03

3 0 0
                                    

FLASHBACK

"Ayan na naman ang weirdo"
Mataray na sabi ni Nicole. Si Nicole ang anak ng may ari ng print shop sa tabi ng Karenderyang tinatrabahuan ng nanay niya.

Hindi niya ito pinansin at tinapos niya nalang ang pagpuputos ng pastil. Pagkauwi galing sa eskwela ay diretso agad sa Karenderya si Nella. Tuwing Sabado at linggo naman ay sa bahay lang sila kasi bukod sa Tindera sa Karenderya ang Nanay niya, tumatanggap din ito ng labada. Walang pasok ngayon kaya matapos niyang maglinis ng bahay ay naisipan niyang tumulong sa nanay niya.

"Hindi ko pa talaga yan narinig magsalita! ilang buwan na yan dito, Belle. Baka wala yan siyang dila."
Bulong na naman ni Nicole sa kalaro niyang si Belle. Hindi na nga ito bulong kasi rinig na rinig niya ito.

"Ah, Hi"

"May dila naman pala eh!" Sigaw ni Belle kay Nicole sabay hampas.

"Aray ah! Ano ba pangalan mo?Dora ba?bakit ganyan gupit ng buhok mo?"

"Ah, ako si Nella. Ganito yung buhok ko kasi hindi marunong magtali si Nanay. Para susuklayin nalang."
paliwanag ko.

"Eh bakit hindi ka nagsasalita?nag aaral ka pa ba?saan?saan ka rin nakatira bakit palagi ka nandito?" Walang prenong tanong ni Belle.

"Mga bata, mamaya na kayo mag laro pagkatapos ni Nella mag balot."
Nagsialisan naman sila. Nakakatamot naman din kasi tong may ari ng karenderya, si Lola Susan. Pano ba naman kasi, Mahaba ang puti niyang buhok tapos palagi siyang nakasuot ng bistida at lila na shall.

PAGUWI namin ni nanay sa hapon ay nagmeryenda kami ng bignit na nadaanan namin. Minsan lang kami dito kumain kaya tuwang tuwa ako. Paborito kasi ito ni Inay. Sabi niya masarap daw magluto yung lola niya nung araw.

"Nak, malapit na birthday mo. Bili tayo bago mong tsinelas?"

"Okay pa naman ang tsinelas ko Nay. Bili nalang tayo Batchoy."

Kung hindi pa sinabi ni Nanay hindi ko maaalalang malapit na pala ang birthday ko. Dati sa probinsya pag birthday ko hinahandaan ako ni Lola ng kamote at saging. Kaso namatay si Lola, ilang taon matapos siya mamatay ay sumunod din si Tatay.

"Nako, ang anak ko talaga basta pagkain." Pangisi-ngisi si Nanay habang pinupunasan ang gilid ng labi ko.

"Tao po?tao po!Laide bayaran mo na yung utang mo!Laide"

Pagkauwi namin sa bahay habang nagbabalot kami ng lumpiang nilalako ni Nanay ay rinig na rinig namin ang malakas na sigaw ni Aling Edna. Nilabas din naman agad ito ni Nanay.

"Edna, pwede limang daan muna ibababayad ko?sa Sabado nalang yung natira pang limang libo."
Tinanggap din naman ni Alinh Edna.

Pagsara ni Nanay sa pinto ngumiti siya saakin. Hinaplos ang buhok ko sabay sabing. "Nak, Mag aaral kang mabuti ha. Para hindi ka magaya kay Nanay."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 11, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

she hates meWhere stories live. Discover now