❦ CHAPTER 1 ❦

20 7 0
                                    

•°• FIRST MEET •°•

🎶 Unang araw pa lang minahal na kita🎶

Eme lang, gusto ko lang kumanta kasi badtrip ako ngayon. Kaya naman ba-badtripi-in ko rin ang mga tao gamit ang boses kong malakambing na hindi makairi HAHAHA. Hindi lang ako gorjas, ang brainy ko din.

First Day of School pero gusto ko na agad magbakasyon. Nakakatamad kaya pumasok kapag ikaw lang ang gorjas sa school niyo.

Like habang naglalakad ka, iirap ka nang iirap kasi ang nakikita mo ay puro naglalakad na tae.

Tapos hindi mo mamamalayan na sa sobra mong pag-irap ay naging ferris wheel na ang mga mata mo dahil sa pag-ikot HAHAHA.

Kapag ako naging presidente ng Pilipinas, 'yong dalawang buwan na bakasyon ay gagawin kong sampung buwan na bakasyon. Tapos 'yong sampung buwan na pasok ay gagawin kong dalawang buwan na pasok lang sa eskuwela para naman hindi nahihirapan ang mga estudyante na katulad ko na lang ngayon.

Ang butihin kong future President 'no? Kaya dapat ninyo akong iboto para hindi na kayo mahirapan sa mga susunod na pasukan.

Kahit na hindi naman ako tatakbo. Kapag kasi tumakbo ako, malamang na hihingalin ako at ayaw ko namang mangyari iyon kasi baka pumanget rin ang oxygen sa katawan ko eh, 'di nabawasan na ang pagiging gorjas ko 'no dzuh.

So, kahit anong paraan, in english anyway, papasok na ako ngayon sa school.

Kasama ko ang dalawa kong kapatid na sina Vianca at Vj, pati na rin si Mommy.

Oo, mommy kasi rich kid ako pero wala kaming sasakyan dahil kami lang ang sinasakyan eme.

Ano ba 'yan, Grade 5 pa lang ako pero puro kabalastugan na agad ang naiisip ko. This is Cecelib's fault. Oh, kilala mo ba 'yon? Siya 'yong nagsulat ng POSSESSIVE SERIES.

Try ninyong basahin, magugulantang kayo dahil ang Nutella pala ay hindi pinapalaman sa tinapay. Pinapahid pala iyon sa katawan sabay didilaan.

Okay, balik tayo sa paghatid sa amin ni Mommy kahit na hindi ka binalikan awtz, peyn, pighati, kirot, lumbay.

By the way, in tagalog bumili ng daan. Did you know? In tagalog nalaman mo ba na ang spelling ng "ok" ay hindi "ok"? Dahil ang tamang spelling ng "ok" ay "okay" hindi "ok" okay?

So, ayon nga habang naglalakad kami papunta sa school. Nadaanan namin 'yong bahay ni Ma'am Nelia na teacher ko noong Grade 1 at Grade 4.

May alaga silang parrot na nakakulong sa hawla na nakasabit sa labas ng bahay nila.

Kawawang parrot ginawang bilanggo. Kung ako ang amo niyon, hindi ko siya ikukulong. Ibibigti ko siya para hindi na siya nahihirapan sa mundong ito. Oh, 'di ba hindi lang ako gorjas. Ang kind ko rin HAHAHA.

So, ayon nga. Noong napadaan kami biglang tumingin sa akin 'yong parrot. Tapos nagsalita siya, ang sabi niya "Ganda, ganda!" Oh, pak. Pati parrot nagagandahan sa akin. Haizt ang gorjas ko talaga.

NASA school na kami ngayon. Una naming hinatid si Vj, Grade 1 na siya. Sumunod naman naming hinatid si Vianca, Grade 3 naman siya.

Pagkatapos namin silang ihatid na dalawa ay hinanap na namin ni Mommy 'yong room ko.

Nagkaganda ligaw-ligaw pa kami ni Mommy dahil ang daming room dito at ewan ba namin kung nasaan ang para sa Grade 5. Kaya naman nagtanong-tanong na lang kami sa ibang mga nanay na nakakasalubong namin.

Nasa tapat na kami ng pinto ng room ko at naabutan namin 'yong magiging adviser ko na nagsasalita sa unahan.

Mukhang nagpapakilala siya, pero ano bang pake ko eh mana nga ako kay Althea Josefa na plastik at snob sa personal hmp!

Taste Of Love (Elementary Series 1: On-going)Where stories live. Discover now