02

4 0 0
                                    

When Nella reached the door she remembered that Sister Esther once told her that if she was talking to a man on a business suit,no one should interrupt. Since most of the men who went to the orphanage wearing a business suit often donate a really huge amount of money and most of them does not want to be known for donating because they prefer being lowkey.

So instead, she placed the uniforms on the table beside the door, and left.
She hurriedly ran to the the Kitchen. Alas nuwebe na, makahugas nga. Washing the dishes is her least favorite thing to do pero sabado ngayon wala ang ibang kaedad niya at ang walong taong gulang na si Eve lang naiwan. Ang mga batang katulad niya dapat naglalaro pa pero iba tong si Eve. Pangarap daw niya sumali sa Master Chef Canada.

Dati sa edad na limang taon palaboy laboy lang si Eve. Minsan tambay sa labas ng 7/11 o di kaya sa labas ng simbahan para manlimos. Naranasan din niyang magnakaw. Swerte niya lang kasi si Sister Esther yung nanakawan niya. Kasi imbes na magreklamo si Sister, ipinasok niya nalang ang bata dito sa ampunan.
Nakaadjust din naman daw siya agad hanggang sa dito nalang siya tuluyang nanirahan. May umampon na rin sakanya dati kaso bumalik lang din siya dito.

"Eve, ako na dito, kain ka na."

"Naku, hindi na ate. Tapusin ko nalang to." Kinukuskus niya pa yung puwet ng kaldero. Napakabait talaga netong bata na to.

"Ako ng nga, Kumain ka na."

"Thank you ate"

Naisip niya siguro na hindi ako titigil sa pangungulit kaya kumain na lang siya. Pangiti ngiti tuloy ako habang naghuhugas.

"ATE! ATE!" Malakas na sigaw ni Jongjong habang kumakain.

"Ano?"

"Punta daw tayong lahat mamaya sa gym sabi ni Sister. Tabi tayo ate ha?"
may pangisi ngisi pang sabi ni Jongjong. May malunggay din siya sa ngipin. Cute.

"Hindi pwede, tabi kami ng ate ko."
Masungit na sabi ni Chyle. Napakacute din nito. Parang siyang siopao. Idagdag mo pa yung lalong sumingkit niyang mga mata. At nag pa-pout pa!Kanina pa siya natapos kumain.

"Tabi tayong tatlo" sabi ko agad.

"Jong, bakit hindi ka kay Mica tumabi?diba crush mo yon?"

"Chyle naman! Secret lang natin yun diba?"

"Bestfriend din naman natin si Ate ah. Pwede namang sabihin sa kanya."

Tatanongin ko sana kung totoo kaso namumula na si Jongjong. Si Mica ay isa rin sa bata dito sa ampunan. Mataas at makintab ang buhok, palaging may purselas at hair clip  tsaka pink yung favorite niyang kulay.



"Magandang umaga mga bata?At dahil tapos na kayo kumain ipapakilala ko na sainyo si Engr. Jeremiah Theodore Rox. Sana ay gagalangin niyo siya at kakaibiganin kasi palagi na natin siyang makakasama dito. Siya ang tutulong saatin sa paggawa ng bagong building. Okay ba yan?" Nakangiting paliwanag ni Sister Esther sa entablado habang hawak hawak ang mic.

Para akong nabingi. Nag slow motion yung paningin ko. Biglang lumakad papunta sa entablado ang lalaking nakabuisness suit sa office ni Sister kanina.

It can't be. Why is he here?I watched as he walked and talk. Maraming sinasabi si Sister pero wala na akong maintindahan. Pati si Chyle na nagpapabukas ng lollipop ay hindi ko napansin.

Nakatuon ang pansin ko sakanya. He looked older. May balbas na siya at humaba ang buhok. Mas lalo rin siyang tumangkad at lumaki rin ang katawan niya. Memories came rushing into my mind. Hindi ko na kinaya, tumayo na ako at lumabas sa pintuan malapit sa kinauupuan ko. Tinawag ako ni Chyle pero kumaway lang ako sakanya. Buti dun kami umupo sa may gilid malapit sa emergency door.

Umupo na ako kaagad sa bench sa gilid ng playground. Walang tao ngayon dito kasi ang lahat nasa gym.
Isa-isa nang tumulo ang luha ko hanggang sa napahikbi na ako.

Naintindihan kong matagal na yung nangyari at possibleng kinalimutan na niya ako pero sana kasing saya niya rin ako. Sana hindi na rin ako nagdudusa ngayon.

I realized just now that between the two of us. It has always been me who loved more. Because if it was him, he wouldve been crying like what im doing right now.




she hates meWhere stories live. Discover now