CHAPTER TWO: Tulong, please?! ⇈

49 2 0
                                    

CHAPTER TWO:

*AFTER TWO MONTHS AND THREE WEEKS.*

CHASE'S POV.

*Brriiing! Briiiiing!* (Tunog ng alarm.)

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Kaya gumising na ako. Ginawa ko na morning rituals ko.

PUNTA SA C.R.

LIGO.

SUOT NG UNIFORM.

AYOS NG BUHOK.

Pagkatapos gawin ang morning rituals ko ay bumaba na ako para kumain. Nakita ko na naghahanda ng pagkain si mommy sa mesa.

"Mommy tulungan na po kita dyan. :)", sabi ko sa kanya habang papalapit sa mesa.

"Wag na, kumain ka na lang dyan at baka malate ka pa eh!", sabi sa akin ni mommy. Kaya umupo na lang ako at nagsimula ng kumain.

Pakatapos kung kumain ay nag tooth brush na ako at  nagpaalam na ako kay mommy at tinawagan na ang aking bestfriend.

*Shzang...*

"San ka na?" tanong ko sa kanya.

"Papalabas pa lang ng bahay, ikaw?", sagot niya naman sakin.

"Dito na ako sa labas, bilisan mo na!", sabi ko sa kanya at saka binabaan siya ng tawag.

Nakita ko na siyang palabas ng bahay nila kaya nilapitan ko na siya.

"Tagal mo naman!", sabi ko sa kanya na medyo malakas ang boses.

"Grabe ka naman! Hindi ka naman masyadong excited eh noh?", sabi niya sa akin.

"Tssss... ayaw ko lang talaga nalalate! Hindi ako katulad mo! :P Baka nga kapag hindi ka sumasabay sa akin, lagi kang late eh.", sabi ko naman sa kanya.

"Meron naman kasi tayong mga driver na pwedeng maghatid satin tapos gusto mo pang maglakad na lang parati, hindi ka man lang ba napapagod?", tanong niya sa akin habang nakamot sa ulo.

"Hindi.", yun lang sinagot ko sa kanya kasi baka humaba pa usapan namin.

Malapit na kami sa Muhlenberg University kaya binilisan na rin namin kasi malapit na rin namang magsimula ang klase namin.

******

YUEN'S POV.

Nakita ko na papasok na sa classroom namin sina Chase at Shzang. Kinawayan ko sila. Umupo na sila malapit sa akin kasi katabi ko lang din naman sila.

"Guys, andyan na si Ma'aaaaam!", sabi ni Jujuber, kaklase namin habang papunta na rin siya sa upuan niya na nasa first row lang din.

Tumahimik na ang buong klase at hinintay ang pagpasok ni Ma'am Mindy.

"Good Morning class!", sabi ni Ma'am Mindy habang hinihila ang plastic chair niya papasok.

"Good Morning Ma'am Mindy! It's nice to see you again.", sabay-sabay naming sinigaw ng nakangiti. Ü

"Okay class, tapusin niyo na ang mga unfinished business niyo dyan. meron pa akong gagawin dito. Make yourself busy!",  sabi ni Ma'am habang paupo na siya sa upuan na hila-hila niya kanina.

Kumuha na sila ng libro at notebook para gumawa ng reviewer na hindi pa nila natatapos. At ako naman ay kumuha na rin ng libro at notebook. Pero hindi ako gagawa ng requirements dahil tinatamad ako. Hahahaha! :D Kunyari lang 'to. ;) Baka kasi kapag nakita niya akong walang ginagawa ay bubunganga-an niya ako.

Aim High ⇈ (Ongoing~)Where stories live. Discover now