" si jamie sumingit na.

"Ano ex with benifits kayo!" mas pasmadong bunganga ni carla.

Natatawa si allison, paano ba siya nagkaroon ng mga kaibigang ganito.

"Kumalma nga kayo! We're just friends!" kalmadong wika ni allison.

"Ah alam ko na friends with benifits!" sigaw ni carla.

"Hoy hindi ah, ok listen!" nakita naman niyang seryosong nakikinig ang apat.

"Nag usap na kami ni sandro to remain as friends nalang, itong condo is ibinigay na niya sakin tutal akin din naman daw ito!"

"I already moved on, what ever relationship he has wala na akong paki dun!" dugtong ni allison.

"Ganun ganun lang yun!" si madeline.

"Oo baks, we accept and forgave each other!"

"Ang plastic niyong dalawa!" sigaw ni tp.

"Hoy bakla kung ikaw nasa kalagayan nilang dalawa sigurado hindi ka matutuwa, baklang to!" si madeline.

"Paano ko mararanasan wala naman akong matres !"

"Yun na nga ie kaya hayaan mo na sila sa drama nila!" si jamie na hindi din kumbinsido sa set up nila ni sandro.

"For sure may isang bibigay sa inyong dalawa like hello, 2022 na tigilan niyo na yang mga ganyang drama sino ba nag pauso ng were just friends were just friend na yan?" pairap pang wika ni carla.

"Ano ba kayo guys, suportahan niyo nalang ako ok!"

"Umamin ka bakla mahal mo pa ba si sandro?" tinitigan pa ni madeline si allison habang nagtatanong.

Tumitig nadin ang tatlo ng marinig ang tanong ni madeline.

Mahabang katahimikan.

"Magkaibigan nalang kami ok, masaya ako para sa kanya kaya tumigil na kayo."

"Nakakahiya dun sa girlfriend niya yung alexa ba yun?" dugtong ni allison.

"Hindi niya girlfriend yun!" si madeline.

"Ie ano niya?" yung apat naman ang nakatitig kay madeline ngayon.

"Friends lang daw sila!"

Sabay sabay buntong hininga ng mga marites hahaha

"O na curious kayo mga bakla, same lang kayo ng label ni alexa!"

"Tp tigilan mo na nga yan, puro ka kalokohan!" napapailing na wika ni allison.

Itinuloy nalang nila ang inuman, nagpaalam naman ang mga ito sa mga jowa at asawa nila overnight sila dito.

"Ay guys wag niyo kalimutan ha first birthday ni sander nextmonth na yun!"

"Hoy ikaw allison madami kang utang sa inaanak mo sagot mo na ang venue!" dugtong ni madeline.

"Ay bakla wala akong pera galing ako ng bundok diba?"

"Ang nag iisang tagapag mana ng mga ortega walang pera, ie kung kalbuhin kaya kita kasama ng bulbul mo!" wika ni madeline.

"Wala akong bulbul, malinis to!" natatawang wika ni allison.

"Hay totoo girl, mukhang nagready ka ha!" si tp.

"Pero na friend zone!" si carla sabay tawanan ng apat.

"Ah ganun sige ganyanan tayo, sige di ko na sasagutin ang venue!"

"Joke lang yun!" si madeline.

"Hay kayo talaga di niyo nako tinantanan!"

Masaya si allison at kasama niya ngayon ang mga kaibigan.

I feel contented, pwede na niyang simulan ang bagong buhay niya.

No regrets , no pain at wala ng sama ng loob mula sa nakaraan.

Finding My Love(As A Friend?)  BOOK 2Where stories live. Discover now