Chapter 31

855 68 8
                                    

I puckered my lips at kumuha ng maliliit na bato tsaka iyon binato sa malayo, sinama ako ni Kuya August sa Rice mill kagaya ng ginawa niya sa bukid ay pinakilala niya din ako sa mga workers dito. Wala akong magawa busy kasi ito sa pagtulong magbuhat ng mga sako para ilagay sa truck kung ako ang utusan nitong magbuhat ay baka abutin ako ng kalahating oras ang bigat kaya! hindi pumasok sa isip kong gagawin ni Kuya August ang mga ganitong gawain dahil noon uro kasiyahan lang kasama ang mga kaibigan ang nasa isip niya at idagdag nadin ang pambababae, ang laki ng pinagbago niya....



Nagpagpag ako ng dalawang palad at nilapitan ang lamesang gawa sa kawayan at inabot ang basong walang laman, napatingin sa akin si Mira buntis ito at ang ama ay yung kaibigan ni Kuya August na si Joseph na nagtarabaho dito sa Rice mill, Mira smiled at kinagatan ang mangga na galing sa manggahan ni Kuya August, nanginig ako sa asim na kinatawa nito...maganda si Mira, mahaba ang buhok na abot sa tagiliran at mahaba ang pilik mata, morena ito at matangkad, mabait din siya na mas nagpadagdag ng kagandahan niya.



Umupo ako sa harapan nito at itinaas ang isang paa



Napansin kong papaubos na ang mangga nito kaya pinagbalat ko siya....hindi ko alam kung pinaglilihian ba niya ako o ano, dahil simula nang magtungo kami ni Kuya August dito ay hindi na niya mahiwalay ang tingin sa akin at sa way ng pagtingin niya sa akin para bang nakita niya ang paborito niyang artista.



"Here" kinuha nito ang nabalatan ko ng mangga



"Nag abala ka pa Noah" she giggled "napakaanda ng buhok mo...ngayon lang ako nakakita ng ganiyang kulay na buhok, pwede bang mahawakan?"



Ngusong tumango ako at inilapit ang ulo sa kaniya, nagningning ang kaniyang mga mata nang suklayin niya ang buhok ko gamit ang kaniyang mga daliri.



"Ang lambot" ngiti nitong sabi



"Naku Noah pinaglilihian ka ata ng asawa ko" hinalikan ni Joseph sa noo si Mira



Breaktime na pala nila, binitawan na ni Mira ang buhok ko kaya umayos na ako ng upo at nilingon ang pwesto ni Kuya August, nasamid ako sa sariling laway ng itaas nito ang dulo ng damit upang ipampunas sa mukhang pawisan, may tuwalya naman kaming dala kanina bakit kailangan pang ipampunas yung damit niya ? nagpapa impress nanaman ba siya kay Isabella? gusto ba niyang ipakita yung maganda niyang katawan kay Isabella? yes, nandito yung babaeng may gusto kay Kuya August at pinsan ito ni Mira, may dala nanaman siyang basket na may lamang mirienda para sa mga workers, kulang nalang ay magsuot siya ng pulang kapa para naman maing red riding hood na siya.



"Napaka kisig talaga ni Boss" umupo sa pwesto namin si Job Job, isa ding trabahador ng Rice mill "batak na batak!"



"Batak na batak din ba sakin mahal?" nagflex si Joseph sa asawa

Stolen HeartKde žijí příběhy. Začni objevovat