FEB-IBIG: 3 - GIVING UP [JULQUEN]

757 31 11
                                    

ENRIQUE'S POV

 FEBRUARY 14 -  1:00 PM/ ENRIQUE'S CONDO

She walked away.

She turned her back on me. I tried to catch up and held her hand. I don't care ano ang iniisip ng mga taong nadadaanan ako. Kung umiiyak ako. I don't think you'll be happy too when the only person you love dumped you. After all the things you've done and after that long years you've waited for her comeback.

After everything ganito lang?

"Bakit mo siya Mahal?" Tanong ko sa kanya. Ramdam ko kung gaano katense ang buong katawan ko. Iba ang reaction ng buong katawan ko sa ginawa niyang pagturn down sa akin.

Ewan ko ba bakit ko siya tinanong non. Siyempre naman ang isasagot niya eh something like. Kuya's Perfect. He's the most Ideal Boyfriend-to-be. O kaya walang rason para hindi mahalin si Kuya. Pero iba ang sagot niya. Malayo sa inaakala ko.

"Ikaw? Anong minahal mo sa akin? Anong gusto mo sakin?" She threw back the question at me.

Ang dami-dami kongpwedeng isagot pero hindi ko alam ano yung pinakatama na isagot. Bakit nga ba mahal ko siya? Dahil nabago niya ang buhay ko? Dahil masaya ako pagkasama ko siya? Kasi siguro comportable ako sa kanya. At higit sa lahat Mahal ko lahat tungkol sa kanya.

Everything. "Everything.. Lahat sa'yo.."

She looked at me in the eye then smiled. "Same here. I Love and like everything about your brother."

Para akong sinuntok sa sinabi niya. Para akong sinaksak direkta sa puso tapos tinry ko na kunin pero mas diniin pa niya. Alam ko na nasaktan ko siya. Alam ko naman talaga ano kami. Ano lang kaya niyang ibigay sa akin na attention noon pa. Alam ko naman ano lang ako sa kanya. I already knew that she have always love my brother. Pero masisisi mo bang nagmamahal din naman ako tulad nilang dalawa?

"Anong feeling ng binasted ng taong mahal mo?" Umupo naman siya sa tabi ko. Sabay laklak ng isang Can ng pineapple Juice.

Nilngon ko naman siya sabay bato ng nakakamatay na tingin.

Umatras naman siya exagerrating everything. "Ahhhhh. Mamatay na yata ako. Ahhh--ah....ah!" sabay hawak sa dibdib niya. "Alam mo yangpagmumukmok mo at pagbabato mo saakin ng nakamamatay na tingin, wala yang magagawa sa nararamdaman mo."

"Ano na namang kailangan mo DS?" DS as in Dakilang Stalker.

"Sagutin mo muna ang tanong ko. Anong pakiramdam ng binasted ng taong mahal mo?" ngingiti pa siya.

"Umalis ka nga!!!! Umalis ka na kung bubwesitin mo ang din naman pala ako!!!!" Sabay bato sa kanya ng pillow.

"Ano ka ba? Valentine's na Valentine's magmumukmok ka dito? Halika! I-date mo ako."

 Hila-hila niya sa akin.

Nandito nga pala kami sa Condo. Ilang oras din akong nakatayo don sa Mall kanina ng sumulpot ang babaeng yan sa harapan ko.

Ilang taon ko ng Kilala si Julia. Or should I say matagal na niya akong kilala. Ikaw ba naman magkastalker ng tulad ni Julia eh. Mula yata sa shampoo hanggang sa brand ng breif ko alam na alam niya. Dati pinapahiya ko siya sa harap ng studyante sa school. Kasi naman yung pinag-gagawa niya hindi na Normal. Isali mo naa don yung panliligaw niya sa akin. Alam mo yun? Anong mararmdaman mo don?

Of course kung ibang lalaki yan Mapa-flattered masyado tapos sasagutin. Eh isang Enrique ako expect the worst. Pero sino ba namang mag-aakala na itong babaeng tinarantado ko noon ay maging ganito kapakinabang.

FEB-IBIG [ONE SHOT COLLECTION]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora