CHAPTER #2

6 0 0
                                    

Third Person's Point Of View

SAMANTALA, nang gabing iyon ay nag-aalala sina Melanie, Charmie, Irina, Laurell, Zein at Edmun dahil nga biglaang tumakbo si Dean at pinaharurot ang jeep nito. Kitang-kita rin nila kung paanong kunin si Amihan at kung paano sila sikaping habuljn ni Dean.

"Diyos ko po! Nasaan na kaya si Dean?" Nag-aalalang sambit ni Melanie.

"Sana makuha niya si Amihan." Sabi naman ni Zein. "Mga walang biya talaga sila." Sabi pa nito.

Mayamaya ay marahas na bumukas ang pimto at si Dean ang bumungad. Halos mabaliw na ito sa pagwawala at balos lahat ng mga gamit doon ay basagin na nito.

"Pa!"

"Tito Dean!"

"Mahal..."

"A-anong nangyari?"

Mga sabay-sabay na sambit nila.

"Aaaah! TANGINA! WALA NA! WALA NA SILA!" Sabi ni Dean at bigla na lang hinablot si Laurell at akmang wawakwakan na sana pero mabuti at nagawa pa itong hablutin ni Melanie.

"Dean!" Sigaw ng babae pero sadyang napakabilis ng pangyayari dahil maging si Melanie ay hinablot nito at sinakal.

"Mahal, si Ate 'yan!" Sabi naman ni Charmie.

Inilapit ni Dean ang mukha sa tainga ng babae...

"Naririnig mo ba? Wala na siya! Patay na siya!" Marahas na bulong nito sa babaeng halos ubuhin na.

"D-Dean." Nasabi na lang nito.

"Papa, bitawan mo si Tita." Sabi ni Zein at gamit ang lakas ay hinila niya si Melanie na agaran niya namang nagawa.

Nagdulot ng marka sa leeg ang pagkakasakal ni Dean kay Melanie.

Mayamaya ay marahas na tumalikod si Dean at maragas na binuksan ang pinto tsaka lumabas.

"Tito Dean!" Sigaw ni Edmun at hinabol ito.

Alulungan ng mga aso ang bumasag sa katahimikan ng Brgy. Maligaya, Dasma Cavite. Mga alulong na tila nagbabadya ng panganib.

"Huwag! Maawa ka!" Sigaw ng isang lalaking naglalakad lamang. Tagakabilang barangay lamang ito at napadaan lamang doon dahil papauwi na dapat galing trabaho.

"Walang awa awa sa akin!" Umaangil na sambit ni Dean at winakwak agad ang tiyan nito.

"Aaah!" Sigaw ng lalaking humandusay na lamang sa kalsada habang pinagpipyestanan ang lamanloob nito.

Kasabay ng pagkawala ni Amihan ay ang tila pagkawala naman ng ama sa katinuan nito.

"Tito Dean!" Sigaw ni Edmun na nasaksihan ang buong pangyayari.

"Hmmm... Kain tayo." Sabi nitong lumingon pa kaya halos mapaluhod na lang ang binatilyong manggagalaw dahil tila nanghina ang kaniyang tuhod.

"Tito Dean. Tama na!" Naiiyak na sambit niya. "Balik ka na." Sabi pa niya

"Hmmm... Shit! Ibalik niyo muna si Amihan." Sabi nito at tila baliw ma tumawa habang ngumunguya pa ng laman.

'Diyos ko! Bakit sa dinamirami ng pagsubok, ito pa? Bakit may inosente pang kailangang magsakripisiyo?'

Sa isip-isip ng bimatilyo.

Matapos makain ang isa ay may isa na namang nakita si Dean at tulad ng ginawa sa una ay ganoon din sa pangalawa, pangatlo, pang-apat, pang-lina. Hanggang sa mas lumalim pa ang gabi ay tila mas dumami pa ang mga inosenteng naglalakad sa daan ang tila nagbuwis ng buhay. At lahat iyon ay nasaksihan ni Edmun. Maging ng mga kasamang babae ni Dean, higit lalo ni Zein na nagsisunuran din pala kaya nasaksihan din ang pangyayari.

"Diyos ko! Delubyo na ito!" Nasabi na lang ni Melanie at biglaang sumagi sa isipan niya si Cally, ang asawa niyang nakatakdamg umuwi sa makalawa.

* END OF CHAPTER #2 *

DEAN SERIES #4:DELUBYO SA DASMAWhere stories live. Discover now