CHAPTER 10

21.1K 307 22
                                    

Hi!

Naguluhan ka ba?

Ito next chappy.Mamaya pa sana to kaya lang hehehe nabasa ko kasi comment mo.

Sana maliwanagan ka dito. Or this chappy might help..

Keep safe:))))

===========

MHOR'S SIDE 




"JHOY OPEN THIS DOOR."-halos gibain ko na yung pinto sa kaka-katok ko. Hindi niya kasi binubuksan at hindi siya sa kwarto namin tumuloy kung hindi dito sa isa sa mga Guest Room namin sa bahay. Andito na din si Manang Claudia sa tabi ko. Siunusubukan na kausapin si Jhoy. 

"Jhoy, Iha, baka pwede mong buksan yung pinto." -pakiki-usap nito pero wala kaming narinig na ingay man lang galing kay Jhoy. 

"Manang, get the key for this door." -utos ko kay Manang Claudia. 

"SUBUKAN NIYO LANG BUKSAN NIYANG PINTO NA YAN AT TALAGANG AALIS AKO SA BAHAY NA'TO NANG TULUYAN!" -narinig naming sigaw ni Jhoy. 

Napahinto si Manang sa paglalakad. Nagkatinginan kami. Pareho kaming nagulat sa naging reaksyon ni Jhoy. 

"Sir Mhor, hayaan nalang po muna natin yung alaga ko. Baka mapasama pa po yung kalagayan niya kung ipipilit natin yung gusto niya." -sabi ni Manang Claudia sa akin. 

"But Manang.." -ako 

"Sige na po Sir, alalahanin niyo po buntis yung alaga ko. Sige na po, bukas niyo nalang po siya kausapin. Yung pareho na po kayong hindi galit sa isa't-isa." -dagdag pang sabi ni Manang Claudia. 

Wala na akong magawa kundi ang sumunod nalang sa gusto ni Manang. Inaalala ko din yung kalagayan ni Jhoy. Tama naman din si Manang. Baka makasama lang ito lalo kay Jhoy. 

Isang napakalalim na buntong-hininga nalang yung pinakawalan ko bago ako tuluyang umalis doon. 

Book 2: He Is Still A Selfish Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon