DIARY ENTRY #51

6 0 0
                                    


DIARY ENTRY #51

Dear Diary,

I think imposibleng mangyari yung plano ko noon. Not after those events happened.

Goodness! So kasalanan ko kung ba't nagkagulo-gulo yung something namin noon? What the hell, Zoe?

Seryosong gulong-gulo na ako, diary. That Ball—when he said na hindi naman daw nawala.

Diary, andaming pumapasok sa isip ko. Feeling ko mali yung naaalala ko, na baka pinaglalaruan lang ako ng isip ko kasi alam ko sa loob kong yun ang gusto kong marinig sa kanya.

Tapos yung sa Star City, hayaan ko lang na mahulog ako kasi nandoon naman siya para saluhin ako. Totoo ba 'yun? O gawa-gawa lang ng imahinasyon ko?

Hindi ko naman kayang tanungin siya kung ano ba yung totoo kasi... kasi hindi ko alam kung paano ko tatanungin, kung anong magiging reaksyon ko kung sabihin man niyang totoo 'yun, kung paano tatanggapin ng puso ko kapag sinabi niyang hindi naman totoo.

Naguguluhan na ako, Diary. Napapagod na akong mag-isip nang mag-isip. Bahala na nga. Hayaan ko na lang muna. Para naman kasing may magbabago.

By the way, grade 11 na ako at kaklase ko pa rin siya.

Zoe

Dear Goodbye... [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat