X

1.5K 101 67
                                    

Marahas na napakurap si Imelda at tumayo ng matuwid.

You're crazy, Imelda. 

Natutulog yung tao, pinagpapantasyahan mo.

Mahina nyang tinapik ang kanyang pisngi bago nya ginising si Ferdinand na mahimbing na nakatulog sa sofa.

Inalalayan ni Imelda ang binata na makaupo at sinubuan na nya ito ng niluto nyang chicken soup.

Tahimik lang na kumakain si Ferdinand pero kitang-kita sa kanyang mga mata ang kasiyahan sa ginagawa ng kanyang Personal Assistant. He never experienced being pampered kaya ganun nalang ang tuwa na kanyang naramdaman.

'You're really not joking when you said you can cook, Imelda.'

'Tama talaga na ikaw ang Personal Assistant ko.' Ngumiti naman si Ferdinand at hinawi lang ang buhok na nakatabon sa kaliwang pisngi ni Imelda.

Napako naman sa kanyang kinauupuan si Imelda at parang pakiramdam nya ay nag slow mo ang galaw ni Ferdinand.

They're just staring at each other's eyes. 

Nauna ng nag-iwas ng tingin si Imelda at itinuon ang pansin sa pagkain. Sinubuan na nya ulit si Ferdinand at parang pinaglalaruan nga naman ng sariling mga mata si Imelda dahil sa diritso syang napatingin sa plump lips ni Ferdinand. Ang bawat buka at tikom nito, ang bawat pagdila ni Ferdinand sa kanyang mga labi ay sadyang nakakapanghina para kay Imelda.

'Imelda?' mahinang tawag ni Ferdinand ng mapatulala si Imelda at maya-maya ay napapalunok ito.

'Aray!' reklamo ng natauhang si Imelda ng pinitik ni Ferdinand ang kanyang noo.

'What was that?' naiiritang tanong ni Imelda.

Oo nga at Secretary/Personal Assistant sya ng binata pero wala itong karapatang saktan sya. Wala ito sa kontrata nila!.

'Kanina ka pa nakatulala. What are you thinking?' nakasimangot na tanong ni Ferdinand.

Napayuko nalang si Imelda at nag-iisip ng palusot.

'Ah, naisip ko lang kasi kung ano ng nangyayari sa opisina. Baka bukas ay babalik na naman yung babae.' 

'She's taken care of. Don't worry. Just focus on your job and we're good.' malamig na sagot ni Ferdinand.

'Sino ba kasi yun, Sir?' mas lalong nainis si Ferdinand, hindi dahil sa pagtatanong ni Imelda kundi sa pagtawag nito sa kanya ng 'Sir'. Ilang beses na nya itong sinabihan na Ferdinand ang itawag nito sa kanya kapag sila lang dalawa.

Hindi na umimik si Ferdinand at muling humiga. Maingat naman syang pinainom ni Imelda ng gamot at pagkatapos ay inalalayan ang binata na makapunta sa kwarto at doon na magpahinga.

Hindi na umalis si Imelda at binantayan nalang nya ang kanyang boss. Hinintay nyang humupa ang lagnat nito at ipinagluto na din nya ito ng hapunan. 

Imelda decided to check her company phone pati na rin ang kanyang laptop. Ganun nalang ang kanyang gulat sa dami ng missed calls nya kay Giovanni at ang iba ay pulos na emailed documents na kailangan nya pang iprint upang mabasa ng boss nyang may sakit. 

As she submerged herself into her work, hindi na namalayan ni Imelda na nakatulog na sya at nakayuko lang ito habang nakapatong ang kanyang mga kamay sa kanyang laptop.

**

Ferdinand woke up feeling better. Hindi na sya mainit at lalong hindi na masakit ang kanyang ulo.

Dahan-dahan syang lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina para sana uminom. Napatigil na lamang ito ng makita nya si Imelda na nakatukod ang mga kamay sa kanyang pisngi at napapapikit itong nakatuon ang atensyon sa kanyang laptop.

