Chapter 6

954 28 2
                                    

Chapter 6

NASA LOOB PA rin ng tent sina Jin at Gab... still trapped. Gab is trying to force it open pero kahit na anong gawin nito ay hindi nito magawang mabuksan ang zipper ng tent.

"Sumigaw na kaya tayo at humingi ng tulong? For sure maririnig nila tayo," suhestiyon ni Jin.

Nagsisisigaw sila sa loob pero dahil busy ang lahat sa paggawa ng sari-sariling tent at medyo layo layo ang mga tents ay walang pumapansin sa kanila. In the end, sumuko na rin sila sa pagsigaw since parang wala ring naitutulong.

"Tulungan mo 'ko, Jin. Hawakan mo 'to."

Sabay nilang hinawakan ang zipper ng tent at pinilit na i-angat. Pumwesto si Gab sa likuran ni Jin at naka-wrap ang arms nito sa kanya. Parehas pa rin nilang hawak ang zipper at pinipwersa at baka sakaling mabuksan nila.

At dahil sa sobrang pwersa, parehas silang natumba... magkapatong. Nagkatitigan sila at nakaramdam ng hiya at pagka-ilang sa isa't isa.

"Sorry," sabi sa kanya ni Gab as he helped her sit down.

"Pa'no na 'to ngayon? Late na tayo sa next task natin," nagwo-worry na tanong niya.

"Kaya nga, eh. Wala naman tayong magawa dahil parehas tayong stucked dito. We will just have to wait hanggang may magbukas sa'tin mula sa labas. I'm sure may tao na naglock sa'tin dito para matalo tayo,"

"Pero sino?"

NAKATAYO LANG SI Mika at nakapamewang habang tinitingnan si Zeke. Naiirita na siya dahil sa hanggang ngayon ay wala pa rin nangyayari sa ginagawa nito... which is rubbing two sticks together to build a fire.

"Ano ba?! Matagal pa ba 'yan? I think you're doing it wrong!" reklamo niya.

"Eh kung sana tumutulong ka dito, 'di ba? Sige, you try doing it and see kung madali lang!" sagot nito na halatang napikon na sa kaka-reklamo niya.

Padabog na ibinagsak ni Zeke ang sticks at tumayo. Pumuwesto si Mika doon at siya ang gumawa. Asar na asar siya dahil mahirap nga iyong gawin.

"Hindi tayo p'wedeng mahuli sa race dahil lang sa stupid sticks na 'to!" sabi niya at patuloy na niru-rub ang two sticks.

"Can you calm down? We are ahead of everyone! Bakit ba gano'n mo na lang ka-gusto manalo? Hindi mo naman kailangan ang prize, ah? You can afford to buy one,"

"Because I don't want to lose... lalo na sa Jin na 'yon!"

Dahil sa pagka-inis sa naiisip na matatalo na naman siya ni Jin, madiin niyang ikiniskis ang sticks at nagliyab iyon. That's when she looked at Zeke na parang nanalo siya ng grand prize.

"See, madali lang! I did it!"

JIN AND GAB seemed to give up on the race at ngayon ay nakahiga na lang sila sa loob ng tent at nagbibiruan habang naghihintay na may magbukas ng tent nila.

"Knock knock," umpisa ni Jin... trying to make a joke.

"Who's there?"

"Sana close,"

"Sana close tayo?" sabi ni Gab at itinukod ang braso para mas makita niya ang mukha ni Jin to see her reaction.

"Will you take me seriously? Sana close!" sabi niya sabay hampas sa balikat nito.

"Sana close, who?"

"You better watch out. You better not cry. You better not pout I'm telling you why. Sana close is coming to town!" she sang along to the lyrics.

Sinabayan na rin siya ni Gab sa pagkanta at continued singing the rest of the song.

Nang matapos ang kanta, napansin ni Jin na nakabukas na ang tent at dahil sa pagkanta nila ay hindi nila napansin na may nagbukas na noon.

Game of Love RetoldWhere stories live. Discover now