#19

554 18 0
                                    

"Kuya kailan ako makakalabas dito?" Tanong ko kay Kuya Ken na kasalukuyang nagbabalat ng orange para sa'kin.

"The doctor said you can recover tomorrow." Napangiti ako dahil sa sagot nya. Sobrang bagot na bagot na ako dito sa loob ng hospital, gustong gusto kona makauwi.

"Bigla kong naalala, 'yung Justin na binanggit mo 'noon nung nagising ka, sya ba 'yung ex-crush mo before?" Biglaan nyang tanong, at nakita ko pa ang pagkainis sa mukha nya.

"Sya siguro, mukha nya nasa panaginip ko eh." Sagot ko at inabot ang orange na binalatan nya para sa'kin.

"Ano 'bang napaginipan mo 'noon?" Napatigil ako sa pag kain at inalala ang mga nangyare sa panaginip kong iyon, pero ni isang iksena wala akong maalala.

"Nakalimutan kona lahat Kuya." Sagot ko at pinag patuloy ang pagkain ng orange.

"Nireject ka nya kaya mo sya napaginipan." Bulong nya pero sapat na para marinig ko.

Natawa ako ng mahina at kinurot ang pisngi nya, "Kuya naiinis ka pa'rin sa kanya hanggang ngayon?" Tanong ko, ngumuso sya at tumango.

"Para kang bata Kuya, hindi bagay sa'yo." Pang-aasar ko, hinawakan nya ang kamay ko na nasa pisngi nya at diretsong tumingin sa'kin.

"Rina..pag may problema ka, sabihin ko sa'kin ah? Wag kang mag tatago." Sabi nya, bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko.

"O-opo." Aniko at umiwas ng tingin, gosh. Iba epekto pag si Kuya tumitig sa'kin.

"Bakit ka namumula?" Nagaalala nyang tanong at hinawakan ang noo ko para i-check kung may lagnat ba ako, "W-wala lang.." Sagot ko at inalis ang kamay nya na nasa noo ko.

Natawa sya at hinalikan ako sa noo ng ikinabigla ko, "Pahinga ka muna d'yan, lalabas lang ako." Sabi nya at naglakad na paalis, iniwan nya naman akong tulala.

----

"Beshhh! Sa wakas gising kana!" Nagising ako dahil sa lakas ng boses na iyon. Sino pa 'to? Edi 'yung kupal kong kaibigan.

"Patay na ako sa totoo lang." Irap kong sabi, umirap din sya sa'kin. Ito talagang babaeng 'to, nakakagigil talaga.

"Kamusta dito sa hospital? Ano nararamdaman mo?" Sunod sunod nyang tanong.

"Gusto ko na nga umuwi eh!" Sagot ko sa tanong nya at pinag cross ang aking braso.

"Sabi ni Kuya Ken, pwede kana umuwi bukas." Masayang sabi nya, "Excited na nga ako eh." Sabi ko at natawa ng mahina.

"Kwinento sa'kin ni Kuya Ken 'yung weird mong panaginip, at andon pa 'yung bwiset na Justin na 'yon." Pati 'rin pala sya naiinis kay Justin kaya natawa nalang ako.

"Kalimutan nyo na sya, dahil kinalimutan kona sya." Sabi ko, bigla nya akong pinalo sa kamay.

"Para saan 'yon?!" Inis kong sigaw. Makapalo sa kamay akala mo may ginawa akong masama.

"Natutuwa ako na malaman 'yan." Naluluha nyang ani at kunwaring nag punas ng luha kahit wala naman.

Inirapan ko lang sya, "Balatan mo nalang ako ng apple!" Sigaw ko, sumunod naman agad sya.

My Stepbrother Fell Inlove With Me?! Where stories live. Discover now