Chapter 9: Gusto nga ba kita at Gusto mo rin ako?

9.2K 92 5
                                    

HER POV




Dalawang linggo na ang lumipas nung sinimulan akong ihatid at sunduin ni Jake. 




Dalawang linggo na rin simula nung makaramdam ako ng something special sa kanya. Well, I'm not sure kung ano yun kaya nga gusto kong tanungin ang bestfriend ko.




Nandito kami sa may Palma Hall. Breaktime namin at wala naman kaming ibang pupuntahan kasi nga naulan. Nakakatamad din kasi ang lamig, wala pa naman akong dalang jacket. Hays





"Rica..." Tawag ko sa kanya. Nagpefacebook lang naman ang bruha at nagiistalk sa crush nya na taga dito rin sa UP. Hay nako. 




Tiningnan naman nya ako ng blanko at out of the blue bigla kong nabanggit, "Rica, sa tingin mo may gusto sakin si Jake?" 




Nabigla naman ako sa nasabi ko. Aba! Jusko naman itong bibig ko. Nakakaasar.




"Si Ate, umiibig!" Panloloko pa ni Rica.




"Sumagot ka na nga lang kasi. Ano nga sa tingin mo? Kasi, hindi naman sa pag-aassume, pero mukhang gusto nya ako eh. Hinahatid at sundo, nagdedate kami minsan, tapos nung last two weeks, He kissed me on my forehead. So, what those things do mean?"  Totoo naman kasi eh. You know what guys, I feel something for Jake. Pero, hindi pa ako sure kung anong feeling yun. Gusto ko sya? Mukha nga.




WHAT I MEAN IS, GUSTO KO SYANG MAGING BESTFRIEND. PARANG SI RICA LANG. GANO'N! OO, TAMA! GANO'N NGA! WAG KAYONG ISSUE. SOBRA KAYO MAKAPAG-ISIP NG MASAMA. 





"Alam mo, denial ka pa eh. Gusto mo rin naman yang ginagawa nya. Tsaka, hindi ka assuming. Hindi rin s'ya pafall kasi nararamdaman ko sa kanya na sincere s'ya sayo. Jusko naman, Ikaw banaman ang ihatid sundo dito sa UP, idate at halikan sa noo. Sa tingin mo wala lang lahat yun sa kanya? Hay nako, Shiela, maganda ka nga kaso manhid ka." 




Nagulantang ako sa mga sinasabi ni Rica. Jusko, matalino pala to pagdating sa pag-ibig?! Eh wala ngang love life to eh. HAHAHAHA! 


The Sex Addict and the Sex Slave [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon