C H A P T E R T W E L V E

1.2K 70 0
                                    

Ilang sandali pa ay nakikita ko nang bumaba na ng hagdan ang mga magulang n'ya.Napatayo kaming dalawa ni Pres para salubongin ang mga ito.

Kinakabahan ako na natatakot.Baka sakaling di ako magustuhan ng mga magulang n'ya.Ayoko pa namang mangyare 'yun.

"Isabelle?"Nagulat ako nang agad akong lapitan ng mama ni Pres.

Hinaplos nito ang mukha ko tapos umiiyak ito.

"Anak ko."Dagdag pa nito na ikinataka ko.

"Mom,what are you saying? She's not Isabelle.She's my girlfriend her name is Kaye"Sabi ni pres.

"Anak,bumalik ka.Masaya ako at nakita na kita"Umiiyak itong niyakap ako kaya nagtaka naman ako.

Napatingin ako kay pres.

"Mom,stop it."Kumalas ito sa pagyakap sa'kin.

"Honey,hindi s'ya 'yan."Sabi ng papa ni pres.

"Mom, she's my girlfriend.Her name is Kaye"Pakilala ni pres sa'kin sa mga magulang n'ya.

Nagtaka lang ako kung bakit tinawag akong Isabelle ng mama n'ya.

"Masaya po akong makilala kayo"Ngiti kong sabi sa mga magulang ni pres.

"Is nice to meet you rin ija"Ani papa ni pres.

"Kamukhang kamukha mo si Isabelle ija."Sabi naman ni Mrs.Chua.

"S-Sino po s'ya?"Tanong ko.

"Ang nawawala naming anak ija"Sagot ni Mr.Chua.

"May palatandaan ako sa kan'ya.May malaki s'yang nunal sa likoran n'ya."

"Nunal sa likoran?"Tanong ko.

"Oo ija,may nunal s'ya sa likoran."

"May nunal ho ako sa likoran."Sabi ko.

"Talaga? Patingin nga?"Pinakita ko sa kanila na may nunal nga ako.

"Honey, s'ya nga si Isabelle ang anak natin."Sabi ni Mrs.Chua.

"What?"Takang tanong ni Pres.

"Ija,ampon kalang ba?"Tanong ni Mr.Chua sa'kin.

"Opo.Matagal ko na pong alam na ampon ako."Tugon ko.

Hindi pwede to.May nunal ako sa likod na palatandaan na may ganun si Isabelle.Tapos ampon lang din ako.

Hindi pwede to.

"Honey,tawagin mo si Doc Santos.kailangan natin s'yang ipa DNA test.Gusto kong makasigurado na anak ko nga s'ya."Sabi ni Mrs.Chua.

Agad na Kumilos si Mr.Chua.Pinaupo naman ako ni Mrs.Chua.Panay ang hawak n'ya sa kamay ko.

"Mom, this can't be happening.Hindi pwedeng maging si Isabelle ang girlfriend ko."Sabi ni pres.

"Son,kaya nga magpapa DNA test s'ya para malaman natin ang totoo."

Kapag nga ang mga magulang ni Pres ang totoo kong mga magulang ay hindi pwedeng ipagpatuloy pa namin ang aming relasyon.

Magkapatid kami kapag ang resulta ng DNA test ay match kina Mrs.Mr.Chua.
Natatakot ako na baka ikasira 'yun ng relasyon naming dalawa.

"Ang ganda mo naman ija."Puring sabi ni Mrs.Chua sa'kin.

"Salamat po"Tanging itinugon ko.

Tumingin ako kay pres.Alam kong pareho kami ng iniisip.Alam kong nag aalala din s'ya sa magiging resulta.

At dumsting na ang doctor.Ipina DNA TEST nga ako kina Mrs.Chua.Sabi nang doctor na aabot ng dalawa o tatlong araw bago lumabas ang resulta pagkatapos ay inihatid na ako pauwi ni pres.

Accidentally hug the SSG President Where stories live. Discover now