He watched her with a hint of amusement in his eyes. Mahusay talaga magtrabaho ang kanyang Secretary. Napatunayan na ni Imelda iyon in her first week of working as his Secretary/Personal Assistant. Pero hindi mapigilan ni Ferdinand ang mapangiti sa hitsura ni Imelda.

Ah, cute.

Imelda is very hard-working at kitang-kita ni Ferdinand iyon, antok na antok na ito at ramdam nya ang bigat ng talukap ng mga mata ni Imelda but she chose to work kahit nasa penthouse ng binata ito.

Nakahalukipkip lang si Ferdinand na sumandal sa gilid ng pintuan ng kusina, minamasdan nya hanggang sa nakatulog si Imelda. Mabilis naman na lumapit si Ferdinand sa dalaga at sinalo ang noo nito mula sa pagkauntog sa lamesa. 

Nanghihina man ay pilit nyang binuhat si Imelda at doon na pinatulog sa kanyang kwarto. He placed her gently on the bed at kinumutan nya ito.

Malayang napagmasdan ni Ferdinand ang maganda at maamong mukha ni Imelda. Mas malapitan nyang natitigan ang taglay nitong ganda. May eyebags man ang dalaga ay hindi iyon nakabawas sa ganda nito.

'I wonder what you're thinking when you saw me at the Red Room.' napangiti si Ferdinand sa ala-alang iyon. He clearly remembered the desire in Imelda's eyes habang nakatitig ito sa hubad nyang katawan. Malinaw parin para kay Ferdinand kung paano napalunok si Imelda noon.

'I wonder if you'll stay  the way you are to me if you'll know how bad I am.' mapait na napangiti si Ferdinand. 

I kill and destroy lives. Will you accept and embrace my aching heart if you'll know?

Alam nya sa sarili nya that he cared for this woman, the only woman who made his heart skip a beat who is now lying on his bed, pero takot si Ferdinand. Takot syang madamay si Imelda sa kung anong buhay mayroon sya. Takot syang magaya si Imelda sa mga magulang ni Ferdinand na nakita nyang unti-unting nawalan ng buhay ang mga ito.

Yes, he witnessed how they tortured his parents. He witnessed how his mother was molested. He witnessed how his father cried that very night begging to let go of his wife, Madam Josefa. 

Ferdinand was haunted by his past, his very traumatic past.

Napailing naman ulit si Ferdinand at tahimik na tumingala sa kisame. He longed for genuine happiness and that he find it in Imelda, sa simpleng pag-aalaga nito sakanya made his heart melt.

'I don't know why but I am more on being myself if you are around.'  muling bulong nya ng tinitigan nya ang natutulog na si Imelda. 

He gently squeezed Imelda's delicate hands and kissed it.

Inayos na ni Ferdinand nag kumot at pinatay ang ilaw bago lumabas ng sariling kwarto. Yes, he is a fucker but he never takes advantage to those who are weak at mas lalo na kay Imelda. 

He wanted Imelda so bad pero ayaw naman nyang biglain ito.

Nagtungo na si Ferdinand sa kabilang kwarto at doon na nagpahinga. 

Walang emosyon ang mga mata ni Ferdinand na pumasok sa kwarto. His Mom's room to be exact. 

Pasalampak syang naupo sa kama at diritso lang ang tingin sa sahig. This room reminds him of so many things about his Mom. Inilibot nya ang kanyang paningin at matipid syang napangiti ng makita ang larawan nilang tatlo ng kanyang mga magulang. They used to be happy, very happy family.

Nilapitan nya ang frame at kinuha iyon. Matagal nyang tinitigan ang larawan at bumalik ang masasayang ala-ala noong bata pa lamang siya. 

Halo-halong emosyon ang naramdaman ni Ferdinand. Lungkot, galit, paghihinagpis, pangungulila at paghihiganti.

Nanginginig ang mga kamay nyang hinaplos ang nakangiting larawan ng kanyang ina. 

'Ma, I'm sorry. Wala akong nagawa.'

Ferdinand wept until the last drop of his tears.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 13, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In Love With The Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now