Ch. 4 [Aftermath]

4.7K 37 7
                                    

+++++

Ch. 4 [Aftermath]

+++++

     "KUMAIN ka na muna.." Sabi ko kay Raf pagbaba niya ng hagdan. Oo, kasal na kami. May dalawang linggo na. Kakatapos lang kasi ng birthday ko, isang buwan na ang nakakaraan, na isinabay na sa kasal namin sa huwes. Humiwalay kami ng bahay sa mga magulang namin at hindi ko makayanan kung paano siya nanlalamig sa akin. Ang sakit pala. Ang ipinagtataka ko lang, kasalanan naman niya ang lahat. Sumunod lang ako sa gusto niya at sa gusto ko ring mangyari pero wala akong maisip na naging kasalanan ko.

          Dapat nga, ako pa ang magalit. Dahil sa nangyari, nagalit sa akin si tatay. Napahiya siya sa mga kasamahan niya. At ako ang nahihiya para sa kanya. . .

          "Kapitan, may naghahanap po sa inyo, kasama po ang anak niyo.." Pandalas ng takbo si tatay sa may entrada ng aming bahay.

          "O, Jeramie, anak!" Bati niya sa akin sabay yakap. "Nag-alala ako para sayong bata ka. San ka ba nagpupu-punta? Hindi pa bumabalik ang ibang tanod kakahanap sayo." At nakokonsensya ako.. Gusto ko na lang pumasok ng bahay at mag-iiyak sa kwarto. Bumaling si tatay sa mga nasa likod ko: sina Tito Jaime at Tita Yv, pati na rin si Rafael. "Ano po ang kailangan niyo?"

          "Magandang umaga po. Gusto po namin kayong makausap, kapitan." Sabi ni Tita Yv. Hinatid ni Tatay sina Tita Yv at Tito Jaime sa loob ng bahay. Kung mayroon man akong narinig na sinabi ni Tito Jaime, yun ay nang mag-usap sila ni Tita Yv habang nasa may terrace ako.

             "Magandang umaga po. Malamang po ay hinahanap niyo si Jeramie buong gabi."

             "Opo." Tugon ni tatay. "Hinahanap siya ng mga tauhan ko... Nasa inyo ba siya?" Nakangiting sabi ni tatay.

             "Pwede pong pag-usapan na lang natin sa loob?" Si tita Yv pa rin.

         Kinakabahan ako na hindi maintindihan. Nahihiya ako sa nangyari pero wala na akong magagawa. Nang pumasok na sila sa loob, nagpaiwan ako dahil nasa may huli si Rafael.

             "Seryoso ba sila? H-Hindi ba sila pwedeng pigilan?"

             Tumitig siya sa akin. "Nangyari na, Jem. Wala na tayong magagawa." At nilampasan na niya ako.

             Wala akong nagawa kundi sumunod. Wala man lang "sorry" dahil siya ang nagdala sa akin sa ganitong sitwasyon? Kasalanan naman niya talaga. Haiyy. Kasalanan naming dalawa.

           Pagpasok ko sa loob ay nag-uusap na pala silang matatanda. Galit na tumitig sa akin si tatay.

             "Hindi po kami pabor kung walang kasalang magaganap, kapitan."

         "Hindi rin ako papayag kung wala talaga." Itinuro ni tatay si Rafael. "Siya ba ang inyong anak?"

              Tumingin si Rafael sa tatay. "Magandang umaga po."

              Walang pag-aatubiling sinuntok ni tatay sa mukha si Rafael. Nakita ko na lang na dumugo ang nguso niya. "TAY!" Sigaw ko. "Ano pong ginawa niyo?"

               Napangiti si Tita Yv at humarap sa akin. "Jeramie, anak. Kailan niyo gustong ikasal?"

               Nagulat ako. Ikasal? Agad? "Ikinalulungkot ko, pero wala pang 18 si Jeramie. Pagtuntong na lamang niya sa edad na iyon. Kakausapin ko muna siya tungkol sa bagay na ito."

Over The Counter Drugs: BYGONE [M-SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon