#25

630 28 1
                                    

Rina' POV

"Tutuloy ka ba talaga doon?" Hindi ko na mabilanh kung ilang beses na nya ako tinanong nya'n, natawa ako ng mahina at hinawakan ang kanyang mukha.

"Babalik naman ako e. 2 weeks lang ako doon, para sa'kin mabilis lang 'yon." Sagot ko, ngumuso nama sya na parang bata, "Ang tagal tagal kaya no'n, tapos nasa malayo ka pa." Wika nya.

"Pero wala tayong magagawa." Sabi ko naman, tumango naman sya. Napaka cute talaga nitong lalaking 'to.

"Sa bagay, mga tita mo nga naman 'yon." Sabi nya at niyakap ako, "Hindi ba talaga ako pwede sumama?" Tanong nya, natawa ako ng mahina at umiling.

Kahit hindi natuloy ang flight ko noon, ay kailangan ko pa 'rin tumuloy sa Europe dahil din sa request ng mga tita ko doon at sabik na din silang makita ako, gano'n din sa'kin. Kaya ngayon itong si Ken ay ayaw ako bitawan.

"Ano? Tara na baka malate pa ako sa flight ko." Tumango sya pero hindi pa 'rin inaalis ang pagkakayakap sa'kin.

"Kenken? Love?" Agad syang tumingin sa'kin at gulat na gulat, nagtaka naman ako dahil sa itsura nya, "Bakit parang nakakita ka ng multo?" Tanong ko.

"T-tinawag mo akong? Ano 'yon?" Kinurot ko ang pisngi nya, "Hindi ka naman siguro bingi 'no?" Tanong ko at naglakad na paalis.

"Teka! Rina! Tayo naba?!" Sigaw nya mula sa'king likuran, hindi ko mapigilang matawa sa inaakto nya.

"Oo! Ken Suson!" Sigaw ko din tsaka kinuha ang akint maleta tapos tumakbo palabas ng bahay, nakita ko namang sumunod si Ken at tumabo rin sya.

"Rina wag mo'ko takasan!" Sigaw nya habang tumatawa, umiling ako at mas tumakbo pa ng mabilis, pero nahuli nya pa 'rin ako.

"Gotcha!" Sigaw nya at habang yakap yakap ako, "Haha! Tara na kasi." Sabi ko, "Ayaw mona 'ata kasama e!" Parang batang aniya.

"Sino nagsabi no'n, kokotongan ko." Sabi ko tsaka tumingin tingin sa paligid. Binuksan nya ang kotse para ilagay ang gamit ko sa loob, pinagbuksan nya din ako ng pinto.

"Hey love." Tawag nya sa'kin dahilan mapaharap ako sa kanya.

"Lagi ka mag t-text sa'kin or tatawag." Sabi nya habang ang tingin ay nasa kalsada.

"Masyado kang worried Mr. Suson, mga tita ko kasama doon, kaya wag ka masyadong mag aalala tsaka tatawagan kita always." Nakangiting sabi ko, ngumiti sya at humarap sa'kin tsaka kinuha ang aking kamay para ito'y halikan.

"Mamaya na 'yan Suson, baka maaksidente tayo." Aniko, agad nya binitawan ang kamay ko at binalik ang tingin sa harap, natawa naman ako sa kanya.

--

"Mag iingat ka doon ah?" Sabi nya, "Oo, ikaw din dito." Tumango sya, may kinuha sya sa bulsa nya at pagtapos ay pinakita ito sa'kin.

Isang kwintas na may pendant na letter K. Sinuot nya ito sa'kin.

"Ano 'yung K?" Tanong ko, "Sino paba? Edi pangalan ng pogi mong boyfriend." Sagot nya, ngumiti ako.

"Salamat." Sabi ko at pinagmasdan ang kwintas, napatingin kami kung saan nang i- announce ang plane na sasakyan ko.

"Pa'no ba 'yan?" Tanong ko, nakita ko ang mukha nyang medyo nalungkot.

"Wag kana maglungkot dyan, babalik ako. Promise!" Sabi ko at tinaas ang palad.

"Syempre kailangan mo bumalik." Sabi nya, "Kailangan ko na umalis." Hinawakan ko ang magkabilaan nyang pisngi at binigyan ito ng mabilis na halik sa labi.

"Bye and i love you." Sabi ko at kinuha na ang maleta ko tsaka nag lakad paalis, iniwan ko sya doong tulala, hindi ko mapigilang matawa.

Bigla akong natigilan ng may yumakap sa'kin mula sa likod, "Ke-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng agad nya ako hinarap at hinalikan sa labi. Nagulat ako sa biglaang ginawa nya.

Nagtagal ito ng ilang segundo tsaka nya ito binitawan, "I love you too my Rina." Sabi nya, napangiti ako at tumango.

I can really say, I love him so much.

--

Pag baba ng eroplano ay sinalubong ako ng tita't tito ko.

Sa loob ng 2 weeks, tanging kwentuhan at ano ano pa ang ginawa namin doon ng magkakasama, talagang namiss nila ako, gano'n din ako. Nag lakbay kami sa iba't ibang lugar.

Sabi ko nga, parang isang araw lang ang isang linggo, dahil bukas na ang uwi ko sa pilipinas. Ang bilis ng 2 weeks, gusto ko pa sila makasama pa pero may tao 'ring nagaantay sa'kin, at sa tingin ko sya ang pinaka importanteng tao.

I can't wait to see and be with him again.

My Stepbrother Fell Inlove With Me?! Where stories live. Discover now