CHAPTER #3

6 0 0
                                    

Melanie's Point Of View

HALOS manlumo kami nang makita ang nagkalat na bangkay sa daan. Wasak ang tiyan at dibdib nila at tila walang natirang lamanloob sa kanila.

Shit! Nawala na siya sa kontrol! Diyos ko po!

Mayamaya ay humahangos na tumatakbo si Edmun palapit sa akin.

"Ate, nakauwi na si Tito. D-duguan siya." Sambit niya.

Ako naman ay mabilis na naf-isip at isang idea ang mabilis kong naisip para agapan ang delubyong ito.

"Halikayo. May plano ako." Sabi ko.

Alam kong magmumukha akong masama sa lagay na ito pero ito na lang ang paraan na naiisip ko para hindi na lumala pa ang sitwasiyon.

_**_

"Anong plano mo, Ate Melanie?" Tanong ni Laurell nang sabihin ko sa kanila na may plano nga ako.

Hindi ako makapagsalita agad dahil nanimikip ang dibdib ko. Ngayon pa lang ay nanlulumo na ako ngunit kailangan.

"Igagapos natin siya." Sabi ko.

Shit! Ang sakit sa dibdib! Kailanman ay hinsi pumasok sa isipan ko na gawin ito kay Dean. Kadalasan ay hinahayaan lang namin siya sa labas kapag gabi upang makasagap ng sariwang hangin. Pero ngayon? Iba na ito at ramdam ko na posibleng lumala pa ang lahat kung hindi namin aagapan ito.

"Po? Tita, seryoso? Gagawin naton ito kay Papa?" Tanong naman ni Zein. "Hindi ba maaring idaan muna natin siya sa pakiusapan?" Sabi pa nito.

"Mahirap na, Zeim. Labis na apektado siya sa pagkawala ni Amihan. Wala na siya sa kontrol kaya sa palagay ko, hindi na natin siya madadaan sa pakiusapan. Kagabi pa lang, ilan na ang namatay. Kaya ito na lang ant paraan." Sabi ko habang nagpipigil ng luha.

Kailangan kong maging matatag sa harapan nila kabit na sa totoo lang ay manghohina na ako sa sakit. Pakiramdam ko, anumang oras ay babagsak ako at bubulagta sa lupa.

"K-kung iyon ang natatanging paraan paraan para agapan ang lahat, okay." Pagsang-ayon ni Charmie. Alam ko na labag din iyon sa loob niya. Lahat naman kami, labag 'to sa aming kalooban. Pweo buhay ng nakararami ang nakasalalay dito kaya masakit man ay kailangan naming gawin kaysa naman mas lumala pa ang sitwasiyon.

Matapos ang malingkot na usapan ay pumasok ako sa kwarto upang isagawa ang napakasakit na planong ito. Ang isang bagay na kailanman ay hindi pumasok sa isipan ko, namin na may hawak sa kaniya. Napakabait niya para maranasan ito.

"S-aorry, Dean." Sabi ko habamh nakamasid sa kaniya na natutulog.

Maamo ang kaniyang mukha. May bakas pa ng konting dugo sa labi niya, senyales na talagang gumawa siya ng lagim.

Daban-dahan pa akong lumapit marahang ipinagdikit ko ang dalawang paa niya at marahan kong itinali doon ang kadena. Napapikit ako at napayuko nang magbadya ang mga luha sa mga mata ko. Shit!

Nang masiguro kong okay na ang kadena sa kaniyang paa ay isinunod ko naman ang kaniyang kamay. Mabuti na lamang ay tulog-mantika siya kaya malamang na hindi niya ito mamamalayan pa lalo at tila pagod ang kaniyang katawan. Ipinagdikit ko din ang dalawa niyang kamay at itinali din ng kadena.

Matapos ng sa kamay ay sa buong katawan niya naman. Itinali ko ang isang bahagi sa katawan niya at ikinomrkta sa kama.

Nang matapos ko na ito ay umatras ako ng bahagya at pinagmasdan siya. Pero mayamaya din, napayuko ako at nabaling sa shig ang tingin ko.

Hindi ko kaya. Hindi ko kayang tignan. Tila ba itinutulak ako pabalik para tanggalin ang tali na nakapaligid sa kaniya. Nakakaawa. Nakakapanlumo.

"Sorry, Dean. Sorry." Sabi ko sa mahinang boses at nagmamadalimg lumabas.

Isinara ko ang kwartong iyon at dinoble ko ang kandado dahil aalis kami. Pupunta kami mg airport upang sunduin si Cally.

Diyos ko po! Wrong timing naman ang uwi ng asawa ko. Kumg kailang may malaking problema tsaka naman siya bumaba ng barko.

Excited pa naman siyang makilala si Dean. Palagi ko kasing nakukwento sa kaniya si Dean. Maging ang pagkaaswang nito, alam niya at alam din niya kung gaano kabait si Dean dahil minsan na silang magkausap sa video call. Naging friends pa nga sila sa Facebook.

At ngayon ngang uuwi na siya, excited na siyang makilala ang pinakamabuting aswang. Pero heto ngayon, nakagapos ito at nakakulong sa isang silid. Ang sakit pa rin.

Matapos mananghian ay kampante kaming umalis ng bahay. Mamayang hapon na kasi ang dating ni Cally kaya kailangang tanghali pa lang ay nandoon na kami kasi marami siyang dala-dala.

Habang nasa byahe, hindi pa rin mawala sa isip ko si Dean. Sana okay lang siya. Nag-iwan naman kami ng note sa tabi niya at malamang ay mababasa niya iyon paggising. Nakasaad doon ang rason kung bakit namin nagawa ang bagay na iyon.

Shit! Ang sakit talaga! Shit! Shit na lang talaga!

* END OF CHAPTER #3 *

DEAN SERIES #4:DELUBYO SA DASMAWhere stories live. Discover now