THE AGONY OF LOVE 2

70.8K 1K 46
                                    

"It's much easier for me to make major life, multi-million dollars decisions, than it is to decide on a carpet for my front porch. That's the truth".

-Oprah Winfrey (Finance)

*****************************************

CHAPTER 2: RHEAN LOUISE

Take a break!

Nagfile siya ng one month vacation leave para asikasuhin ang properties sa Pilipinas. Ibininta na rin niya ang ibang properties doon sa kadahilanang nagkasakit ang ama niya ng mahigit dalawang taon.

Her ill father chose to live in Tagatay, sa bahay bakasyonan ng pamilya na pamana pa ng lola niya sa kanyang Mama. Si Tiyang Lusana ang nag-aalaga sa kanya since she was working so hard for him. Her Dad live in Canada for few years. He took vacation in Philippines nang maramdaman niyang may karamdaman na siyang iniinda. That was the time she started with his own career. But after three years, nastroke ang ama niya and they suffered too much financial problem, halos naubos na ang properties nila sa pagbibinta.

Nag-aral siya ulit and at the same time working in a publishing company. Dahil may nag-udyok sa kanya na mag-apply bilang script writer sa London, where you can find expert filmmakers in Hollywood movies, she tried. Chances were fifty-fifty pero pumasa ang manuscript na ipinasa niya. Natanggap siya bilang isang script writer ng mga humor romantic movies just like I found My Bride To Be, The Wedding of The Year and the two recent movies ngayon. Ginampanan yon ng mga sikat na British Actresses and Actors kaya nagkaroon siya ng magagandang offers.

Inaamin niyang she received a lot of negative feedbacks pero nagsilbi itong mga aral at motivation para makamit ang tagumpay. In her age, marami talagang naiinggit. She's only 25 years old at isa ng script writer samantala ang mga kasabayan niya ay lampas trenta na ang edad or more bago nagkaroon ng ganitong opportunity. Tama nga ang sabi nila na, you cannot please everybody. She was doing this for her family kaya pursigido parin siyang ipagpatuloy ang nasimulan.

Palabas diya nang airport when someone pokes her at her back.

"Louise? Is that you?"

Nanlaki ang mga mata niya sa pagkagulat. Johann? Napangiti siya at masayang niyakap ito.

"Oh, Jon. It's been a long time. How are you?" Bumitiw siya ng yakap at nakangiting pinagmasdan ang kaibigan slash pinsan ng ex-boyfriend niya.

She was looking at him from head to foot. Nothing change, gwapo parin ang damuhong ito na madalas mang-asar sa kanya noon.

He smiled playfully, "Same old same, Louise. How about you?"

She shrugged and still smiled. "As usual ganoon pa din."

He's staring with admiration. Pinsan ito ni Max. Naalala na naman niya ang pamilyar na sakit sa kanyang dibdib. She should stop thinking her past para hindi siya nakakaramdam ng ganito.

"You are more beautiful and stunning. Kung sakali, may pag-asa na ba akong manligaw sayo?"

Tumawa siya ng malakas sa sinabi nito. Ganito naman talaga sila magtratuhan noon. Ang kaibigan ni Max ay tinuturing din siyang kaibigan ng mga ito. Johann is her closest one among all his cousins. Kaya magkasundo na rin sila simula pa lamang sa umpisa. Johann admitted that he had a crush on her before—pero dahil naging sila ni Max, he didn't pursue her feelings for her and it just fade away and turned into friendship. Wala din namang sparks sa kanilang dalawa ni Johann. Just a pure friendship.

"Anyway Jon, I have to go. Kanina pa ako hinihintay ni Dad."

Nag-appear pa silang dalawa before they separate their ways. It's amazing how life as peaceful as this. Masarap makatagpo ng mga taong naging bahagi ng masaya mong alaala. 'Max. Kumusta ka na kaya ngayon?'

The Agony Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon