4.

5 0 0
                                    

"Hindi ako papasok ng last class."

Tuloy-tuloy na sabi ni Nemesis sa kaibigang si Margot habang inaayos ang mga gamit.

"Weh?"

"Mag notes ka, update mo 'ko kung anong ganap."

"Hala seryoso ka pala?"

Tinapunan niya ng masamang tingin ang kaibigan pagkatapos isinukbit ang bag sa balikat.

"Alis na 'ko."

Pagpapaalam ni Nemesis.

"Nems wait!"

"Ano?"

Iritang saad ng dalaga.

"May ikukwento ka pa sa'kin. Pa'no mo nakilala 'yung singer?"

Marahas na nagbuntong hininga ang dalaga pagkatapos ay napahilot sa sintido.

"Look, I'm going na Mags."

"Urgent ba 'yan?"

Paguusisa lalo ni Margot.

"Oh sige na sige na! Basta ikukwento mo ah."

Pagsuko ni Margot sabay tulak nang marahan kay Nemesis sa pinto ng classroom.

Kibit-balikat lamang ang sagot ni Nemesis pagkatapos ay tuloy-tuloy na naglakad palabas ng unibersidad.

Ito ang unang beses na hindi siya papasok sa klase.

Alam niyang hindi naman niya kailangan lumiban kung makikipagkita lang siya sa binata. Ngunit naisip niyang pumunta nang mas maaga.

Kaagad kinuha ni Nemesis ang cellphone pagkasakay pa lamang niya ng bus.

Hindi naka-online ang binata.

Nagsimulang lumakas ang tibok ng puso niya.

Kagabi, hindi nagreply ang binata. Kahit reaction sa mismong message ay wala. Tanging seen lamang ang natanggap niya.

Naisip ni Nemesis na mag message ulit para kanselahin ang inalok niyang pagkikita.

Ngunit naalala niyang marami siyang tanong dito. Na iniwan sa ere't hindi sinagot ng binata.

Kaya kahit walang kasiguraduhan, pupunta pa rin siya sa seaside.

Kung saan sila unang nagkita.

Pagbaba niya ng bus, medyo tirik pa ang araw. Mag a alas-kwatro pa lamang kaya nag desisyon siyang lumilim muna sa isang shed.

"Ate, bili ka bracelet sa'kin!"

"Magkano?"

"Bibili ka talaga?!"

Excited na sabi ng batang babae.

Nagtatakang tumango si Nemesis.

Nagulat ang dalaga nang sumayaw ito at tumalon-talon. Winawagayway pa ng bata ang kamay sa ere habang kumekembot.

Mahinang natawa si Nemesis.

"Yes! Thank you Lord! Sa wakas may benta na rin."

Natatawang lumapit muli ang bata kay Nemesis.

"Thirty lang po."

Magiliw na sabi ng batang babae.

Tahimik namang kumuha ng pera si Nemesis. Kumuha siya ng fifty pesos at inabot sa bata.

"H'wag mo na 'ko suklian. 'Yung bente, ibili mo ng kwekwek kay manong."

Mahinahon na sabi ni Nemesis pagkatapos tinuro ang matandang lalaki na nagtitinda ng street foods sa may hindi kalayuan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Comes From Sunset Where stories live. Discover now