VIII

1.2K 85 148
                                    

7:05 AM na ng makarating si Imelda sa trabaho. Late na sya nagising at dumagdag pa ang traffic.

"You're late." Bungad sa kanya ng kanyang boss habang busy ito sa mga papel.

"Sorry, Sir. It's just that the traffic is extra heavy today." Sagot ni Imelda. "Tsaka 5 minutes lang naman." Bulong nito sa hangin.

"Bumili ka ng kape. Cà Phê Trung to be specific."

Hindi pa nga nakaupo, agad naman na umalis si Imelda upang magtungo sa pinakamalapit na coffee shop.

Halos 30 minutes na naglakad si Imelda pero walang available na Cà Phê Trung . Masakit na ang mga paa nya dahil sa suot nyang stiletto pumps at kanina pa sya naglalakad. Kahapon pa masakit ang kanyang mga paa at binti dahil sa halos buong araw syang nakatayo bunga ng sya ang nag present ng reports ng boss nya at ang dami pang pinapaprint sakanya.

"Tarantadong boss, isa akong Architect, topnotcher tapos ito inutusan lang bumili ng kapeng ewan ko kung saan hanapin. Yawa ka talaga, akala mo naman sinong gwapo, pangit ng ugali." Marahas nyang pinunasan ang luhang namumuo sa kanyang mga mata.

Biglang nag ring ang cellphone na bigay ng boss nya.

[Where the hell are you, Imelda?!]

"With all due respect Sir, ang hirap hanapin ng kape mo! Ang sakit na nga ng paa ko." Hindi na mapigilan ni Imelda ang mapahikbi.

Natahimik naman ang boss.

[Are you...okay?]  Puno ng pag-aalala nitong tanong na hindi na napansin ni Imelda.

"Yes, Sir." Sabay irap ni Imelda

[Are you sure? Forget about the coffee and get back here...please.]

"Malapit nako sa isa pang coffee shop, susubukan ko dun Sir."

[Alright, be careful.]

Hindi na sumagot si Imelda kaya ay binababa na ni Ferdinand ang tawag.

"Minsan talaga itong mga lalaki gwapo na sana pero tanga naman. Ay teka? Pangit pala sya. Jusko!" Padabog na naglakad si Imelda at binitbit nalang nya ang kanyang stiletto.

Kung saan pinaka malayong coffee shop mula sa building na kanyang pinagtatrabahoan ay doon rin naman siya nakahanap ng Cà Phê Trung.

Ng maka order na si Imelda ay agad na siyang bumalik sa opisina ng boss nya na nakapaa lang.

Paglabas ng elevator ay agad nyang nakita ang boss nyang di mapakali sa labas ng opisina nito. Napalingon ito kay Imelda at huminga ng malalim.

Mabilis itong naglakad papalapit kay Imelda at kinuha ang dala nyang kape at bigla sya nitong binuhat in  bridal style!

Hindi na nakapagsalita si Imelda dahil sa gulat nya. Nakatunganga lang sya habang pinagmasdan ang boss nyang nagtiim ang bagang.

Pinaupo nya si Imelda sa swivel chair at mabilis itong nagtungo sa banyo.

Paglabas ni Ferdinand ay may dala itong first aid kit.

Bigla nalang itong lumuhod sa harapan ni Imelda at ipinatong ang paa sa kanyang thigh.

Napaigtad si Imelda ng nahawakan ni Ferdinand ang napaltos nyang paa.

Nagtiim na naman ang bagang ni Ferdinand ng makita nya ng malapitan ang paa ni Imelda.

This is your fault!  Sigaw ng isip ng Ferdinand.

Maingat nyang ginamot ang sugat ni Imelda at nilagyan ng plaster.

In Love With The Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now