52

290 36 0
                                    

I saw mystein na seryusong nakatingin sa‘kin. Kaya naman kunot noo akong tumitig sa mga mata n‘ya.“What?”

“Wala, gumanda ka yata clarence? May boyfriend kana ba?”

“Mukha bang meron? Kung meron lang baka inasawa kuna eh.” sagot ko.

Halos matawa naman ang iba tas si kuya at alex nasa kusina iwan anong ginagawa doon,  si Jay naman at Lixian nasa pool banda tas ang iba andito lang.

Minaigi kung tignan si mystein , Halatang  wala s‘yang alam sa mga nangyayari? Nong una  nagulat ako ng makita ko sa Zed naisip ko din naman agad na baka nga kambal n‘ya iyon pero nakakapagtaka ni hindi n‘ya manlang ako napagkamalan na si mystein, well baka nga di pa sila nagkikita or baka di sila magkakilala pero possible naman. Aalamin ko kaya kung anong nangyari.

“BIRRIIIXXXXX, IYONG TATARU KO ASAN NA?!” sabay sabay kaming napalingon lahat kay Klient na tila maiyak na.

“Baka lumipad.”

“Wala namang pakpak iyon eh,  walang pak pak ang tataru ko. Primus at clarence ang tataru ko.”

“Nasa Damit  mo Klient tangina mo ka.” sagot ni mystein. Yumuko naman ito at nakangiting kinuha ang caterpillar na nasa damit n‘ya.

Siraulo amp!

Tumayo ako para magpahangin sa labas ng bahay, ayuko munang mag stay doon sa tuwing nakikita ko kasi ng kambal ko pakiramdam ko hindi ako handa sa lahat ng mangyayari kung sakaling malaman n‘ya ang totoo na buhay si sk at buhay ang bunso namin.

Si mystein nalang ang di pa nakaka alam ayaw nilang ipaalam lalo na ni kuya baka di daw magpaopera si mystei at ayaw din namin itong mastress. Tama na ang pagsakrispisyo na ngayon kami naman. Maraming bagay ang nagawa si mystein isa na doon ang muntik n‘yang pag buwis ng buhay  para mailigtas lang ang mga taong kinamumuhian s‘ya.

Ayaw ni Papa kay mystein , pero si lolo pinapaalagaan si mystein dahil ito ang magiging future na nagapagmana. Kung iisipin mas mayaman si Mystein sa‘kin dahil kahit minsan kahit madami s‘yang pero nagtatrabaho padin s‘ya para mas lalong mapalago ang pera n’ya. Hindi s‘ya umaasa sa pamilya namin.

Kahit sabihing Luxwell Ang First richess family in the whole world mas pinili n’ya pading tumayo sa sarili n’yang paa. Ang Valdez naman pumapangalawa lang sa pinakamayaman.

Sa aming magkakapatid si Mystein lang ang Merong labing walang Mall  na hinahawakan or should I say pinapalago meron ding mga resort at umaabot ito ang tatlongpu,  may Private airplane din s‘ya may nga sariling bangko at sariling collection ng mga sasakyan meron ding labing limang condo simula sampu mas naging maingat na s’ya sa pero nagawa n‘ya ding magpatayu ng sarili n‘yang paaralan. Simula nong nabaril s‘ya lahat ng mga papers about sa mga hinahawakan n‘ya nasa akin at nong mga panahong may mga natatandaan na s‘ya unti unti ni kuyang pinaliwanag ang lahat at pinalik lahat ng papers sa kan‘ya.

Ako naman pag aaral lang ang inaatupag ko dahil ayuko dalaga ng mga bussiness.  Kaya si Marvin ang may hawak ng pag aari ng mga Luxwell nasabi ko naba sa inyo na sa lahat ng mga pagmamay ari ni mystein ni Isa walang ambag ang Luxwell don HAHAHAHA kasi nga ayaw ni mystein na gumamit ng pera galing Luxwell o sa Mga Valdez bakit?

Hindi ko din alam. Siguro kasi ayaw n’ya lang na maki alam sa gulo ng pamilya pero kahit anong iwas n’ya gulo lagi ang humahabol sa kan‘ya.

“Nag iisa ka yata?”

“Hindi nagdadalawa ako.” diritsang sagot ko kay riley ng bigla nalang itong sumipot sa tabi ko.“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.

Mysterious University Season 2 (#On - Going)Where stories live. Discover now