Back to Normal

958 41 0
                                    

WINTERINS ACADEMY
CHAPTER 23 : BACK TO NORMAL

Bukas pa daw namin makukuha ang reward namin sa mission na iyon habang dito naman muna nakisilong ang apat na ito. Mukhang naiwan pa ang isa doon sa Inn.

"Ito kutson nyo oh, dyan kayo sa lapag matulog, ilatag nyo ito" sabi ko sa kanila at ibinigay ang kutson.

Inilapag ko naman ang bag ko sa kwarto naming apat at lumabas ulit para bigyan naman sila ng unan.

"Isa lang extra kong unan, Nath pahiramin mo sila" sabi ko kay Nath.

"Isa lang rin akin eh! Yan oh si Jea ang dami dami nyan kung mag unan, hindi mabubuhay nang walang unan"

"Syempre! Ang lalambot kaya non!"

"Aysus, kunwari pa.."

'pero deep inside iniisip mo na sana si Hydle yon yiiiii' pagpapatuloy ni Nath sa sinasabi nya pero sa isip nga lang namin.

Natawa naman kami habang sinamaan sya ng tingin ni Jea.

Kumuha si Jea ng tatlong unan sa kanya at ibinato doon sa apat na inaayos ang higaan nila habang ibinigay naman ni Phia ang dalawang kumot na nakareserba para sa amin.

Nang maayos na ay nagpaalam na ang tatlo na matutulog na dahil pagod na ito habang ang apat nama'y hindi mapakali sa hinihigaan nila.

"Saan punta mo Allequiane?" Tanong sakin ni Hydle.

"Maggagatas gusto nyo?"

"Hindi na, matutulog na lang ako" - Hydle

"Goodnight" - Klaeden

Tiningnan ko si Warren at tulog na ito.

"Ako hindi mo tatanungin?" Tiningnan ko si Czade at nakita ang mga blue na mata nya. Ang ganda talaga ng mata nito kahit kailan.

"Gagatas ka rin?" Tanong ko dito.

Hindi pwedeng hindi ko sya kausapin, magiging Immatured ako kapag ganon.

"Ipagtitimpla mo ba ako?"

"Hindi, magtimpla ka"

"Sige wag na.."

Inirapan ko naman sya at nag timpla na lang ng dalawang mug na gatas.

Si Phia lang mahilig sa kape, ako gatas.

"Oh gatas mo" sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman sya sa akin at tinanggap ang gatas.

Putsa, ang ganda ng ngiti, magkano kaya ngipin nito? Nangingintab eh. Pero infairness gwapo.

Lumabas ako papunta sa teris at tiningnan ang langit.

Naramdaman ko namang tumabi si Czade sakin.

"Ang ganda ng langit no?" Tanong nya sakin.

Tumango naman ako dito.

"Gusto mo kantahan kita?" Tanong niya pa ulit sakin.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Hindi halatang kumakanta ka ha"

"Oh well"

Natawa kami sa isa't isa at muling tumingala sa langit.

"Oh, kay gandang pagmasdan~
Ang iyong mga mata
Kumikinang-kinang~
'Di ko maintindihan" panimula nito.

WINTERINS ACADEMY: SCHOOL OF MAGICIANS (COMPLETED)Where stories live. Discover now