Chapter 6

18 1 0
                                    


NAAALIW na pinagmasdan ni Gael ang hitsura ni Billy. Nakaupo ang bata sa stool habang ang kamay nito ay parang nakasampay sa isang stand. May inilagay si Phil sa braso ng pasyente na dextrose bottle na may lamang tubig. Apat na bote iyon na kung susumahin ay pumapatak sa walong litro.

"Masakit ba, Billy?" tanong ni Gael.

"Hindi na, Ate. Kanina po, napakasakit pero ngayon ay parang kaunti na lang."

"See, matapang ka naman pala, eh," nakangiting sabi ni Phil. "Mayamaya lang nang kaunti, isesemento na natin ang braso mo. Positive naman akong hindi na kakailanganin pa ng operasyon ang kaso mo, Billy." Ginusot nito ang buhok ng bata.

Fifteen minutes bago mag-isang oras, bumalik si Phil kasunod ang dalawang nurse na kilala na ni Gael. Sesementuhin na raw ang braso ni Billy kaya inihanda na ang mga gamit na hiningi niya kay Ate Meng.

"Sure kang maghihintay rito, Gael? Matatagalan 'to. You can go back to your brother if you want."

"Okay lang. Nandoon naman si Ate Mina. Gusto ko sanang makita ang procedure na gagawin kay Billy," sabi niya.

"Pero patitigasin pa 'to kaya—"

"Alin ang patitigasin, Doc?"

"'Yong semento, 'di ba? Ano pa ba?"

Nakaramdam si Gael ng pamumula ng mga pisngi sa narinig. Semento nga ang patitigasin, ano pa nga ba? Kung ano-ano kasi ang nasa isip niya kaya hindi agad nakuha ang sinasabi ni Phil.

"Ay oo, semento nga," nahihiya niyang sabi.

"Kapag matigas na, magpapa-X-ray uli siya para makita natin kung nakuha na ng semento ang fracture niya." Habang sinasabi iyon, nagsimula na si Doc Phil na sementuhin ang braso ni Billy. Hustong nakatapos na sa ginagawa nang tumunog ang cell phone ng binata. Hinubad nito ang gloves, iniabot sa nurse, at saka dinukot ang cell phone sa bulsa. Tumalikod ito para sagutin ang caller.

NAKAKUNOT ang noo ni Phil habang nagsasalita si Grena. Tinawagan siya nito at pinapunta sa isang restaurant na hindi kalayuan sa ospital. Ang akala niya, sasama na ang kanyang lola pauwi pero nagkamali siya. Wala pala itong balak.

"Hindi na ako natutuwa sa kabagalan mo, Philip James. Inuubos mo ang pasensiya ko," pagalit na sabi ni Grena.

"Grena, please. Huwag mo na kaming pahirapan pa. Susundin ko ang gusto mong mangyari. But please give me ample time to look for a decent woman to marry."

"Ample time? Hindi ba sapat ang ilang taon kong pangungulit sa 'yo? Paulit-ulit ako dahil paulit-ulit ka rin! Hindi na ako papayag na bale-walain mo pa ang gusto ko sa pagkakataong ito!"

Parang sasakit ang sentido ni Phil. Wala na nga yatang pag-asang mabago ang takbo ng isip ng kanyang lola. Pursigido ito sa iniuungot sa kanya.

"Okay, what do you want me to do?"

"Iuwi mo ako sa bahay."

Nangislap ang mga mata ni Phil sa narinig. "Uuwi ka na?"

"In one condition." Umangat ang isang kilay ni Grena bago muling nagsalita. "Ikukuha mo ako ng tagapag-alaga."

"Tagapag-alaga? Private nurse?"

"Sort of."

"Madali lang 'yan—"

"Si Gael ang gusto kong mag-alaga sa akin."

Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang pangalan ng dalaga. "Sinong—si Gael?!"

"You heard it right, hijo. Gusto kong si Gael ang titingin sa akin habang nandito ako sa Pilipinas."

"But why her? She doesn't know anything about—"

Love PotionWhere stories live. Discover now