Chapter Sixteen

344 17 0
                                    

Sixteen

Pagising ko, nasa ospital na ako.

"Hindi mo ba siya pinapainom ng gamot Fernando ha?!! Bakit ganun?! Bakit nasa loob ng isang bote lahat ng gamot niya simula noong December ha?!"

"Akala ko eh umiinom siya! H-hindi ko alam! Hindi ko nga alam na may sakit siya!"

"Kung naging mabuting ama ka lang sana rito sa pamangkin ko, eh di sana wala siya sa ospital ngayon at sana hindi ako napilitang umuwi ng Pinas!"

"Bakit? Sinabi ko bang kailangan ko ang presensya mo?! Pera lang naman ang hinihingi ko! At hindi ko siya anak!!! Anak siya ng naglayas mong kapatid! Hindi ko siya obligasyon kaya huwag na huwag mo akong sisigawan! Konting-konti na lang!!! Papatulan na talaga kita!!!"

Nakapikit pa rin ako. Ayokong dumilat kaya pinilit kong matulog ulit. Pagising ko, narinig ko ang usapan ng isang babae at kung hindi ako nagkakamali ay ang doktor.

"Doc, magbabayad kami kahit magkano."

"Yes Ma'am. Please calm down. We'll do anything for her. Sisiguraduhin po naming magtatagal siya."

"Ano pong pwedeng gawin ko? Sabihin niyo lang.."

"We need to have the operation 3 months from now. In that way, mas safe ang bata. There's a 70% chance na umabot siya ng 25. But as what you've mentioned awhile ago, you came from US. At mas mabuting dalhin niyo muna siya doon and you can have the operation there. Mas magaling po ang mga doctors doon. I hope you understand Ma'am."

Biglang natahimik.

"Paano kung hindi siya maoperahan, Doc? Ano pong mangyayari sa kanya?"

"Kung hindi siya maoooperahan as soon as possible, I'm sorry pero baka hanggang this year lang siya pero kung suswertehin, baka umabot pa ng 17."

Napalunok ako at ramdam ko ang pagtulo ng luha ko.

"Excuse me, Ma'am."

At parang lumabas na yung doktor. Idinilat ko yung mga mata ko at nakita ko si auntie Elsa. Siya yung kapatid ng nanay ko na palaging nagpapadala samin ng mga groceries o mga damit galing sa labas.

"Oh Charity... gising ka na. Nagugutom ka ba? Anong gusto mo?"

"W-wala po... Ano pong nangyari? Ano pong sinabi ng doktor? Kailan pa po kayo nakauwi?"

Napabuntong-hininga si auntie bago magsalita.

"Charity..." Hinahaplos-haplos niya ang buhok ko. "Kanina lang ako nakauwi dito at dalawang araw ka na ring nakatulog. Wala ka bang naaalala?"

Umiling ako.

"Charity... huwag mong mamasamain yung tanong ko ha. Bakit hindi mo iniinom yung mga gamot na ipinapadala ko sayo?"

At sa tanong ni auntie, unti-unti kong naalala ang rason kung bakit ako andito sa ospital.

"Hindi mo ba alam kung gaano mo kami pinag-alala? Nagulat ako nung pagbukas namin ng cabinet mo, andoon lahat ng gamot.. Gamot mo simula noong December. Hindi mo iniinom. Bakit Charity?"

"Nag-aalala kaming lahat sayo, Charity. Huwag kang makasarili. Ginagawa namin ang lahat para gumaling ka sa sakit mo. Pero ikaw naman itong matigas ang ulo. Pinapahamak mo ang sarili mo. Ano bang nangyayari sayo ha? Wala na nga ang nanay mo... tapos ikaw, magloloko ka pa. Charity, huwag ganun..."

Pinunasan ko na lang yung luha ko.

"S..sorry po...." Mahinang sabi ko habang humihikbi.

"Wala namang magagawa yang sorry mo. Ano ba kasi ang nangyari? Diba sinabi ko naman lahat.... lahat ng bawal sayo. Lahat ng hindi mo pwedeng gawin. Bawal kang mapagod ng sobra.. bawal kang tumakbo... Bawal kang magpuyat. Bawal kang kumain ng mga kung anu-anong pagkain.." Habang nagsasalita si auntie ay tulo nang tulo yung luha niya kaya napahagulgol ako. Masakit din palang makita mo ang isang tao na nahihirapan at umiiyak, dahil sayo.

She's ValentineWhere stories live. Discover now