CHAPTER ONE: 3 months left! ⇈

88 4 0
                                    

CHAPTER ONE:

CHASE'S POV.

*Brrrrrring, brrrriiiiiing*

"Urgh, ano ba yan?! Ang aga-aga eh." (Sabay tingin sa clock.)

"Nakooooooo! Nako, lagot! Tatapusin ko pa pala yung powerpoint na ginawa ko! Baka hindi ako makagraduate ne 'to. Bakit ba kasi ang terror nung teacher namin!", malakas na sabi ko. At dahil dun, nagising si mommy, na nasa tabi lang ng kwarto ko yung kwarto niya. Ang OA ko talaga naman kasi.

"Ano na naman ba yang kadramahan na yan?", naiinis na sabi ni mommy.

"Wala po yun mom, tulog na lang po kayo ulit.", palambing na sagot ko kay mommy.

Shemay! Kailangan ko pa nga pa lang matapos yung thesis namin para sa oral defense mamaya. Bakit ba kasi ako lang ang gumagawa ne 'to?!

Humarap ako agad sa laptop para tapusin yung slideshow na ginawa ko kagabi.

After 30 mins., natapos na 'ko.

Kasi parang inedit-edit ko nalang siya at dino-double check kasi lahat naman kasi ng mali napapansin nung teacher namin! -_- Buti na nga lang nakapagalarm ako ng maaga. Kundi, lagot! Hinanda ko na ang mga gamit ko para mamaya. At pumasok na ako sa C.R. para maligo.

Pagkatapos kong maligo, sinuot ko na ang aking uniform at sinuklay ko ang aking buhok. Kinuha ko na ang aking bag at bumaba na, pumunta ako na kusina para kumain. Nakita kong may nakahanda ng pagkain sa mesa na hinanda ng katulong namin. Binilisan ko ng kumain para hindi ako malate sa klase namin.

Kahit ang sarap nung pagkain kasi peyborit ko yung ham and egg sa umagahan, ay onti lang kinain ko. At nagtoothbrush na ako agad.

Pagkatapos kong magsipilyo, tinawagan ko na si Shzang upang sabay na kaming pumasok. Mas trip kasi naming maglakad kaysa magpahatid sa mga driver namin eh. Ay, oo nga pala magpapakilala pa pala  ako.

Ako nga pala si Chase Reazon, 16 years old, 4th year student. Mahilig magdrawing kaya kukunin kung course ay civil engineering. Half filipino and half korean. Black belter rin ako para maipagtanggol ko ang aking sarili kung may gustong magtangka ng masama sakin.

At ang aking childhood bestfriend naman ay si Shzang Lee 16 years old lang din siya at kaklase ko siya. Half filipino at half korean din. Parehas kami ng pangarap na maging civil engineer. Kaya nagkakasundo kami at plano naming tapusin ang course namin ng sabay! :)))

SHZANG'S POV.

 Kakatapos ko lang ihanda ang sarili ko kasi Lunes na naman. -____- "Ugh, I hate Mondays!", nag-iinarte kong sabi.

Nang biglang tumunog phone ko. "Bes Chase Calling..."

Sinagot ko naman 'to agad. "Hello? San ka na?", tanong ng bestfriend ko na parang nagmamadali.

Takutin ko nga, hahaha! :D "Eto, kakagising lang, bakit? Ang aga mo naman?" Seryosong sagot ko, kahit natatawa na talaga ako. Hahahaha!

"Haaaa?", parang galit na sabi niya.

"Eto na ako oh, hinihintay ka. Ang tagal mo kasi eh, di ba? Hahaha.", natatawang sabi ko. Sabay baba nung phone ko at bumaba na rin galing sa kwarto ko. Pagbaba ko ay nagpaalam na ako kay mommy at daddy at pumunta na agad sa tapat ng bahay namin, which is kina Chase.

Kasi nga 'di ba? Magkalapit lang talaga bahay namin kaya naging childhood bestfriend ko siya.

Nakita ko siya kaagad kaya nilapitan ko na siya at nagsimula na kaming pumunta sa Muhlenberg University. Nagkukwentuhan kami habang naglalakad.

Aim High ⇈ (Ongoing~)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon