Chapter 30

855 61 15
                                    

Nakalagay na ang chin ko sa dalawang palad at tamad na pinapanood ang mga magsasaka sa kanilang ginagawa, wala nang pang itaas na damit si Kuya August gusto atang ibalandra sa dalaga na kanina pa nakatingin sa kaniya, dahan dahan lang sa pagtitig dahil baka matunaw siya tulungan mo muna kaya yung lola mo na mag ayos ng lamesa.







Napaikot ako ng mata nang mahuli ko si Kuya August na napatingin sa direksyon ko, may tuyong putik sa dibdib nito habang basang putik naman sa kaniyang pang ibaba, kakaligo niya lang nagdumi nanaman siya nagsasayang lang ng tubig, bumuntong hininga ako at tumayo na, gusto ko nang magpahinga....







Hindi na ako nagpaalam dahil busy silang lahat, nagsimula na akong maglakad pinulot ko ang may kahabaang stick na nasa lupa at ginawang baston, minsan patigil tigil ako dahil gumuguhit ako sa lupa, alas kwatro na ng hapon matagal din ang ginawa kong panonood sa mga magsasaka at sa kaniya hindi ko namalayan ang oras. Tumakbo na ako kasabay ng pagbato ng stick sa malayo, tinaas ko ang dalawang kamay at napangiti dahil sa preskong hangin na tumatama sa mukha ko, nakakamiss naman sa mga ganitong lugar.






Naligo muna ako bago pabagsak na inihiga ang sarili sa kama kahit na basa pa ang buhok, tinatamad na akong magpatuyo ng buhok inaantok na ako, pagod na ang mga mata ko.







Dumapa ako at inabot ang isang unan







"Ano kaya ang ulam mamaya----wahh" muli akong humikab







Pinikit ko na ang mga mata at nilamon na ako ng kaantukan.







There's a pen behind his ear while holding a notebook and talking to one of his workers, nandito sila ngayon sa sala, kakagising ko lang ipagpapatuloy ko pa sana ang pagtulog pero hindi pumayag ang tiyan ko kailangan ko nang kumain.







"Alita, right?"







"O...Opo Sir" tumango ito







Kukuhanan na niya ako ng plato pero inunahan ko na siya







"Ipagpatuloy mo na yung ginagawa mo, kaya ko naman mag serve ng pagkain para sakin" wika ko







"Kung may kailangan po kayo tawagin niyo nalang po ako" ani ni Alita at bumalik sa pag huhugas ng mga kalderong ginamit sa pagluluto







Kumuha ako ng kanin at ulam na adobo, nang makaupo ay napatapik tapik ako sa lamesa at sinilip kung tapos na ba ang pag uusap, tapos na ba siyang kumain? Kinurot ko ang likod ng palad at umiling, ano naman ba ang pakialam mo kung tapos na siyang kumain o hindi? Kaya mo naman kumain mag isa Noah.






"Dito ka na mag gabihan, Mang Ador uwian mo na din sila Isabella ng ulam"






Pumasok ang dalawa dito sa dining area, pinigilan kong tignan si Kuya August kahit na nararamdaman ko na nakatingin na siya sa akin.






Umupo si Mang Ador medyo may kalayuan sa akin







"Magandang gabi, Sir Noah" bati nito sakin







"Noah nalang po, magandang gabi din" ngumiti ako







"Napakagwapo mong binata" namula naman ako sa narinig "may girlfriend ka na ba?"







Kuya August cleared his throat at umupo sa harapan ko







"Wala pa po" i answered








Stolen HeartWhere stories live. Discover now