Chapter 28

124K 3.5K 172
                                    

Dustin Villaverde

"Magkukunwari na lang ako na wala akong narinig."  Seryosong sambit ni Jen pagkalapit sa amin.  Ibig sabihin ay talagang narinig niya 'yong sinabi ko.  "Pero sana kung mag-uusap kayo tungkol sa ganyang bagay dapat sinisigurado niyo na walang ibang makakarinig.  Paano na lang kung narinig 'yon ni Dustin?  Siguradong mag-aalala 'yon.  Ayoko pa naman na nag-aalala siya sa akin."

"Bakit ayaw mong nag-aalala siya?"  Tanong ko.

"Dahil kaibigan ko siya."

"Dahil kaibigan mo siya o dahil may gusto ka sa kanya?"  Hindi ako tanga para hindi 'yon mahalata.  "Bakit hindi ka makasagot?  Totoo di ba?  May gusto ka sa bestfriend mo."

"Oo, may gusto ako sa kanya.  Ano ngayon?"  Taas noo niyang pag-amin.  Nakita ko namang nagulat doon sina James at Kyle.

"Ang lakas naman ng loob mong sabihin 'yan sa harap ko."  Naiirita kong sinabi.

"Tinanong mo 'ko di ba?  Kaya sinagot lang kita.  Ngayon ako naman ang magtatanong.  May gusto ka ba kay Ashley?"  Mas naging seryoso ang mukha ni Jen habang tinatanong iyon.  "Bakit hindi ka makasagot?  Totoo di ba?  May gusto ka sa bestfriend mo." 

"Jen stop it."  Sita sa kanya ni James.

"'Yong sinasabi mo kanina na niligawan mo lang ako para inisin si Dustin, 'yon ay dahil galit ka sa kanya kasi inagaw niya sa'yo si Ashley.  Walang kasalanan sa'yo ang bestfriend ko.  Walang siyang inagaw na kahit ano sa'yo.  Subukan mo siya gawan ng masama at ako ang makakalaban mo."  Pagkatapos magsalita ay nag-walk out na siya.  I can't believe na nagawa pa niya akong hamunin.  Ang tanong, kaya ba niya akong kalabanin?


Jennifer

Tapos na ang first periodical exams and as usual ay na-perfect ko iyon.  Dahil dito ay lalo lang tuloy nahumaling sa akin si AJ, mataba daw kasi ang utak ko.

Buhat nga pala nong nagsagutan kami ni Dustin ay hindi pa rin kami nagkikubuan,  gayunman ay sabay pa rin naman kaming kumakain ng lunch.

"Jen oh dessert."  Ani AJ at saka ako binigyan ng chocolate bar.  Believe it or not ay madalas din siyang sumabay sa amin na mag-lunch.

Napansin ko naman na pinagtinginan kami ng ibang mga estudyante.  Paano ba naman, hindi pa nagkasya si AJ na bigyan ako ng chocolate. Nagbalat pa siya tapos gustong isubo sa akin.  Seriously?  Sa harap ng boyfriend ko?

Tumayo si Dustin at bago tulutang umalis ay binalibag niya muna 'yong upuan dahilan upang magulat ang lahat.  Anong problema niya?  Kasunod ni Dustin ay umalis na din ang tatlo niyang kaibigan.

"Ang kapal ng mukha.  Makipag-flirt ba sa iba kahit may boyfriend na siya?"

"If I were Dustin ibi-break ko na 'yan.  Hindi na nga kagandahan ang landi pa.  Ang sarap ihulog sa bangin." 

Walang duda na ako 'yong pinag-uusapan nong dalawang babae sa kabilang table.  Palibhasa ay wala silang alam sa totoong nangyayari.  ako 'yong kawawa dito at hindi si Dustin 'no!

---

"Jen nag-away ba kayo ni Dustin?"  Tanong ni bestfriend sa akin habang nakatambay kami dito sa may garden.  Napansin niya marahil ang hindi namin pagkikibuan ng mabait kong boyfriend.

"Hindi ah, saan mo naman nakuha ang ideyang 'yan?  Dahil ba sa pagdikit-dikit sa akin ni AJ?" 

"Kung ako ang tatanungin.  Mas gusto ko si AJ for you. I think he's a nice guy.  Kung ikukumpara sa boyfriend mo."  Sabi niya at agree ako doon.  Oo naman, di hamak na mas nice si AJ kung ikukumpara kay Dustin.  "Bakit kaya hindi mo pa i-break si Dustin?  Tapos start going out with AJ." 

I'm not sure kung magagawa kong sundin ang advice sa akin ni bestfriend.  Ang plano ko kasi talaga ay ang maghintay na si Dustin na mismo ang kusang makipag-break sa akin para iwas gulo.

"Pasensya ka na Jen ha. Ang pakialamero ko ba?" 

"Hindi naman."  Tugon ko.  "Pero don't worry dahil okay lang kami ni Dustin.  Promise hindi kami nag-aaway."

"Jen 'yong totoo, napapamahal ka na ba kay Dustin?"  After that question ay biglang nag-ring ang cellphone niya na agad naman niyang sinagot.  "Oh Babe, gabi na napatawag ka.  Gusto mong mag-good night?  Di ba nag-good night ka na kanina?" 

And here I was, tahimik lang na pinapanood ang lalaking gusto ko habang masayang nakikipag-usap sa girlfriend niya sa cellphone.

Nakakaselos kaya nag-decide na akong tumayo at sinenyasan ko siyang aalis na ako.

Pagpasok ko sa kuwarto ay kinuha ko agad ang phone kung saan bumungad sa akin ang message ni AJ.  Mabuti pa siya, naaalala niya akong i-text ng 'good night' samantalang 'yong boyfriend ko, nevermind.

Dustin Villaverde is coldest boyfriend ever!  Para pisong text lang hindi pa makapag-text.  Tapos tatanungin ako ni bestfriend kung napamahal na raw ba ako do'n.  Sinong babae naman kaya ang mapapamahal sa lalaking 'yon?


Dustin Melendez

"Hi Dustin!"  Ang pagbati ni Faith ang siyang bumungad sa akin habang naglalakad ako dito sa hallway na papunta sa aking classroom.

"Hi."  Bati ko naman pabalik.  Lalakad na sana ako uli pero hindi ko nagawa dahil humarang siya sa daraanan ko.  At laking gulat ko nang bigla na lang niya akong halikan sa lips.

PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. 

GRAB YOUR COPY NOW!

When Miss Genius Gone MadWhere stories live. Discover now