C H A P T E R E L E V E N

736 37 0
                                    

"Uhm kuya,maya na tayo mag usap.Bibisitahin kita d'yan mamaya.Bye"Agad kong binabaan ng phone si Kuya tapos itinago ko ito sa bulsa ng uniform skirt.

"Bakit bruha?"Tanong ko dito.

"Talagang isusumbong mo'ko sa kuya mo hah?"

"Bakit natatakot ka?"

"Sabihin na nating oo kaya di ko hahayaang magsumbong ka sa kuya mo!"

"Ah takot ka pala?Hmm..Mukhang ang sarap mo palang takotin."Inirapan ko s'ya at aakmang hahakbang ako pero hinablot n'ya buhok ko.

"At sa'n ka naman pupunta hah?"

"Sa lugar na walang higad!"Tugon ko sabay siko sa ilong n'ya at pumaripas ako nang takbo papalayo sa kan'ya.

Binilisan ko ang aking pagtakbo para di n'ya ako mahabol.Mahirap nang mahabol n'ya ako baka kung anung gawin n'ya sa'kin.

"WAHH!!"Napasigaw ako nang wala sa oras dahil may biglang humila sa'kin.

Saglit na kumabog ng malakas ang puso ko sa kaba pero nung lingonin ko kung sino ay nakahinga ako nang maluwag.

"Pres"Hinila n'ya ako papasok sa isang classroom.Mukhang alam n'yang hinahabol ako ng higad na 'yun.

Habol hininga ako dahil sa pagod ko kakatakbo.

Napatigil ako nang pinunasan n'ya ang mukha ko nang isang panyo.Punong puno kase ako ng pawis.Napatitig na tuloy ako sa kan'ya habang abala s'ya sa pagpupunas ng mukha ko.

Masasabi kong napakasweet na boyfriend si pres kahit nung magkaibigan palang kami.

Pagkatapos ay ginulo n'ya ang buhok ko kaya nainis na tuloy ako.

"Yan ang ganda mo na"Sabi n'ya.

Sinamaan ko s'ya ng tingin.

"Ayusin mo 'yan kung ayaw mong mabalian ng buto"Banta ko sa kan'ya.

"E tama na 'yan.Maganda kana e syaka mas bagay sa'yo ang ganyan."

"Aayusin mo o babalian kita ng buto?Anu?"Tinaasan ko s'ya ng kilay kaya no choice s'ya.

Inayos n'ya ulit ang baho ko.Ayoko kaseng magulo buhok ko.

"Ayan maayos na."Aniya.

"Aalis na ako."Bigla n'yang hinawakan kamay ko kaya nilingon ko s'ya.

"Where did you go?"Tanong n'ya.

"Bibisitahin ko si kuya sa ospital dahil gising na s'ya."

"Pero galit sa'yo ang mama mo diba?"

"Gising na si kuya.Alam kong papayagan ako ni mama dahil kay kuya."

"Can i go with you?"

"Tara."Mas lalo n'yang hinawakan ang kamay ko at lumabas na kami ng classroom.

Pagdating namin sa ospital ay nadatnan namin si mama na nakaupo sa labas ng kwarto ni kuya.

Huminto muna ako sa harap n'ya.

"Mama"Sambit ko dito.

Tumingin ito sa'kin at hindi nagsalita.

Biglang lumabas si ate Elise at nilapitan ako.

"Hinahanap ka ni kuya kaya pumasok kana."Sabi nito.

"Salamat ate"Kahit man marami silang kasalanan sa'kin ay mahal ko parin sila.

Nirerespeto ko parin sila kung anu sila para sa'kin.

"Wag kang magpasalamat.Kay kuya ka magpasalamat"Tugon ko.

Accidentally hug the SSG President Where stories live. Discover now