49

265 37 0
                                    

Nanatili akong naka upo habang si teta at teto nasa gilid ni Mystein tinitignan ito, itong kambal naman ni mystein matalim ang tingin sa‘kin.

“Di kaba nagsasawang pagmasdan ang mukha ko?”

“Pagmasdan? Naiinis lang ako.”

“Ba’t di mo’ko suntukin?”

“Mas lalo akong maiinis pag sinuntok kita,  pwede bang ilayo mo ang mukha mo naiinis ako lalo.”

At talagang iniinis ba ako nito? Napatawa ako nang wala sa oras dahil sa sagot n‘ya tahimik din ang lahat ng pumasok sa room ni mystein habang pinapakiramdaman ang sagutan namin ni myslien.

Hindi kuna ito sinagot at baka makalimutan kupang kakambal to ng kaibigan ko.

“Ah teto, teta uwi na po muna kayo kami na po ang bahala kay mystein,  tatawagan nalang po namin kayo if may di po magandang mangyari.” saad ni Jay.

“Mabuti pa nga , pa. Daanan n‘yo nadin si kuya sa Luxwell Ospital.” sagot ni clarence.

Tanginang mga pangalan to,  Mystein at Myslien anak ng pwede namang Lawrence nalang at Clarence.

“Kayo nang bahala dito alex iha , kumain kana din. Clarence anak bantayan mo kambal mo ok.”

“Got it.”

Naunang lumabas si Teta at sumunod si teto. “Hyysstt,  lagi nalang ba ganito?” napatingin kaming lahat kay clarence nang magsalita ito. “Sa tuwing uuwi ako dito, merong di magandang nangyayari? Sa tuwing uuwi ako dito ako ang nagdurusa sa tuwing nakikita ko ang kapatid ko na nasa ospital.”

Nanatili kaming tahimik habang nakatingin lang sa kan‘ya.

“M-Mystein?” napatingin kaming lahat sa higaan ng kaibigan ko ng dumilat ito.

“Anong ginagawa n‘yo dito?” tanong n‘ya samin.

“Ayos kana ba? May masakit ba sa‘yu? Gutom kana ba? Tell me, anong gusto mong kainin?”

“AHHAAAMM.” Sabay sabay kaming napaupo dahil sa sunod sunon na tanong ni zed dito.

Si Clarence naman ayon ,  napa atras dahil sa biglaang pagsipot ni zed sa higaan ni mystein.

“Hindi naman halatang nag aalala ka no?” saad ni Riley

“Dre,  gutom din kami baka gusto mong tanungin din kami.” dagdag ni Adrian

“Naakkss,  pre baka nakakalimutan mo yatang andito ang buong Cboys except kay Mr Valdez,  baka gusto mong magmalasakit din samin.” pang aasar ni Lixian.

“Will you just shut up!”

“NAGUGUTOM KAMI.” sabay sabay saad nong anim.


“Idi kumain kayo.” biglang saad ni clarence dahilan para mapalingon si mystein dito.

“Putangina,  kambal kita?” gulat na tanong ni mystein saka tinapik si zed dahilan para mahulog ito.

“What do you think?”



“Tangina ,  kambal nga kita. Namiss kita alam mo ba? Kumusta ang ibang bansa?”

“Ayon nasa ibang bansa padin.”


“Tsssk! Pilosopo.”

“Eh,  ikaw? Kumusta ulo mo?”

“Ito ulo padin.”

Sagot ni mystein,  magkapatid nga naman talaga.“By the way sis,  i have something to tell you.” nagkatinginan kaming lahat ng tumingin si Clarence kay zed.

Mysterious University Season 2 (#On - Going)Where stories live. Discover now