FEB-IBIG: 2 - CONFRONTATION [KATHNIEL]

744 26 3
                                    

DANIEL'S POV/ DJ'S POV

FEBRUARY 14- 8:00 A.M.  /CLASSROOM

"CHOCOLATES?" pinag-iinspect niya naman isa-isa ang mga box sa desk niya at Cards.

"Ano ba 'to?"

"Will you be my Valentine?" nakasulat sa card na maraming glitters.

"Will you be my Girlfriend?" yun naman ang nakasulat sa post it na nakadikit sa box ng chocolate.

"Happy Valentine's!" tumawa naman siya. "Happy. Happy. Hindi ako masaya! ARGGGGGH!!!! ano ba ito?"

She's crazy. Tibo. At higit sa lahat black belter.

Oo blackbelter yan. Maniwala kayo. Kahit na parang stick yung katawan niya at feeling mo na una pang mababali ang mga boto niya kaysa kaaway niya malakas yan. Minsan nga gamit ang isang kamay niya binalibag niya ang lalaking nakasalubong niya. Ang rason? Mangliligaw lang sa kanya.-.-" Ang weird noh? Kasi naman. Ewan ko ba bakit naging man hater yan..

Sa pagkakaalam ko mahal naman siya ng Daddy niya kahit na patay  na ito. Hindi naman sila iniwan ng Daddy niya bukod sa nauna na nga ito sa langit at sort of iniwan nga sila. Ah basta. Gets niyo naman diba? Saka wala namang ibang pamilya ang Daddy niya. At prinsesa nga kung ituring ito ng mga kuya niya. Kahit nga lamok hindi pinapadapo sa kanya. Ewan ko ba kung bakit diring-diri siya sa mga lalake eh kasama niya naman sa bahay halos lalake. Saka ako ang bestfriend niya lalake din.

"Alam mo, Valentine's naman eh.. Tanggapin mo na lang yan." sabi ko pero di ko siya nililiingon. Nakatuon lang yung mga mata ko sa binabasa kong Libro ni John Green.

"Alam mo DJ. WAG KANG MAKIALAM." Sigaw niya.

Haaay kailan kaya magbabago itong babaeng ito. Maski sa mga pinsan kong sina Kuya Xian at Kuya Enrique eh iba talaga ang pakikitungo niya. Influence na rin marahil ng 'Pasigaw brothers'. Pasigaw magsalita. Pasigaw mag-utos. Pasigaw na lahat. Hindi mo talaga madedetermine kung kailan sila galit at kailan hindi.

 Kaya naman pag galit sila chill pa rin ako na sumagot kasi ano bang alam ko kung galit sila o kaya nagbibiro. Hindi naman ako takot sa kanila, kahit na nga yung ibang taong nakakaharap nila eh kulang na lang maihi dahil sa takot. Well, siguro kasi sanay na ako. Mula kasi pagkabata kaibigan ko na si Kathryn. Kaya mula pagkabata kaya since Fetus nasisigawan na talaga ako nila. Kaya ngayon okay na lang sa akin. Yung iba naninibago kaya natatakot. Kaya wala masyadong kaibiigan si Kath. Ako lang. Ay erase. hindi. Mali. Wala talagang kaibigan si Kath Ako lang.

"Hoy! kung ibibigay mo lang rin yan sa akin kainin mo na lang pati ang Box kasi itatapon ko lang yan! pakikain na rin niyang Card mo!!!" sigaw na naman niya. Tinignan ko naman ang kausap niya. Nasa doorstep siya ng classroom at may dalang box ng chocolate at card. Buti na lang walang rose na may tinik pa kasi tulad ng ginawa niya last year kinunan lang naman niya ng dahon ang rose katapos pinahawakan niya sa lalake ng mahigpit. Sabay sabi na.. 'Masakit at mahirap diba? ganyan din kahirap magtiwala..' Kaya yun dugo-dugo yung kamay ng lalake.

 At tulad ng nangyari lastyear at sa iba pang years pinigilan ko na naman siya sa pinaggagawa niya. "Kathryn tama na yan. Ano ka ba.. Nabibingi na ang mga kaklase natin sa kakasigaw mo."

"Mapapranning talaga ako sa rami ng kalat sa desk ko DJ!!!" she answered. Shouting at me. HAHAY. MAY IBA PA BANG WAY NA MAKAUSAP SIYA NG MAAYOS?

"Kung yang pinoproblema mo.." tumingin naman ako sa paligid. Lahat ng babae may mga hinahawakan na something red at sa [para sa kanya] kasamaang palad sa kanya ang may pinaka maraming natanggap ngayong Valentine's. Nagsign naman ako na pwede nilang kunin ang mga bagay-bagay na nasa desk ni Kathryn. Kinuha naman nila at hindi na nagreact si Kathryn..

FEB-IBIG [ONE SHOT COLLECTION]Where stories live. Discover now