2.

6 0 0
                                    

"After class, samahan mo 'ko kumuha ng postal I.D?"

Tiningnan ni Nemesis sandali ang kaibigan pagkatapos tinuon na ulit ang pansin sa nagpa-practice na mga basketball player sa court.

"Sige naman na oh."

Pagmamaktol ni Margot sabay kuha ng potato chips na hawak ni Nemesis.

"Titingnan ko."

Kaswal na sabi ni Nemesis.

"Alam ko na 'yan 'pag ganiyan! Ibig sabihin ayaw mo."

"Alam mo naman pala eh."

Kaswal ulit na pahayag ni Nemesis pagkuwa'y sumubo ng potato chips.

"Kainis.."

Gigil na bulong ni Margot.

Ngisi lamang ang naging tugon ng dalaga rito.

Talagang essential sa mga freshman student ang pagsisimula nang kumuha ng mga valid I.Ds. Katulad ni Nemesis na 19 pa lang, may tatlo na itong valid.

"Isipin mo na lang,"

Paunang sabi ni Nemesis habang mataman na nakatingin sa may hawak ng bola.

Isang iglap lamang, ang bolang kaninang hawak ay naglanding na sa ring.

Shoot!

"Malas ka."

Dugtong ni Nemesis.

Tumayo na ang dalaga, pagkatapos, itinapon ang plastik na pinaglagyan ng potato chips sa tamang basurahan.

"At bakit ako malas?"

Ngumisi si Nemesis sa tanong ng kaibigan pagkuwa'y nagsimulang maglakad.

"Hoy, ano na naman pinagsasasabi mo!"

Nilingon niya ang kaibigan. Umiling.

"Kasi nasa Pilipinas ka. Sandamakmak ang kailangan na valid I.D at para makakuha ka nito, kailangan mo rin ng valid I.D"

Aniya sabay kindat sa nakatulalang kaibigan.

Totoo naman, matagal nang naiisip ni Nemesis kung gaano kapangit ang sistema ng bansa. Minsa'y naitanong na niya sa sarili kung bakit siya naging Pilipino.

-----

"Hindi mo talaga ako sasamahan?"

"Kaya mo na 'yan."

Tinatamad na aniya ni Nemesis pagkuwa'y hinila si Margot para sa isang beso.

Nakasimangot at nagmamartsa naman si Margot habang naglalakad papuntang LRT station.

Natatawa namang sinipat ni Nemesis ang relong pambisig.

Mag a alas-singko na.

"Gomez, sama ka sa'min?"

Nakasalubong ng dalaga ang ilan niyang blockmates.

"Next time na lang siguro, may pupuntahan kasi ako."

"Sige sige, ingat!"

"Kayo rin."

Hinintay muna ni Nemesis na makalakad paalis ang mga kaklase bago pumara at sumakay sa bus.

Sa hindi malamang dahilan, tiningnan ng dalaga ang chat box nila ni Quatro Guevarra.

Na mangyaring lumipas na ang apat na araw, ngunit wala itong paramdam. Mali nga namang umasa na mag me-message muli ito sa kaniya pagkatapos niya itong i-seen lamang.

"Top.."

Bulong niya sa sarili.

Binisita niyang muli ang wall nito. Puro videos ang laman, na kung saan kumakanta ng orihinal na komposisyon at nag co-cover din ng mga kanta.

Love Comes From Sunset Where stories live. Discover now