B2LY8

3.3K 97 0
                                    

[Ashley P.O.V]

"Mommy! Ang taas ng grades namin ni Kuya nuh?" Masayang sabi ni Andrea habang tinitignan ko ang card nila at tumango ako.

"Ang galing nyo ha" Puna ko.

"Syempre naman po! Magaling kayong magturo ni Ninong Jeric!" Masaya nyang sabi at itinago ko na ang card nila sa bag ko.

"Mommy, saan tayo ngayon?" Tanong nya.

"Sa may Intrument Shop, titingin tayo ng guitar for your kuya" Sabi ko at tumango sya.

"Someday, Kuya will be a star like Ninong" Wika nya at tumango ako.

"Ikaw, ano bang gusto mo paglaki mo?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa mall. Yes. Tama kayo sa Mall.

Kanina pa kami nandito at umiikot-ikot lang hanggang sa nag-aya syang kumain ng ice cream.

"Paglaki ko po? Uhm... I don't know po eh. Siguro I want to be a doctor na lang" Sabi nya at ngumiti ako.

"Mommy! Look!" Sambit nya at tinignan ko naman ang itinuro nya.

"Ang laki nuh?" Sabi ko at tumango sya.

" I want that Mommy. I want that piano" Sabi nya at nakita kong gustong-gusto talaga nya.

Nagpunta kami dun at kumalas ang hawak nya sa kamay ko.

"Mommy, pwede ko po bang tinignan yun?" Tanong nya at tumango ako.

"Basta wag kang lalabas ng shop na ito okey?" Tanong ko at tumango sya.

"Good Morning Ma'am, How can I help you" Tanong nung lalaki.

"May Acoustic Guitar kayo dito?" Tanong ko at inilibot ang tingin sa mga instrument.

"Yes Ma'am, Dito po" Sabi nya at sinundan ko sya.

"Ito po ang mga for sale Acoustic namin while this one is the signature collections" Paliwanag nya at tinignan ko.

"36k itong light brown Guitar nyo?" Tanong ko at tumango sya.

"Yes Maam."

"How about the electric guitar?" Tanong ko.

"Dito po sa side na ito--" Parehas kaming napatigil ng may narinig kaming tunog ng piano.

"Ang ganda" Wika nya at bigla kong naalala si Andrea kaya bumalik ako doon.

I was amased of what I have seen. Halos lahat ng tao sa shop nakatingin lang sa anak kong nakaupo sa harap ng grand piano at tumutugtog.

Kailan pa sya natuto?

"Baby." I said ng malapitan ko sya.

"M-Mommy, Im sorry. Hindi ko po--"

"Its okey. You really like this Grand Piano?" I asked her at tumango sya.

"How about this Grand Piano? Magkano ito?" Tanong ko.

"312,999 po maam" Sabi nya.

"Seriously?" Gulat na tanong ko at tumango sya.

"World Class Grand Piano po kasi sya Maam, Made from Italy ang body, Europe the inside parts and Finishing from France. Tyaka, nakalining po sya sa Best Grand Piano Championship" Paliwanag nya at tumango ako.

"Kukunin ko pati yung Light Brown Acoustic" Sabi ko

"M-Mommy"

" Yes?" Tanong ko at umiling-iling sya.

"Wag nyo pa pong bilin" Sabi nya at ngumiti lang ako.

"It's okey Baby, Tara? Magf-fill up na si Mommy ng form" Ngiti kong sabi at ngumiti rin sya.

"Thank You Mommy" Sabi nya at tumango lang ako.

------

"Mom! Ang saya dun sa hotel nila Ninong! Tapos nakilala ko pa yung mga bandmates nya!" Masayang sabi ni Marcus at tumango ako.

Nasa may dining area kami but Im looking at Andrea, ang tahimik nyang naka-upo sa sala.

"Napansin mo rin ba? " Napatingin ako kay Jeric ng nagtanong sya at tumango ako.

"Pag-uwi namin kanina galing mall ganyan na sya." Wika ko.

"Mom?" Tanong nya at ngumiti lang ako kay Marcus

"Look at your sister." Sabi ko at tinignan nya ito.

"Mom, is she okey?" Tanong nya at ngumiti ako.

"Andrea." Tawag ko at tumingin sya sa gawi namin at nagpunta.

"Mommy?" Tanong nya at umupo sa silya.

"Are you okey?" Tanong ko.

"Yes." Sagot nya.

"Are you sure?"

"Mommy, Im afraid. Natatakot po ako" Sabi nya at tumingin sa mga mata ko

"Why?"

"For tomorrow, for my therapy."

"I told you diba? Hindi ka dapat natatakot. At yan na ang last sabi ng doctor mo diba?" Tanong ko at ngumiti sya. A weakly one.

"Yes po." Sabi nya at nilapitan ko sya.

"After this. Okey na. Okey na lahat." Im trying to make her smile at tumingin sya sa mata ko.

"Okey na lahat? You mean pati kayo ni Daddy?" Masaya nyang tanong at natigilan ako.

"Andrea.. Kasi diba?" I said at bigla syang lumungkot.

"Mommy, Can you please give daddy one last chance? For me? Please" She begged at tumingin ako kila Marcus at tumango sya.

"Okey, one last chance for Eugene" Sabi ko at niyakap nya ako.

Stay with Me [B2:LY]Where stories live. Discover now