Chapter 8

93 6 2
                                    

Today is my first day as a band vocalist again. even though they say it's like I haven't rested in years because my voice hasn't changed, I still can't help the trembling I feel now.

I took a deep breath to calm myself down and looked at myself in the mirror. I just wore a high waist jeans, long sleeve crop top and angkle boots. hinayaan ko lang nakalugay ang hanggang bewang kong buhok.

Paglabas ko ng kwarto naka-ready na silang lahat ako na lang ang hinihintay.humugot muna ako ng malalim na hininga bago naglakad papunta sa kanila.

"Tara na?" agad na aya ni Maxine.

Marahan akong tumango.

Naglakad na kami palabas ng bahay at sumakay sa sasakyan na pag mamay-ari pala ni Jigs.
si Jigs ang puwesto sa driver seat habang sa passenger seat naman si East, kaming tatlo nila Maxine at Lance ang nasa likod at napapagitnaan nila akong dalawa.

Hindi ko alam kung gaano katagal ang magiging biyahe namin papunta sa bar. pero sh*t lang! sobra akong kinakabahan. grabe yung kabog ng puso ko! pinatong ko sa mga hita ko yung dalawang kamay ko na nagpapawis na!

Sh*t! naiihi na ako sa sobrang kaba!
hindi naman ako ganito dati pag may gig kami!

Nagulat ako nang hawakan ni Maxine yung kamay ko.

"Hahahaha, relax! masyado kang kabado." Natatawang sabi niya.

"Wooohh! Ang isang Madison Hera kinakabahan sa gig?! katapusan na ba ng mundo?" O.A na sabat ni East.

at talagang nilingon niya pa ako para sabihin yun! inirapan ko siya pero tinawanan lang ako ng loko!

Pumikit ako at humugot ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili ko. ilang minuto akong nanatiling nakapikit para kumalma. dumilat lang ako ng maramdaman ko ang paghinto ng sasakyan.

Isa-isa kaming bumaba sa kotse. hindi na namin dala yung mga instrumento namin dahil sabi nila meron naman daw mga gamit dun sa bar na pagtutugtugan namin.

Habang naglalakad papasok sa loob ng bar walang tigil ang pagbuga ko ng hininga.
kaya naman wala rin tigil sa kakatawa ang mga kasama ko na pinangunguhan ni Easton!

"Hahahaha, kinakabahan talaga ang bebe Madison natin." pang-aasar niya pa

Sinamaan ko siya ng tingin at inambaan ng batok. Mabilis niya naman inilagan at nauna nang naglakad habang patuloy sa pagtawa!

Kabagin ka sana kakatawa! bwisit!

Si Easton Rodriguez ang pinakamakulit at malakas mang-asar sa banda. kabaligtaran naman ni Lance Justin Gomez, tahimik lang siya pero pag nasa mood mang-asar grabe din. si Jigs bihira lang din magsalita pero lagi naman nakangiti kaya sa kanilang tatlo siya ang may pinakamaraming fans since college kami. hindi na rin naman nakakapagtakang maraming humahanga sa kanila dahil bukod sa talent nila eh talaga naman mga gwapo din sila.

Nang malapit na ako sa entrance ng bar saglit muna akong huminto. inayos ko muna ang buhok ko at saka huminga ulit ng malalim.

Napalingon ako sa gilid ko nang may tumabi sa akin.

"Hey, relax." Nakangiting sabi ni Jigs, hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil.
"Hindi mo kailangan kabahan dahil maganda parin ang boses mo. kaya for sure magugustuhan nila ang mga kakantahin mo." mahihimigan ang sinseridad sa tono ng pananalita niya.

Dahil ilang taon din akong tumigil sa pagbabanda medyo nawalan ako ng tiwala sa boses ko. natatakot ako na baka hindi nila magustuhan ang boses ko. pero dahil sa sinabi ni Jigs medyo nabawasan yung kaba ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hanggang Kailan?Where stories live. Discover now