Chapter 8: New Day, New Life, New Beginning!

16.7K 146 3
                                    

HER POV 

Isang linngo na ang nakalipas mula nung nag Hyperventilate si Papa. Akala ko mawawala na sya ng tuluyan sa'kin, sa'min. 

Isang linggo na rin mula nang bumalik si Mama. Oo, napatawad ko na nga s'ya pero yung sakit nandito pa rin sa puso ko. Yung pangungulila sa isang Ina, nandito pa rin. Kahit andyan na sya, hindi ko pa rin matanggap. Mahirap, masakit. Halos ilang taon syang nawala at dahil don, naghirap kami. Masakit kasi yung kaisa isang kumpanya namin, nagawa nyang ibenta. Oo, nagalit ako sa kanya pero ngayon parang nawala lahat.

Gabi gabi, nakikita ko sya sa Chapel, umiiyak. MInsan sa room ni Papa, nadadatnan ko kasi sya pagkakauwi ko galing UP. Umiiyak sya dun, hawak yung kamay ni Papa. 

At dahil don, napagtanto kong mahal nya pa rin kami kahit na nagawa nya kaming lokohin. 

Mag aalas siyete na nang umaga pala. May pasok pa ako ng 10 o'clock pero bago ang lahat, nandito ako kila Mama. Dito na nya ako pinatira simula nung araw na pinatawad ko sya. Hay, ayoko man pero kailangan kong gawin. Kung dun kasi ako sa luma naming bahay, baka hindi na ako nakakapasok. Baka ngayon dropped na ako sa school. 

Nagprepare na ako at nagbihis. I'm ready for school. After one week, ngayon lang ulit ako papasok. Kailangan kong mag cover up sa mga lessons and quizzes na nawala sakin kasi kung hindi baka mawala ako sa Scholars' List. Mahirap na, marami pa namang gastos. 

Lumabas na ako ng bahay at nagsimulang maghintay ng jeep papuntang Diliman nang biglang may tumigil na kotse sa harap ko. 

Si Jake. 

"Sakay na. Hatid na kita sa UP." pag-aalok nito. Sumakay na rin ako kasi baka malate pa ako sa kakahintay nang jeep at saka hindi naman ako titigilan neto eh. 

"Kamusta na kayo nang Mama mo?" lagi syang ganyan. Lagi nyang tinatanong kung kamusta na kami ng mama ko. Ewan ko ba sa taong to. 

The Sex Addict and the Sex Slave [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon