𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝙴𝚒𝚐𝚑𝚝

884 54 4
                                    

"Nakuha mo na ba scedule mo?"Tanong ni Kea.

"Hindi pa kukunin ko palang." Sagot ko at agad na sinukbit ang bag ko sa kabilang balikat ko.

Kakatapos lang namin nang practice at hindi sumipot ang napakagaling naming coach. Matapos niya akong tanggihan, 'di s'ya magpapakita.Tsk!Nice..

"Sabay nalang tayong kukuha, hindi ko pa kase nakuha akin e."I just nod as a response. At na una nang naglakad.

"Hindi ba nag text ni coach sayo kung bakit hindi siya naka attend nang practice kanina?" Tanong niya na kinainis ko.

First day palang naman ngayon at wala pang masayung estudateng dumadaan dahil maaga pa naman.

"Do you think she would text me? Pag-uusap nga 'di magawa text pa kaya." Inis kong sagot sa kanya.

"Oh! Ba't naiinis ka?Nagtatanong lang naman ako ah." Kunot noo nitong sabi.

"Tanong mo sa mama mo".

"Alam mo wala ka talagang kwentang kausap." Hampas nito sa balikat ko na kinatawa ko lang.

"Who said to you-" Hindi ko na matapos ang sasabihin ko ng mahagip nang dalawang mata ko ang dalawang taong naglalakad sa kabilang hallway. Miss Chavez,may hawak itong paper at katabi niya yung boyfriend niya.Bigla uminit ang ulo ko sa hindi malamang dahilan. Hindi siya sumipot sa practice namin dahil sa lalaking yan?

Ganun na ba s'ya ka rupok at sa kaunting suyo lang bibigay agad?

"Diba si coach yun?" Tanong niya pero hindi ko ito pinansin.

Mahigpit kong hinawakan ang bag ko dahil sa nakikita ko ngayon.Hindi ko alam kung bakit ako naiinis.Hindi ko alam bakit ganito ang nararamdam ko ngayon.

Nang makarating kami sa dulo sakto namang lumiko ang dalawa kaya nagkasalubong kami.

"Good morning coach!" Masayang bati ni Kea.

"Good morning," casual nitong sabi nang huminto ito sa harap namin. Hindi ko siya binati, ano s'ya sineswerte? matapos niya akong tarayan at tanggihan.

"Your players baby?" Tanong ng katabi niya pero hindi niya ito pinansin. I took a glance to them pero seryoso lang itong nakatingin sa amin samantala ang kasama niya ay ginawaran kami nang ngiti na mas lalo kong kinainis. Hindi mapagkaila, he has a perfect look, have perfect masculine body that fit to him.

"Yes po! Coach po namin si Miss Chavez." Ngiting sagot ni Kea dahil parang wala talagang balak sumagot ang katabi niya.

Simple kong tiningnan ito pero hindi ko inaasahan na nakatingin pala ito sakin.Ano naman ba problema nang isang ito? Pero seryoso lang itong nakatingin sakin kaya ako na ang unang umiwas.

"May you excuse us,may gagawin pa po kase kami at baka ma late po kami." Mahinahong sabi ko dahil pinipigilan ko talagang mainis sa harap nila.Hindi ko na hinintay pang sumagot sila at hinila ko na agad si Kea dahil parang wala itong balak na umalis sa harap nila.

"I couldn't attend since I had something urgent to accomplish."She spoke in a monotone.Tumigil ako sandali sa sinabi niya.Why she's explaining?."See you this afternoon". Pahabol na sabi niya at na una na silang umalis.

"Ano ba problema mo Vein? Basta basta ka nalang nanghihila hindi pa nga tayo nakapag paalam nang maayos sa kanila." Inis nitong sabi.

"Kilala mo ba ang lalaking yun?"Tanong ko matapos kong bitawan ang kamay niya.

"What a fudge Vein,'di mo kilala si Sir Collins? Siya lang naman ang anak nang president nang school na ito." Hindi makapaniwalang sabi niya."Bakit mo na tanong, type mo? Sorry kay Miss Chavez na s'ya hahahahaha"Natatawa nitong sabi.

ᴍᴀᴋᴇ ʜᴇʀ ᴍᴇʟᴛ (GxG)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang