CHAPTER 9

21.5K 321 16
                                    

Hi Sa'yo!

Kakabilib ka naman. Natapos mo agad:)))

But anyways, maraming-maraming salamat sa pagbabasa nitong story ko. 

And, I am happy na nagustuhan mo. HAHAHA

Keep safe:)))))

===========

JHOY'S SIDE 




Papunta ako ngayon sa office ni Mhor. Na-miss ko kasi siya. Ewan ko ba mukhang siya ata tong pinaglilihian ko. Naman! Sana hindi lang niya mahalata para hindi lumaki masyado ego non.  

Nakakainis pa naman yun nitong mga nakalipas na araw. Kung ituring ako para lang akong bata. Ang daming bawal! 

Bawal ka nito, bawal ka niyan. Tapos bawal mong gawin niyan, bawal ka mag-ganito. Ewan! 

Minsan kapag wala na siya sa bahay, pumupuslit pa din ako nang kain sa mga gusto kong kainin kaya lang palagi pa din akong nasasabon pag-uwi. Si Manang Claudia kasi sinusumbong ako. Mukhang nasa kay Mhor na yata yung loyalty ngayon ni Manang.  

Kakainis naman sila! 

============ 

Bubuksan ko na sana yung pintuan kaya lang ito na naman po ako. Nakikinig sa usapan ng may usapan. 

Base sa naririnig kong boses, lalaki yung kausap ni Mhor, tapos parang seryosong-seryoso talaga yung pinag-uusapan nila.  

Nakakunot naman yung noo ko. Sino kaya tong kausap ni Mhor. Ayaw ko namang pumasok nalang di ba. Baka kasi importante yung pinag-uusapan nila.  

Baka confidential. 

Pero matapos kung marinig lahat ng pinag-uusapan nila ay nanghihina akong napakapit sa pader.

Book 2: He Is Still A Selfish Man (Completed)Where stories live. Discover now