DIARY ENTRY #27

5 1 0
                                    


DIARY ENTRY #27

Dear Diary,

Alam mo ba? Kinakausap pa rin ako ni Kaine. I mean... parang hindi siya nat-urn off sa part na napaka-iyakin ko. Sana nga lang 'di ko na ulit ulitin.

Oh well, so I have new news. Goodness! I can't even lose the grin on my face right now habang inaalala yung nangyari.

Anyways, kaninang umaga, naunang pumasok sa akin si Kaine and then, nakasandal siya sa upuan niya and well, he was sleeping... I think. Basta nakatakip yung jacket niya sa face niya. Tapos akong hindi malaman kung saan nakuha ang lakas ng loob syempre lumapit ako sa kanya. Tapos, Diary! OMG! Nilapit ko yung face ko sa kanya! Like, Diary! Super konti na lang yung space between my face and his!

Pero alam mo kung ano yung pinaka-nakakaloka? Diary! Bigla niyang hinatak pababa yung jacket niya! So OMG! Nawala yung kaisa-isang harang sa gitna ng mga mukha namin. And there I was, unmoving, just freaking staring at his eyes! Ganon din siya, Diary! Pareho lang kaming nakatitig sa isa't isa! Para kaming naestatwa.

Myghad, Diary! Hiyang-hiya ako nung mga panahong iyon. Siya ang unang-unang nakabawi sa nangyari and he asked me, "Enjoying the view?" Agad akong napatikhim at inilayo yung face ko sa kanya. I swear, Diary! Pulang-pula ang face ko nung mga panahong 'yun. Ba't ko ba naman kasi naisip na gawin 'yun eh?

Pero ayun nga, Diary, sa huli tuloy, bumalik na lang ako sa upuan ko nung umagang 'yun, pinagsisisihan ang desisyon ko—charot one-half ehehe hindi kaya ako magsisisisi duh. Minsan lang 'yun 'no! Mala-Wattpad ang feels ko kanina kaya why magsisisi?

Pero, Diary! Hindi roon nagtatapos ang lahat! Jusko! Kasi nga diba! Bumalik na ako sa pwesto ko tapos sa sobrang hiya, ginaya ko yung posisyon ni Kaine kanina, but this time book ang ipinangtatakip ko with matching pikit ng eyes.

Jusko, Diary! Alam mo kung anong next na nangyari? Syempre hindi, wala ka naman nun eh—joke lang, Diary hehe baka magtampo ka eh.

Eto na nga, Diary. Eh nangalay na ako sa pwesto ko, ansakit na ng leeg ko so dapat lilipat na ako ng posisyon kaya naman tinanggal ko yung naka-takip sa face ko tapos... tapos, Diary! Ayun lang naman yung mukha niya!

Kaine was doing the exact same thing I freaking did, Diary! Nakalimutan ko atang huminga nung mga oras na 'yun.

Tapos alam mo kung anong ikinamatay ko? Nung bigla siyang ngumiti habang nakangiti sa akin while saying, "I'm just getting back at you. Fair and square." He even chuckled, Diary! At nung mga panahong 'yun, double dead na ako.

Nawawala ang lakas ng loob,

Zoe

Dear Goodbye... [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora