unexpected surprises

16.7K 208 0
                                    

guys thank u sa ppaghintay ng mga UD ko.. 

sorry kung late ng konti ...

dapat kasi nung valentines ko ito ipopost kaso busy kaya ngayon nlng.. 

heheheh..

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

~Emma's POV~

 “HELLO! Happy Valentines!”

bati sa akin ng nasa kabilang linya. Hindi niya kailangan pang tignan kung sino ang caller dahil isa lang ang kilala niyang ganyan ka biba kung bumati.

“O napatawag?”

“Ano ba namang tanong yan? Di na ba pwedeng bumati ng Happy Valentines sa'yo? Bitter mo naman friend. Maghanap ka na kasi ng boylet at kalimutang si Pogi.”

Paano ko naman siya makakalimutan kung araw-araw ko siyang nakikita, aber? Sabi niya sa sarili. “ano ba yang pinagsasabi mo? Paano ko naman siya makakalimutan kung pagtingin ko sa anak ko mukha agad niya ang nakikita ko. At saka late na ang pasabi mo dahil nagkita na ulit kami at lintik na pusong tong di na nadala kasi... eto nalaglag na naman. At ang masaklap sa kanya parin. Hayyy”

Oo, inaamin ko na mamatay man lahat ng daga sa mundo na wala patay na... patay na patay na naman ako sa kanya. Lintik naman kasi tong puso ko eh walang ibang alam gawin kundi ang tumibok sa iisang tao lang, kay Alex.

“Really? Paano kayo nagkita uli?ba't di mo man lang ako binalitaan. Akala ko ba friends tayo?” usisa nito.

“Ano ka ba naman parang yung lang magtatampo agad. Boss ko siya no kapatid siya nung boss ko dati.. liit ng world noh?”

“Ha? Wow lang talaga. Pero ba't di mo natunugan an magkapatid sila?”

“ Aba malay ko. Rodriguez ang apelyedo ni Ma'am Alli tas alam kong Nikos ang middle name niya pero di naman ibig sabihin nun eh connected sila pwede rin namang magka-apelyedo lang di ba.. tyaka di naman nagkukwento yun kung may kapatid siya o ano.”

“Sabagay... ay friend may good news ako? Uuwi na ako dyan sa Pilipinas for good.”

“Talaga Chang? Naku ansaya dahil diyan.”

“Yeah ako rin. At makikita ko na rin uli sa wakas ang pinakagwapo kong pamangkin na nagmana sa kanyang ninang. At para narin maghunting na yang mga kuya mo.hahahahah” sabi nito habang tumatawa.

“Ay nagyabang lang okay na sana sa akin yung uuwi ka tas biglang may ganoon. Naku Charito Gomez iiyak ka lang sa mga kuya ko kaya payong kaibigan lang kung ayaw mong matulad sa akin wag mo nang hanarin ang mga yun. Ubod ng mga babaero yun eh.”

“hay naku Guatemala Gracia wag mo nga akong idamay sa paggiging bitter mo no. tyaka ako sasaktan itong charms and beauty ko. No, no sister.”

“bahala ka na nga diyan at ako'y may trabaho pa. Kelan ka nga pala uuwi dito ng maayos ko na ang guest room sa bahay para dun ka magstay? Na miss kita eh.”

“Mga two week from now. ok. Bye. Love you friend.”

“Okay love you too.”

Binaba ko na ang telepono nang mapansin kong nasa harapan ko pala si Alex. At dahil sa nagulat ako sa presensya nito ay napahawak nalang ako sa dibdib ko. “Ay Kabayo!”

“Hindi ako kabayo at mas gwapo ako dun. Sino kausap mo sa telepono?” sita nito sa kanya. Kakatapos ko lang makausap ang isang mahangin ngayon naman eh isa pa uling hangin. Baka mamaya eh bumagyo na sa sobrang lakas ng mga hangin dito.

“Kanina ka pa ba diyan?” tanong ko. Baka kasi narinig niya yung part na mahal ko parin siya naku mas lalaki ang ulo nito.

“Hindi naman doon lang sa part na nag- I love ou too ka. Sino yun?”

“Ah kaibigan ko si Chang.” nakahinga naman ako doon.

“ Yun yung kaibigan mo sa paris na kwela na parang bakla kung magsalita?”

“Oo. Naalala mo pa pala siya.”

“Yeah. Oo nga pala. Mamaya 5 pm aalis tayo meron lang tayong pupuntahan. That's all.” sabi nito at umalis na.

“Naku tignan mo tong taong to. Mamahalin mo na nga bibigyan ka pa ng sakit sa ulo. Tapos valentines na valentines di man lang ako naalalang bigyan ng bulaklak. Hmp!” pagtatampo niya.

Denial ka pa kasi. Mahal mo naman. Kaya ayan napagod na ata sa iyo. Tsktsktsk.

“Ah ewan pati sarili ko kinakausap ko na, naku! Makapagtrabaho na nga.”

“EMMA, come in to my office now.”

Nagulantang naman si Emma sa biglaang pagpapatawag ni Alex sa kanya. Kaya nagmamadalli siyang pumunta sa opisina nito.

“Yes sir, is there anything you want me to do?” tanong ko.

Imbis na sumagot may itinuro itong dalawang kahon sa my sofa set sa kwartong iyon. “ I want you to wear those later. Kailangan lang.” seryosong sabi nito.

Tumango nalang ako sa kanya at kinuha ang dalawang box. “Is there anything else?”

“No, that's all, you can leave.”

Mabilis naman akong lumabas ng opisina nito. Pagkabalik ko sa pwesto ko eh inusisa agad agad ako ni Shiela. “Uy, ano yan?”

“Damit. Isuot ko daw mamaya sa pupuntahan namin. Kailangan daw eh.” walang ganang sagot ko.

“Wow naman baka may date kayo mamaya?” tukso nito.

Anong date? Mukha atang meron na naman siyang pupunttahang function at kailangan niya ng sekretarya dahil di man lang niya ako binati ng Happy valentines. Para nganng di nag-eexist yun petsang yun sa taong yun eh. Asa pa ko sa date na yon.

“Hindi noh. Meron lang kaming function na aatendan.” kaila ko.

“Ganun ba? Akala kung magiging happy family na kayo. Kumusta naman pala yung anak mo? Alam na ni sir?” Naku umandar naman ang pagiging tsismosa nito.

“Ok lang. At oo alam na niya nung kelan pa.”

“Ano reaction nila sa isa't isa. Nagalit ba sa iyo si sir? Dali magkwento ka.” excited na sabi nito.

“Ewan ko sa yo Shiela umandar nanaman yang pagiging detective mo. Kung aano man ang mga naganap eh amin nalang iyon, pwede?”

“Hay Emma! Ang bitter mo talaga minsan. Bahala ka na nga diyan.” pagkaapos nun ay binaling nalang namin ang atensyon sa trabaho.

4:30 ng hapon yun ng ipaalala sa akin ni Alex ang tungkol sa lakad namin. Kaya nagmadali akong pumunta sa CR at nagbihis. Nagulat pa nga ako dahil sa damit na binigay niya. Masyadong seksi kasi. Nahihiya akong suotin. Gosh! Baka mapagkamalan akong maton nito.

Pero dahil wala akong choice eh sinuot ko nalang iyon ng pikit mata pati yung sapatos parang pwede nang pang lusong sa baha sa sobrang taas ng heels di pa naman ako marunong magdala ng mga ganitong katataas na heels. Stilettos pa talaga ha!

my boss's babyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant